Chapter 19

2.4K 52 0
                                    

CHAPTER 19

 

Jared's POV

 

Kanina ko pa tinatawagan si Jewel pero hindi pa rin sya sumasagot. Kinakabahan na ako. Hindi naman kasi sya ganun. Kahit busy sya, lagi pa rin nyang chine-check yung phone nya.

"Hindi pa rin sumasagot?" tanong ni Warren.

"Hindi pa nga bro e. Kinakabahan na ako."

"Ba't kasi hindi mo puntahan?" sabat naman ni Jude na nakaakbay kay Claire. Psh. Noon, halos ayaw nyang maging touchy tapos ngayon, ni hindi mo na maalis yung kamay nya kay Claire. Batukan ko kaya?!

Saturday ngayon. Walang pasok. At dahil din dun, naisip nila Cade na tumambay dito sa bahay. Yun din yung dahilan kaya ko tinatawagan si Jewel. Baka kasi gusto din nyang maki-tambay.

"Baka naman lumabas?" sabi ni Ivy.

"Ewan..." - ako.

"Puntahan mo na kasi. Ang arte arte mo naman," - Cade. Binatukan ko nga.

"Wow ha. Kung maka-maarte ka naman dyan! Oo na! Pupunta na!!" sabi ko. Tumayo na ako at lumabas ng bahay. Medyo naghe-hesitate lang ako kasi baka pagbalik ko, wala nang laman yung ref at yung mga cupboards sa bahay. Mga patay-gutom sila e. Haha.

Habang nagdra-drive, sinusubukan ko pa ring kontakin si Jewel. Medyo risky dahil nga nagdra-drive ako pero hindi kasi talaga ako mapakali e. Naka-ilang dial na ako pero...

Hindi pa rin nya sinasagot.

Pagdating ko sa condo nya, door bell ako ng door bell pero walang nagbubukas. Nagfri-freak-out na ako.

Sa sobrang pagpa-panic ko, ilang minuto bago ko naalalang alam ko pala yung password ng pad nya. Haha. Minsan talaga tamad yung mga brain cells ko. :P

"Jewel?" tanong ko pagpasok ko. Naramdaman ko na agad yung presensya nya kaya alam kong nandito sya. Ewan, laging ganun. Alam ko kung malapit lang sya... alam ko kung kapapasok lang nya sa isang room without even lifting my head...

Para kasing may connection kami...

Perfect proof e noong una kaming magkita sa bar na yun. Pagpasok pa lang nya, naramdaman ko na yung presensya nya. I was drawn to her like iron fillings to a magnet. Naks!!

Since open-plan yung condo nya, nakita ko agad na wala sya sa living room, dining room, kitchen, at terrace. Ibig sabihin, pwedeng nasa bathroom sya o sa bedroom. Syempre hindi ko naman i-a-attempt na katukin sya sa bathroom so I opted for the bedroom.

Kumatok muna ako. Noong walang sagot, dahan-dahan kong pinihit yung doorknob nun at bahagyang itinulak.

Nandun nga sya.

Tulog.

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon