CHAPTER 20
Jared's POV
At seven pm sharp, pinagbuksan na ako ng pinto ni Jewel. Nanlaki agad yung mga mata ko.
"H-Hi," nahihiyang bati nya.
"Uhh... y-you look nice," parang engot na sabi ko. Haha. Wala akong maisip sabihin e. Ngayon ko lang na-realize...
Ang ganda pala talaga nya.
"You look good yourself," she smiled genuinely. Teka nga... bakit pumapalakpak yung mga tenga ko sa sinabi nya?!!
"T-Thanks."
"Gusto mo bang magkape muna o aalis na tayo?" tanong nya.
"Uhh..."
"Ano? Kape? Huy!!" bahagya nya akong tinulak. Kumurap-kurap na lang ako habang nakatingin sa kanya.
*Suntok sa sarili!!*
Ano ba kasing nangyayari sa akin?!
"Hindi na. Tara na," sa wakas e hindi nauutal na sabi ko. Nagkibit balikat lang sya. Tumalikod sya at ni-lock na yung condo nya.
“Sa’n tayo pupunta?” parang batang excited na tanong nya.
“Secret.” Napangiti na lang ako. Siguro ang iniisip nya e sa mamahaling restaurant kami pupunta. Well, she’s in for a big surprise.
Pagdating sa lobby, agad na nagsalubong yung mga kilay nya.
"Nasa'n yung kotse?" Nagpalinga-linga pa sya as if bigla na lang tatambad sa harap nya yung kotse ko.
"Hindi ko dinala. Hindi naman natin kailangan e."
"Huh?"
"Maglalakad tayo," pag-e-eksplika ko. Nanlaki agad yung mga mata nya sabay tingin sa high heels na suot nya.
"Seryoso ka?!"
"Yup!" I grinned.
" Sana sinabi mo agad!! Tara, balik tayo sa unit ko!! Magpapalit ako!!"
"Hindi na. Perfect nga yang suot mo e. Don't worry, kapag napagod ka, bubuhatin kita," sabi ko with matching taas-baba pa ng kilay. Sagit syang nag-isip, tapos parang napipilitang sumagot.
"Sige na nga," sabi nya.
Hawak-hawak ko yung kamay nya hanggang sa makarating kami sa waiting shed ng barangay.
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Teen FictionHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.
