Chapter 8

2.9K 50 0
                                        

CHAPTER 8

Amber's POV

Pagsakay ko pa lang sa kotse ni Jared, naningkit na agad 'yung mga mata nya.

"Ba't nakasalamin ka ngayon?" tanong nya. Naka-dark shades kasi ako.

"Good morning din sa'yo. Atsaka, masama na bang mag-shades ngayon?"

"Hindi naman. Pero..." bigla na lang nyang kinuha 'yung shades ko. "Tsk tsk tsk. Umiyak ka nanaman."

"Hindi 'no. Puyat lang 'to."

"Iba naman 'yung laki ng eyebags kapag puyat ka at 'yung mugto 'yung mata kapag umiyak ka," sabi nya.

May pagkakaiba ba 'yun?

Saglit kaming nabalot sa katahimikan. Noong magsalita ulit sya, soft na 'yung boses nya.

"Hindi pa rin kayo bati ng bestfriend mo?" tanong nya.

"Hindi pa nga e. Tinatawagan ko sya pero hindi naman nya sinasagot. Nagte-text ako pero hindi sya nagre-reply. Pumunta pa nga ako sa bahay nila kahapon e. Kaso, ayaw nyang humarap sa akin."

"Hmm," sagot nya.

At 'yun lang talaga'yung sagot nya? Simpleng 'hmm'?! May pa- "MALAY MO MAKATULONG PA AKO" speech pa sya tapos 'yun lang pala 'yung sasabihin nya.

GRR!!

"Yun na 'yun?" I asked through gritted teeth. Nagulat na lang ako noong bigla nyang pinalo 'yung manibela.

Uh-oh.

*gulp*

Uhh, bakit parang lumalapit 'yung mukha nya sa mukha ko?

Hala! Lalo pang lumapit! Naaamoy ko na nga 'yung hininga nya e!!

Pumikit na lang ako.

Juice ko po naman e! Ba't ba nya ginagawa sa akin 'to!!

*thump-thump* *thump-thump*

Binuksan ko 'yung mga mata ko. Lumalapit pa rin sya. Noong isang pulgada na lang 'yung layo ng mukha namin sa isa't-isa, bigla syang ngumiti.

Tapos...

Tapos...

Hinila nya yung seat belt sa side ko. Sya na 'yung nag-fasten nun para sa akin.

Whew!

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon