CHAPTER 14
Jared's POV
"Jared... gising na!!"
"Hmm... ASDFGHJKL!!"
"Huy, sige na..."
Dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko tapos agad ko ding ipinikit yun. Nananaginip pa rin yata ako.
Bakit may anghel dito??
"Gumising ka na!!"
"Jewel... gabi pa lang. Patulugin mo muna ako!!" I grumbled.
"Anong gabi? 4:30 am na kaya!! C'mon, sleepy head!! Ready na ako sa third wish ko!!" sabi nya. I groaned. Damned wishes!!
"Ano bang gusto mo ngayon?" iritadong sabi ko kahit lalo ko pang isiniksik yung katawan ko sa sleeping bag.
"Gusto kong makita ang sunrise sa tuktok nitong bundok!!" sabi nya. I tried to block her voice... I really did. But when she whimpered, I gave up.
Damn my being so forgiving and generous. It really pains me sometimes.
"Sige na, sige na. But I need some boost first," sabi ko habang pupungas-pungas pa.
"Here!!" sabi nya sabay abot ng isang mug ng kape. Nice...
"HOY JARED!! ANG TAMAD TAMAD MO TALAGA!! GUMISING KA NA NGA JAN! IKAW NA LANG ANG HINIHINTAY!!" sigaw ni Cade sa labas ng tent.
"Kasama sila?" tanong ko.
"Oo. Gusto din daw makita ni Ivy yung sunset," she said casually. O-kay?
"Sino ang maiiwan dito?"
"Sina Jude at Claire."
"Hmm. Buti naman," sabi ko with a pleased smile.
"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jewel.
"Ayokong manakal ng kaibigan e."
"Huh?"
I sighed. "I don't like the way he looks at you," pag-e-explain ko. Bigla namang naging teasing yung mukha nya.
"Jealous much?" natatawang sabi nya.
"Nope," I said, making the word pop. "I won't get jealous over you."
Ewan ko kung bakit pero parang nagsisinungaling ako noong sinabi ko yun. Tapos parang nainis ako noong parang natuwa pa si Jewel sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Teen FictionHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.
