Chapter 21

2.5K 52 0
                                        

CHAPTER 21

 

Jared's POV

 

 “Thank you…” napasandal sya sa balikat ko habang nakatingin pa rin sa langit. Naisipan kasi naming maglatag ng quilt sa isang part ng park at mag star-gazing.

“You’re welcome, babe,” sagot ko sabay halik sa top ng ulo nya. O-kay. Hindi kami pero sigurado na ako… I want to be with her for the rest of my life. And I’m planning to ask her to be my REAL girlfriend tomorrow.

“Uwi na tayo?” tanong nya before she yawned. Agad nyang tinakpan yung bibig nya.

“You’re tired,” sabi ko. She looked at me sleepily. Tumayo na ako at humarap sa kanya para sana tulungan syang tumayo nung in-stretch nya yung mga kamay nya sa akin. Yun bang parang batang gustong magpabuhat?

Luh??

“Piggy-back ride!!” she squealed.

“Ihh, ang laki laki mo na para dyan.”

She pouted. “Sabi mo kapag napagod ako, bubuhatin mo ako!!”

Hayh. Me and my big mouth.

"Eh hindi ka naman napagod e!! Umupo ka nga lang dyan!"

"Eeee... sige na. Puh-lease??" Ayan na. Nag-puppy eyes na sya.

*sigh*

"Fine,” sabi ko saka umupo para makasakay na sya sa likod ko.

“Yehey!!” tuwang-tuwang tili nya. Five minutes later, naglalakad na ako palabas ng park na yun habang kuntento namang nakasakay si Jewel sa likod ko.

“Hey,” she said after a while.

“Hmm?”

“Baka mapagod ka…”

“Hindi mo ba alam? Ako ang superman ng Pilipinas,” pagjo-joke ko. Pinalo lang nya yung likod ko.

“Galing mo ding magpantasya ha. Si Superman, gwapo-“

“Gwapo naman ako!!”

“… macho-“

“Hindi man ako pure muscles, fit pa rin ako!”

“… charming, matalino, seryoso-“

“Fine!! Edi sya na! Kung makapambaba naman 'to ng self-esteem!!” naka-pout na sabi ko. Tumawa lang sya.

“At dahil ayaw kong mapagod ka, ang seventh wish ko e… mag-commute na lang tayo. Uhmm… gusto kong mag-jeep,” sabi nya.

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon