CHAPTER 1
Manila, Philippines...
Amber's POV
"AMBERRR!! AMBERRR!! DITO!!"
Napalingon ako noong marinig kong may tumatawag sa pangalan ko. Medyo nakakahiya na e. Masyadong maganda para i-broadcast.
O.O
"WAAAAHHH!! TRISHAAAA!!!" sigaw ko noong makita ko yung best friend ko doon sa may lobby ng NAIA.
Agad-agad akong tumakbo papunta sa kanya at niyakap sya ng mahigpit.
Hanep! Hanggang ngayon e napakaganda pa rin nitong babaeng to! Para talaga syang model. Hindi ko nga alam kung paano ko sya naging best friend e. Napakasopistikada nya tapos napakasimple ko naman. 'Pag nga magkatabi kami, mukha akong basahan.
"Amber... miss na miss na kita. Kumusta ka na?" tanong nya.
"Eto, uhmmm... okay lang naman," sagot ko. Ano ba kasi ang dapat isagot ng isang taong mamamatay na kung tinanong sya kung kumusta sya?
Natahimik kaming dalawa. Yep, alam ni Trisha yung tungkol sa kalagayan ko. Kailangan ko kasi ng tulong nya and she deserves to know everything kung tutulungan nga nya ako.
"Tara na nga! Iuuwi na kita," sabi nya at hinawakan yung kamay ko. Pumunta kami sa may kotse nya na nakaparada sa labas ng airport.
"Naks! Ang ganda ng kotse mo a!" I whistled appreciatively noong makita ko yun. Isa yung blue na chevrolet. Mukha itong alagang-alaga. Nakaksilaw sa kinang e.
"Oo naman, ako pa! It's needed in the business," parang wala lang na sabi nya.
Oo nga. Kailangang maganda at cool syang tignan dahil sa business nya. May beauty salons kasi sya.
"Hmm," sagot ko lang. Sumakay na ako sa passenger's seat habang sya naman e pumwesto na sa harap ng manibela.
"Ay, teka, may titirhan na ba ako?" tanong ko sa kanya. Noong nasa London pa kasi ako, pinakiusapan ko si Trisha na maghanap ng pwedeng tirhan ko habang nandito ako. Though may bahay naman kami dito sa Manila, hindi naman ako pwedeng mag-stay dun.
Bakit?
'Cause I don't want to get hurt. It's bad enough na may sakit ako without feeling the cold treatment na pinaparamdam sa akin ng pamilya ko.
"Opo, dun nga tayo didiretso e. Pero dahil alam kong gutom ka na, kain muna tayo," yaya nya.
"Trisha... thank you, ha?" tahimik na sabi ko. Sumulyap naman sya saglit sa akin.
"Ano ka ba! Para ka namang others nyan e! Syempre okay lang yun no."
![](https://img.wattpad.com/cover/14010400-288-k886959.jpg)
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Подростковая литератураHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.