CHAPTER 25
Jared's POV
Exasperated akong tumitig kay Jewel.
"Seriously?" naiiritang tanong ko sa kanya.
"Yeah, seriously."
"You're using one of your wishes for him?! Hindi mo ba narinig yung sinabi nya kanina?! Trinaydor nya tayo!! He doesn't deserve-OWW!!"
Potek. ANO BA!!! Tama bang sipain ako sa tuhod?! Hindi pa sya nakuntento. Inilapit pa nya nang husto yung mukha nya sa mukha ko.
"And that's suppose to make you a saint?!" galit na sabi nya. Huh??
"What?!"
"He's your friend!! So what kung ipinagsigawan nya yung secret natin? SO WHAT?! It's not like we're going to pretend forever! Sooner or later kakailanganin din nating maghiwalay and for me, ginawan pa niya tayo ng isang napakalaking pabor! If you don't help him now, if you just turn your back on him dahil lang sa sinabi nya na kung tutuusin e para sa'yo din naman, hindi mo din ba sya trinatraydor? He's counting on you as a friend..."
Natameme ako.
How can she do that? She can always turn the table on me and make me defensive. Hindi lang yun, nagagawa din nyang maisip ko yung mga factors na hindi ko napansin.
How can she do that?!
"You know what?" tanong ko.
"What?!" She is still glaring at me.
"You're so cute." Natawa ako sa hitsura nya noong sinabi ko yun. Para syang na-shock na ewan. Psh. Cute.
"Uhhh...huh?"
"I said you're cute."
"So...?"
"So, okay. We'll do it your way," sabi ko sabay ngiti sa kanya. Napailing-iling na lang sya.
Hihilahin ko na sana sya palabas ng room pero nagpapigil sya. Nakakunot-noo tuloy akong lumingon sa kanya.
"Kapag okay na sina Cade..." umpisa nya.
"Yeah?"
"Sasabihin ko na yung last wish ko."
Edi syempre lalong nagsalubong yung mga kilay ko. May lakad ba sya? Ba't masyado ata syang nagmamadali?
"Bakit?" tanong ko.
"Anong bakit?"
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Teen FictionHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.
