CHAPTER 29
Jared's POV
Cardio-Huh?
"Cardio-what?" tanong ko kay Jewel matapos ang ilang minutong pagda-digest ng sinabi nya. Kahit naka-ilang minuto na, hindi pa rin nagsi-sink in yung information na basta na lang nya pinasabog sa mukha ko.
"Cardiomyopathy. Abnormal na paglaki ng puso. Really, Jared. I-google mo na lang. Mahirap i-explain e," sagot nya.
"Look babe. You're okay. You're healthy-"
"No, I'm not-"
"You're strong. Iuuwi na kita. Masyado ka yatang na-stress sa activities natin ngayong araw-"
"-hindi ako na-stress-"
"-what with planning about the Cade-Ivy p-"
"JARED!!"
"NO!! Damn it! WALA KANG SAKIT! IMPOSIBLE YUN!!" Mataman akong tumitig sa kanya. Kitang-kita ko yung lungkot sa mga mga nya habang nakatitig din sa akin.
No.
"I'm not okay," pabulong na sinabi nya. "I'm not healthy. I'm not strong... Hindi ka ba nakikinig sa sinasabi ko kanina? Mamamatay ako!!"
Tumitig lang ako sa kanya na parang tanga. No. Malakas sya, di ba? Now that I think about it, whenever I'm with her, sobrang lively ng paligid. She oozes charm and happiness. How can a person like that... be sick?
No. Imposible lang talaga.
"Jewel, stop it, okay? You can't joke about your life just because I confessed that I love you. I get it, really. Kung hindi mo kayang sabihin na mahal mo din ako, willing naman akong maghintay e. Just... just don't say that, okay?"
“Pero kasi... Yun yung totoo. I’ll be leaving three days from now para sa operation. I’m sorry...”
Hindi ako nagsalita after nun. God. Parang kahapon lang pinagplaplanuhan ko na yung pag-amin ko tapos ngayon...
“Ba’t ngayon mo lang sinabi?” garalgal na tanong ko sa kanya. All these time, nahihirapan na pala sya and yet, wala manlang syang sinabi?
Wala manlang akong nagawa?
“I’m so sorry. Jared, hindi ko naman plinanong maging close sa’yo... O sa barkada. Ito mismo yung kinakatakot ko. Every morning paggising ko, pinagdarasal ko na sana panaginip lang na kasama ko kayo. Tapos, nasa lobby ka ng condo ko, nakangiting naghihintay sa akin. Gustung-gusto kong sabihin sa inyo but then, habang kasama ko kayo, hindi ko maiwasang gustuhin na isang masayang Amber ang maaalala nyo. Hindi yung sakitin na Amber. Is that too much to ask?”
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Novela JuvenilHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.