Chapter 17

2.5K 52 1
                                        

CHAPTER 17

 

Claire's POV

 

"Claire!!"

Napalingon ako noong marinig kong may tumawag sa akin. Pagtingin ko, napapikit na lang ako.

Sya nanaman.

Bakit ba ang kulit-kulit nitong lalaking 'to?! Noong isang araw pa sya ah!!

Tumakbo sya papalapit sa akin. As usual, I pasted a fake smile.

"Bakit?" tanong ko.

"Pupunta ka ba sa science exhibit bukas?" balik tanong nya. Napatingin sya sa mga hawak kong libro. "Ako na magdadala nyan."

"Ahh... t-thank yo-"

"Don't touch her!!" someone growled behind me. Napalunok si Nico. Bigla nyang binitawan yung mga libro na ipinapasa ko sa kanya kaya tuloy nalaglag yun sa floor.

"Ahh..." umpisa ni Nico.

"SINO KA AT ANONG KARAPATAN MONG HAWAKAN ANG KAMAY NG GIRLFRIEND KO?!" Jude snapped at Nico. Nakalapit na sya sa amin at umakbay sa akin.

"Kasi-" kinakabahan na si Nico. Inalis ko naman yung braso ni Jude sa balikat ko.

"Pupunta ako bukas. Kita na lang tayo dun," sabi ko kay Nico. He smiled then nodded. Pinulot muna nya yung mga libro at ibinigay sa akin bago sya naglakad palsyo.

Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap kay Jude. I can't help it... nag-soften yung mga mata ko pagkakita sa kanya.

"Jude... don't make this hard, please..." halos pabulong na sabi ko.

"But... I need you, Claire," sagot nya. Nag-stiffen ako. I thought...

"Paki email na lang sa akin yung mga assignments mo. Don't worry, gagawin ko yung mga yun. But, Jude, this would be the last time na ako ang sasagot ng assignments mo. Please don't bother me after this," matigas na sabi ko. Tumalikod na ako.

"W-What?!" he sputtered. "W-What assignments? Claire-"

Humarap ulit ako sa kanya. "Yun lang naman yung dahilan kaya mo ako niligawan, di ba? Para may taga-gawa ka ng assignments, projects-"

Hindi ko na napigilan. Napaiyak na ako. Oh my god... I felt so used.

"Claire-"

"P-Paki email na lang nung assignments..." I sobbed. I looked at him brokenly. "And after this... please don't hurt me anymore."

Tumakbo na ako palayo. I hate him but I hate myself more. Pa'no ko pa nagagawang patuloy na mahalin ang isang taong paulit-ulit akong sinasaktan?

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon