CHAPTER 22
Jared's POV
TEN DAYS.
Ten days nang wala si Jewel. Walang text. Walang call. Walang kahit na ano. Kaya tuloy nagkakagulo na ang buong campus. Ang gwapo ko e.
"Baka naman wala na talaga sila?!" narinig kong bulong nung nasa likuran ko sa kasama nya. Ewan ko kung bulong nga yun. Ang lakas e.
"Infairness, tumagal talaga sya ha. Ilang buwan na nga sila? Two months?"
"Oo, two months. Pang-world record na nga yun e. Yung susunod kasing pinakamatagal na relationship nya e three days lang!"
"Really?"
"Yes! Kaya nga-"
"Silence!!" galit na sigaw nung librarian namin sa kanila. Buti nga. Lumingon ako sa kanila saka ngumiti. Ang plastic ko, noh?
"Wahh!!" tili nung isa. Yung kasama naman nya, natulala na lang. Haha.
"ANO BA?! I SAID SILENCE!!" Lumapit na yung librarian sa kanila, kinuha yung mga librong binabasa nila, saka itinuro yung glass doors. "LABAS!!"
"Hindi na po kami mag-iingay! Sorry po!"
"May marinig pa akong ingay sa inyong dalawa-"
Pinili ko talaga yung moment na yun para lingunin ulit sila at ngumiti. Syempre tumili ulit yung isa.
"That's it! LABASSSSS!!" Tumalsik na yung laway nung librarian. Eeew. Gross!
Nakatungo naman yung dalawang babae na lumabas. See? Galing ko, di ba??
"You're so mean!!" comment ni Cade. Kumakain sya ng Hershey's chocolate na ipinuslit pa talaga nya dito sa library. Bawal ang pagkain e.
"E nakakairita e," sagot ko.
"Asan na ba kasi yang girlfriend mo?"
"Paulit-ulit? Kailangan ipagduldulan? Sinabi na ngang hindi ko alam e. HINDI KO ALAM!!"
"SILENCE!!"
Napatingin kaming dalawa ni Cade sa librarian na nakatingin din naman sa amin... nang masama. Geez!! Pang-horror movie lang ang peg e.
"Wag ka nga kasing defensive. Parang nagtatanong lang e!!" siko sa akin ni Cade.
"Gusto mo magtanong din ako sa'yo??"
"Sure!!" Confident talaga sya ha.
![](https://img.wattpad.com/cover/14010400-288-k886959.jpg)
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Ficção AdolescenteHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.