Chapter 32
Jared's POV
"Mr. Saavedra?"
Agad akong napatayo at naglahad ng kamay sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ko. Kitang-kita ko ang pagkakahawig niya kay Jewel; mata, ilong, pati hugis ng tenga.
"Mr. Santillian, thank you so much for meeting me," sabi ko. Tumingin muna sya sa relo niya bago tumingin ulit sa akin.
"I don't have time Mr. Saavedra-"
"Jared na lang po."
Natigilan siya saglit sa sinabi ko. Kumunot 'yung noo nya saka ako tinignan ng masama.
"You said this concerns my daughter."
"Yes, Sir," sagot ko pero noong hindi na ako nagsalita ulit, lalong sumama 'yung tingin nya.
"Mr. Saavedra, sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Wala akong oras na makipaglokohan sa'yo. I have a meeting in," tumingin ulit sya sa relo nya, "thirty-five minutes."
Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.
"Jewel- I mean Amber is my girlfriend, Sir."
Okay. Kung kanina e sobrang sama na ng tingin niya, ngayon feeling ko makakapatay na siya. Grabe makatitig o.
"And... may mga sinabi po siya tungkol sa inyo," pagpapatuloy ko.
"Sinasabi ko na nga ba at wala talagang magagawang matino 'yang batang 'yan e. Manang-mana talaga sa nanay nya-"
"Sir... sinabi niya pong hindi pa po ninyo alam na may sakit siya."
Malamang natameme siya. Saglit kaming nabalot sa katahimikan, parehong hindi alam kung ano ang sasabihin. At last, tumikhim siya bago magsalita.
"Mr. Saavedra, malamang simpleng lagnat o sakit ng ulo lang 'yan. Painumin mo lang siya ng gamo-"
"Operation na po niya bukas," pagputol ko ulit sa sasabihin niya. Seriously? Ano bang klaseng magulang ito? Grabe, sinabi ko na ngang may sakit 'yung anak niya tapos parang wala lang sa kanya?!
"Operation?" naguguluhang sabi niya. "Anong operation?"
Paano k ba sasabihin sa kanya?
"Sir... may cardiomyopathy po ang anak niyo. Operation na po niya bukas at kahit hindi niya sabihin, alam kong kailangan niya ng suporta niyo."
Medyo may hitch na 'yung pagkakasabi ko sa huling salita dahil nagiging emosyonal na din ako. Potek. Bukas na 'yung operation niya at may less than 24 hours na lang ako para kumbinsihan ang tatay niya na suportahan siya.
"Kailangan niya po kayo," dagdag ko pa. Nagmamakaawa na 'yung tingin na ibinibigay ko sa kanya. Umiling-iling lang siya bago nagsalita.
"Are you... uh... sure we're talking about the same girl here? Amber Santillian? Dahil sa pagkakatanda ko, malakas siya. She's even in Korea right now, taking a vacation."
This time, ako naman ang natameme. Korea? Ibig sabihin hindi niya alam ang nangyayari sa anak niya.
"She was in the Philippines since June of this year, Sir. Kadarating lang po namin dito kahapon for her operation."
Hindi ko alam kung talagang hindi nagsi-sink-in 'yung sinasabi ko sa kanya o talagang hindi lang siya nakikinig. Umiiling-iling pa rin siya.
"You're wasting my time here. Ano ba'ng kailangan mo? Pera? Ganito na ba talaga ang mga modus niyo ngayon?" Galit na talaga siya.
"Sir?"
"You're using my daughter and spitting lies for money. You're the lowest kind of slum. Kahit anong gawin o sabihin mo, hindi ako maniniwala sa'yo. Hindi ako magbibigay ng pera."
Okay. Medyo nagpanting 'yung mga tenga ko doon.
"Sir, hinding-hindi ko gagawing biro ang buhay ni Amber at lalung-lalong hindi ko siya gagawing dahilan para lang makakuha ako ng pera. Hindi ko kailangan ng pera niyo. Kung tutuusin, hindi ko kayo dapat tinawagan. Noong una, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw ipaalam ni Amber 'yung sakit niya sa inyo. Ngayon, alam ko na."
"Excuse me?" parang nainsulto pang sabi niya.
"For her sake, Sir, please support her tomorrow. Ala-una po 'yung operation niya sa Faith Hospital. She needs you. May possibility pong hindi na niya kayanin 'yung operation kaya hangga't pwede niyo pa siyang makita, gawin niyo na."
Pagkatapos kong sabihin iyon, tumayo na ako at iniwan siya.
***
Pagpasok ko sa apartment ni Jewel, napangiti ako. Nasa kusina siya at nagluluto ng dinner. Pagkatapos ng usapan namin ng daddy niya, sobrang sama ng mood ko pero isang tingin ko lang sa kanya, napangiti na ako.
Okay. Corny.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod bago ko hinalikan 'yung pisngi niya. Hanep. Para lang kaming mag-asawa.
Lumingon siya sa akin saka ngumiti.
"Sa'n ka galing?"
Nagkibit-balikat lang ako bago sumagot. "Diyan lang."
"Sa'n nga?"
Hindi ko alam kung nangungulit lang siya o may idea na siya kung saan ako pumunta. Hayh.
"Diyan lang nga. Ako na diyan, magpahinga ka na lang," hinawakan ko 'yung kamay niya na nakahawak din sa sandok.
"Eiiih! Buong araw na nga akong nagpapahinga e!"
"E ba't high-blood ka?"
"E ba't nagsisinungaling ka?" balik-tanong niya. Nakangiti naman siya kaya tuloy hindi ko maintindihan kung galit ba siya o ano. Napailing na lang ako.
"Hindi ako nagsisinungaling, okay? Besides, you need you rest. You need to be strong, baby. Bukas, kapag umayon lahat sa plano ko, may surprise ako sa'yo."
"Huh? Anong plano? Tsaka kung hindi umayon lahat sa plano mo, edi wala akong surprise?"
Hayh. Suko na ako. Ang kulit niya.
"I love you," sabi ko na lang saka ako nag-puppy eyes. Kumurap-kurap siya saka tumawa.
"Ang cute mo!!" At pinisil pa talaga niya 'yung ilong ko!
"Huh, I know, right! Hindi lang cute, gwapo pa. Teka, walang I love you, too? Aba, hindi na makatao 'to ha!!"
Lalo lang siyang natawa. Good. I love her laugh.
"I love you, too," pa-sweet din na sabi niya. Kinuha ko na 'yung sandok saka ko siya pinaupo sa isang stool sa may counter na nakaharap sa kusina.
"But seriously, Jared. Alam ko kung saan ka pumunta. Sana hindi ka na lang nakipagkita sa kanya. Ayan tuloy, aasa nanaman ako..."
Natigilan ako sa sinabi niya. Lumingon ako sa kanya saka nagtanong.
"Pa'no mo nalaman?"
"Uhm... dahil kilala kita? I know you plan to talk to him. It's the fixer in you, you know. You want to fix everything. Pero kailangan ba talagang gawin mo 'yun? I mean-"
Kumuha siya ng isang green apple sa fruit bowl na nasa harap niya saka iyon tinitigan. Ang lungkot ng mga mata niya. Kaya tuloy iniwan ko saglit 'yung niluluto ko saka lumapit sa kanya at niyakap siya.
"I want them to be there. Alam kong kailangan mo sila, maybe even more than you need me. I love you, and I know how much you need them to be with you."
"How do you know that? Maybe I just need you-"
"I know because you're my other half," seryosong putol ko sa sasabihin pa niya. Tumitig siya sa mga mata ko. Maya-maya pa, ngumtii na din siya.
"Okay, I need them. But I also need you. Kung hindi man sila pumunta bukas, masasaktan ako but at least alam kong nandoon ka."
"You will always have me, Jewel..."
***
A/N: Okay, last two to three chapters na lang. Haha. Ang tagal noh? Anyways, thank you for reading! Pa-vote po o comment? Thanks :)
BINABASA MO ANG
My Last Wish (COMPLETE)
Fiksi RemajaHe gave her ten wishes... the tenth wish being the last she MIGHT make before she dies.
