CHAPTER 24
Amber's POV
Pagpasok pa lang ng kotse ni Jared sa campus, naramdaman ko nang may iba. Una, pagdaan ng kotse sa mga estudyanteng nasa sidewalk, titigil sila tapos magbubulungan. Pangalawa, pagka-park ni Jared ng kotse, hindi kumpleto ang barkada.
First time yun.
Dati naman e kapag ganitong umaga, hinihintay na kami nina Warren, Jude, Claire, Cade, at Ivy sa parking lot. Kami palagi ang hinihintay kasi kami lagi ang late. Haha. Hindi ko alam kung paano nagsimula o kung kelan, basta naging tradisyon na namin yun.
Ngayon...
Wala sina Cade at Ivy.
Pagbaba namin ng kotse, nanlalaki yung mga mata ng mga estudyante pagkakita sa akin. Alam ko namang maganda ako pero... maganda talaga ako. Haha.
"Buhay pa pala sya. Sayang..." narinig kong comment ng kung sino man sa side ko. Luckily, hindi yun narinig ni Jared. Ewan ko ba. Basta bigla na lang syang naging overprotective sa akin.
"She's really a b*tch. Matapos nyang iwan si papa Jared susulpot na lang ulit sya? Ganun na lang?!"
"She's so mean."
"And cruel..."
I just ignored them. Ano ba kasing sasabihin ko sa ganung mga comment, di ba?
"Nasaan sina Cade at Ivy?" tanong ko sa barkada. Medyo nakakuha ako ng hint noong nag-iwas silang lahat ng tingin at hindi sumagot.
"Friends, nawala lang ako wala na akong karapatang malaman yung mga nangyayari? Ganun?" biro ko though medyo nasaktan ako. Totoo naman e. Nawala lang ako hindi na ako pwedeng sabihan ng secrets?
EDI WOW!!
Wala nanamang sumagot.
"Uhh... s-sige. Una na lang ako sa classroom," sabi ko na lang though nasasaktan talaga ako. Ten days lang akong nawala tapos hindi na ako kasali sa barkada?
EDI WOW!!
Tumalikod na ako pero bigla din akong hinigit ni Jared paharap sa kanya.
"Ihahatid na kita. I-e-explain ko na lang kung anong nangyari on the way."
"No need. Mag-group meeting na lang kayo," bitter na sagot ko.
"Wow ha. OA much?!" natatawang sabi ni Claire.
"Emote pa more!!" dagdag naman ni Warren. Hmp!

BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Novela JuvenilHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.