PROLOGUE
Amber's POV
London, England...
I uncapped my pen and marked the words.
"Sometimes, life has a cruel sense of humor, giving you the things you always wanted at the worst possible time."
Hindi lang siguro isang libong beses kong tinanong kay God kung bakit ako pa. Sa pitong bilyong tao sa mundo, bakit ako pa? Ano bang kasalanan ko? Ganun na ba karami yung mga nagawa kong pagkakasala sa labing-walong taon kong nabubuhay dito sa mundo?
Bakit ako pa?
"Miss Amber Santillian?" tawag nung nurse.
I gripped the pen tighter. Akala ko nga mababali yun e. Marahas din yung pagkakasara ko ng libro. The nurse was, of course, taken aback.
"Sorry," sabi ko bago tumayo at pumasok na sa loob ng office kung saan sya galing.
"Good to see you again, Amber. How are you?" tanong ni Dr. Alonzo pagkapasok ko sa office nya.
I bit my otherwise quivering lips. I need to know.
"May magagawa pa po ba tayo? May paraan pa po ba para... para..."
Hindi ko na matapos yung sinasabi ko. The tears that I tried so much to contain flowed freely down my cheeks.
"Meron pa po ba?" I whispered.
He studied me through his glasses. He got this sympathetic look that makes me hurt more.
Wala na bang paraan?
"For patients with cardiomyopathy," he started and I closed my eyes. There was that word again.
Cardiomyopathy.
Abnormal na paglaki ng puso.
'Di ba kasi ang heart ng isang tao e kasing-laki lang ng fist nya? Yung sa akin naman, mas malaki pa sa fist ko at patuloy pang lumalaki. Yun din daw yung dahilan kung bakit nahihirapan akong huminga. Hindi daw kasi makapag-pump nang maayos yung heart ko.
"... I don't know kung tama bang i-suggest ko ito pero... would you consider an open-heart surgery? I know the best cardiologist here in London. I can go over your case with him," sabi ni Dok.
"S-Sigurado po bang mabubuhay ako?" tanong ko. Alam kong lahat tayo, takot mamatay. Lalung-lalo na kung ganitong wala ka pa ngang napapatunayan… mamamatay ka na.
"Honestly... there is a very low success rate. About ten percent," sagot nya. Nakatingin sya sa table nya.
I've known him for two years kaya alam kong naiinis sya na wala syang magawa para tulungan ako. Bukod sa sya lang ang nag-iisang pilipinong doktor dito, he is also a good man... but he is just that. A man. He cannot help me if it is beyond men's capabilities.
"Ten percent," I whispered. Nanghihina akong napaupo sa kaharap nyang vinyl chair.
"That's why I'm asking you to think about this deeply. And please decide soon. Habang tumatagal na hindi ka nao-operahan, bumababa yung chance na maging successful yung operation."
Oh, God.
"This is crucial, Amber. Kung hindi, baka hindi na kayanin ng puso mo at bigla ka na lang... mag-collapse.”
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Подростковая литератураHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.