Chapter 27

2.6K 48 0
                                    

CHAPTER 27

Ivy's POV

 

*bzzzzt* *bzzzzzt*

Kanina pa nagva-vibrate yung phone ko pero hindi ko naman magawang sagutin yung tawag. Nasa klase kasi ako at ang unang-unang rule e bawal gumamit ng gadgets. Dagdagan pa na terror yung teacher namin.

*bzzzzt* *bzzzzzt*

 

Ano ba? Nakakakaba tuloy!! Sobrang insistent yung tumatawag. Feeling ko may kung anong nangyari!

Napatingin ako sa wrist watch ko. Damn, 15 minutes pa bago mag-end yung klase!!

*bzzzzt* *bzzzzt*

 

Haist!!

Buong period, hindi na ako nakinig. Nasa phone ko na lang yung focus ko. Pwede naman akong pumuslit para lang silipin kung sino yung tumatawag pero kapag nahuli ako...

Well, let's just say goodbye Philippines. Hehe.

"Okay, that's it for today. Review for a quiz next meeting," sabi nung teacher bago isinara yung libro at lumabas na ng classroom. Agad ko namang kinuha yung phone ko at sinagot yung tawag. Nagva-vibrate nanaman kasi. Si Warren.

"Yeah?" tanong ko noong ma-connect na yung tawag.

[Where the hell are you!!]

 

Parang nagpapanic yung boses nya. Shete. Warren is one of the calmest person I've ever met and now, nagpa-panic sya?

This can't be good.

"Nasa classroom. B-Bakit?"

 

[Hindi mo ba nabasa yung mga text namin sa'yo?! Pisti naman Ivy! Kahit break na kayo, sana naman may natitira pang concern manlang sa'yo!!]

"Teka nga! Ano bang pinagsasabi mo?!"

[Kritikal si Cade!! Nabunggo yung kotse nya ng truck kanina!! Damn it, he's asking for you!!]

Bigla ko na lang nabitiwan yung phone ko. Parang narinig ko pa nga yung tunog ng pagtama nun sa floor e. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Paulit-ulit lang yung mga salitang yun sa isip ko.

Nabunggo.

 

Truck.

 

Kritikal.

 

My Last Wish (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon