CHAPTER 4
Jared's POV
Malayo pa lang, kitang-kita ko na yung kumpol ng mga babae na naghihintay sa parking space ko. Damn.
"Andyan na sya!!" narinig kong sigaw ng isa sa kanila. Minsan talaga hindi ko alam kung blessing ba o sumpa itong kawapuhan ko e. Hindi na ako tinatantanan nitong mga babaeng 'to.
Pinark ko na ung koese ko at huminga ng malalim bago binuksan yung pinto.
"Girls, please. Wala ako sa mood para i-accommodate kayo ngayon. Masakit yung ulo ko," sabi ko at nagsimula nang maglakad palayo.
"Jared!! May medicol ako dito!! Aalagaan kita!!" sigaw ng isang babae.
"Ako may ibuprofen!! Please, Jared! Gusto kong maging girlfriend mo!!"
"What? Ang pangit pangit mo para maging gilfriend nya!!" sabi nung isa.
"Jared!! Nandito lang ko!! Since wala na kayo ni Cindy, pwede nang maging tayo!!"
"Hindi Jared! Mas bagay tayo!!"
"Hindi!! Mas bagay kami!!"
*sigh*
Bakit kasi ang gwapo gwapo ko?!
Humarap ako sa kanila.
"Sorry, girls. May girlfriend na ako," sabi ko. Hindi yun totoo pero para lang tantanan na nila ako, willing akong magsinungaling. Natahimik naman sila. Kaso, mali ata yung sinabi ko. Bigla kasi silang naging wild.
"SINO SYA?! SINO?!"
"WAAAHH!! HINDI PWEDE 'TO!! ANG TAGAL KITANG HININTAY JARED!!"
Luh?
"Sorry girls," sabi ko lang.
"I bet isang araw lang kayo magtatagal! Humanda sya kung sino man sya!!" narinig kong sabi ulit ng isa pang babae. Adik ba itong mga to?
"HINDI NGA ITO PWEDE!! HINDI AKO PAPAYAG, JARED!!" sabi nung isa pa.
Alam ko na yung mangyayari. Dudumugin nanaman nila ako. Shete. Kaya ginawa ko na yung plan B ko.
Huminga ako ng malalim. Tapos nagbilang ako ng tatlo.
1...
2...
3...
Hindi ko alam kung mukha na akong tanga pero nagtatatakbo na ako. Yung mga baliw na babae naman, humahabol. Waaah!!
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Ficção AdolescenteHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.