nineteen

3.1K 231 66
                                    

MATAGAL ako sa ibaba ng building kung nasaan ang opisina ng AMC kinabukasan. Nangangati ‘yung kamay kong magsindi ng yosi kasi kinakabahan ako, pero tinatagan ko ‘yung sarili ko.

Mas okay na ako ngayong magpigil na magsindi. Hindi na ako nanginginig na hindi mapakali. Iniisip ko lang si Charlotte, nababawasan ‘yung compulsion na magyosi. Pero dahil wala si Charlotte ngayon, si Kuya Lex ang inisip ko. Nakakahiyang amoy yosi akong papasok sa opisina niya. Ambango pa naman ni Kuya.

Saka ang totoo… hinihintay ko lang naman si Ash d’un sa baba para sabay na sana kaming umakyat.

Ang sweet ko di ba? 

Pero hindi, gagamitin ko lang sana siyang panangga.

Kaso malapit nang mag-alas ocho, wala pa rin siya. Hindi naman siguro ‘yun ma-le-late sa unang araw niya ng pasok ano? Puwera na lang kung nag-ninja siya at nakapasok na ng building na hindi ko nakikita.

Matapos ang isang huling tingin sa relo ko, nagpasiya na akong umakyat. Baka kasi ako naman ang ma-late sa interview ko.

Nag-mental checklist ako habang nasa elevator.

One, mabango ako kasi naligo ako, nagpabango, at hindi nag-yosi. Two, poging-pogi ako kasi bagong gupit, nag-brush ako ng buhok, at nag-gel pa. Three, qualified naman ako na may dala pang props para patunayan na arkitekto talaga ako at may experience. Four at higit sa lahat, loveable ako kasi ako si Marlon.

Tanggap na agad ‘yan.

Hindi ako agad nakilala ng receptionist nila na si Meryll at nagkatawanan pa kami nang sabihin kong ako si Marlon.

“Nand’yan na pala si Ash?” tanong ko sa kanya nang nasa pintuan na ako papasok sa mga opisina.

“Oo, nand’yan na. Mga ten minutes ago siya dumating.”

“Ah, sige. Salamat.”

Pumasok na ako sa opisina. Na-concious ako kasi marami nang tao sa loob ‘tapos nakatingin silang lahat sa ‘kin. Malamang iniisip kung sino ‘yung guwapo?

Dumiretso ako sa mesa ng assistant ni Kuya Lex.

“Hi, Ayie,” bati ko.

Nag-angat siya ng paningin. “Oh my god! Sir Marlon! Nagpagupit ka!”

Napangisi ako sabay kamot ng batok. “Para magmukha naman akong pang-opisina.”

Tumawa siya saka tumayo. “Sandali lang ah. May meeting kasi si Sir Lex pero hindi pa naman nagsisimula.”

Lumapit siya sa pintuan ng opisina ni Kuya at kumatok sa hamba. “Sir! Nandito na si Sir Marlon.”

Sumilip ako at nakitang naka-upo sa mesa niya si Kuya Lex. Nakangiti na siya nang tumingin siya sa ‘kin pero mas lumaki ‘yung ngisi niya nang makita ako.

“Aba! Ang linis ah!”

Nagkatawanan kami.

“May meeting lang ako,” sabi niya. “Sandali lang naman ‘to. Update lang sa isang project. Puntahan mo muna si Ash. Siya na ‘yung nasa kabilang opisina.”

“Ah, sige po, Kuya.”

“Nasa pantry si Sir Ash,” sabi ni Ayie nang iwan namin si Kuya. “Puntahan mo na lang siya d’un. Alam mo naman kung saan di ba?”

“Oo. Thanks, Ayie.”

Binigyan niya ako ng thumb’s up saka siya bumalik sa mesa niya at naglakad naman ako papunta sa pantry.

Nasa dulo pa lang ako ng hallway, lumabas na si Ash na may dalang paper cup ng kape. Ngumiti ako sa kanya pero parang hindi niya ako napansin. Hinihipan lang niya ‘yung hawak niyang kape.

The Harder I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon