Chapter 31

3.1K 45 2
                                    

Chapter 31


Jared's POV


Ang ganda ng araw. Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ng apartment ni Jewel dito sa London, hindi ko maiwasang mainis.


I want to break something...


Maybe someone...


Damn.


Nasa ganitong mood ako nang may yumakap sa akin mula sa likod.


"Hey. What's with the face?" tanong ni Jewel na sumandal sa likod ko.


"Everyone's f*cking happy. Just look at their faces, damn it. Nakangiti... nakatawa. Argh!"


Hindi sumagot si Jewel. Instead, narinig ko na lang syang umiiyak. Humarap ako sa kanya saka sya niyakap nang mahigpit.


"Sorry," sabi ko. Tumango lang sya pero hindi pa rin tumigil sa pag-iyak. "Look, I know this is hard for you. Heck, it's too hard for me and I'm not the one undergoing that operation. It's just that... I love you. Natatakot akong mawala ka sa akin. Kailan lang kita nahanap... and I can't lose you now."


Looking at her, my own eyes got misty. God. Bukas na ang operation nya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pakiramdam ko mababaliw na ako sa takot.


"You won't," sabi nya na nakayakap sa bewang ko. "God knows I've lost everyone I love and I know how that hurts. I won't let you feel that kind of emptiness."


Isa pa iyon sa ikinaiinis ko. Pagdating na pagdating dito sa London, nagtaka na ako dahil wala manlang sumalubong sa amin. I mean, dito din nakatira 'yung pamilya ni Jewel, right? Hindi ba nila alam na uuwi na sya?


— FLASHBACK —


Weird.


'Yan lang ang word na masasabi ko. Paglapag na paglapag ng eroplanong sinasakyan namin ni Jewel, nagpalinga-linga na 'yung paningin ko. Though nandun din yung kaba kapag naiisip kong makikilala ko na 'yung pamilya ni Jewel, andun din naman 'yung excitement.


"Asan sila?" tanong ko kay Jewel noong nasa lobby na kami ng airport. Kahit sino na nga e nginingitian ko. Baka kasi kapamilya na pala iyon ni Jewel.


"Sinong 'sila'?" nakakunot-noong tanong nya.


"'Yung family mo."


Napansin kong nag-iwas agad sya ng tingin.


"Masyado ba silang busy?" tanong ko. Medyo naging maingat lang ako ng konti dahil halatang sensitive 'yung topic.


"Nope. Can we talk about this at home?"


My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon