CHAPTER 15
Jared's POV
"Uhm... Jared, bakit nandito tayo? Di ba dapat pupunta tayong school ngayon?" nagtatakang tanong ni Jewel.
"Uhh... wala munang school ngayon. Today is supposed to be a day of fun so I brought you here," sagot ko na nakangiti. Kitang-kita ko kasi yung excitement sa mga mata nya habang nakatingin sa paligid.
Today is Friday at dapat sana e pupunta kami sa school. The usual routine on a normal day ay sunduin si Jewel, mag-drive papuntang school, umupo sa classroom hanggang sa mag-bell, lunch, umupo ulit sa classroom, ihatid si Jewel pauwi, tapos umuwi na din.
But...
This is not a normal day.
Dahil ngayong araw... aalis na si Trisha. No, scratch that. Nakaalis na si Trisha. Ngayong araw, kahit hindi sabihin ni Jewel, alam kong malungkot talaga sya. At dahil ayaw kong malungkot ang kahit na sinong babae, dinala ko sya dito sa amusement park.
Syempre bumili muna kami ng ticket. At dahil araw nya ito, bumili ako ng ticket for unlimited rides. Hayh. Umiiral nanaman ang pagiging generous ko. Tsk tsk tsk.
"So... anong una nating sasakyan?" tanong ko.
"Uhh..." parang nahihirapang magdesisyong sabi nya. Hinawakan ko na lang yung kamay nya saka hinila sya papunta sa haunted house.
"Sige, ako na ang magde-decide," sabi ko.
"AHHH!! AYOKO DYAN!! AYOKO!! SA MERRY'GO-ROUND NA LANG!!"
M-Merry-go-round? Joke ba yun?
"E pambata yun e!!" reklamo ko.
"E bata pa naman ako e!!" she retorted. Hinila na nya ako papunta doon.
"Are you serious?!" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.
"Yes!!" excited na sabi nya kaya wala na akong nagawa. Binigay ko na yung ticket doon sa lalaking nagbabantay dun. Agad syang sumakay sa isa sa mga kabayo. Ako naman, tumayo lang sa tabi nya habang nakahawak sa isang pole.
"Eto na...." she chanted. I can't help but laugh. Para talaga syang bata. Ang cuuute!!
Maya-maya pa, umandar na din yun. Dinaig pa ni Jewel yung mga bata sa pagsigaw e. Haha. Ang problema nga lang, pagkatapos ng ride...
Hilung-hilo na ako.
"ROLLER COASTER!!" sigaw ko kay Jewel noong matapat kami sa gate nun. Wahhh!! My favorite ride!!
"AYOKO!!" bigla syang kumapit sa isang poste dun. Luh?
![](https://img.wattpad.com/cover/14010400-288-k886959.jpg)
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Fiksi RemajaHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.