A/N: Happy Easter 2022!
Please excuse this super self-indulgent chapter. It didn’t really come out the way it sounded in my head tbh but I did my best. Pagpasensyahan n’yo na po. Thank you for reading!
O((*^▽^*))o
---
MEDYO naantala ang paggawa ni Charlotte ng mansion nina Dua at Kwek-kwek nang maging masyadong hectic ang schedule niya. Bukod sa mas mabigat na work load sa school, natambakan din sila ng kaso sa opisina. Inako niya ‘yung karamihan sa research work dapat ni Reinhardt dahil malapit na itong mag-bar exam, at kahit ako eh kita ko kung gaano ka-stressed ang kakambal ni Charlotte.
Ako rin naman eh naging busy sa opisina. Minalas-malas akong mapunta sa isang medyo asshole na kliyente kaya kinailangan kong pigilan ‘yung sarili ko (at nina Kuya Lex at Kuya Onew) na huwag gawing korteng middle finger ‘yung design ng building niya. Spoiler alert, nagpakabait ako (at sina Kuya Lex at Kuya Onew), ginalingan ko, at maagang na-approve ang proposal ko.
Bukod sa busy sa trabaho, tuluy-tuloy na rin ang preparation para sa kasal ni Ash. Nakapagpasukat na kami ng barong namin at nagkunwaring hindi kami nag-iyakang magbabarkada n’ung araw na ‘yun.
And in typical Ash fashion, saglit lang matapos ‘yun, na-ospital naman ang walangya dahil kumain ng tulya na hindi kay Mere. Ayan, nalason. Unang beses na sana naming sabay na may libreng oras ni Charlotte noon pero siyempre, nag-aya ako sa ospital para dalawin muna ang first love ko.
Araw-araw naman kaming nag-uusap ni Charlotte kahit hindi kami masyadong magkasama. Habang kunot-noo akong nagpaplano kung paano hindi magmumukhang erection ‘yung building ng asshat client, nasa video chat kami ni Charlotte habang ngitngit na ngitngit naman siya sa isang domestic abuse case. Pinupuntahan ko siya sa opisina para dalhan ng pagkain pero madalas, ‘yun lang ang oras niya ng pahinga, ‘yung kapag sabay kaming maghapunan.
At ‘yun ang problema ko.
Nabubuwisit ako kasi nagbago pala ng shift si Daichi. Pang-umaga na siya ngayon. At tuwing kakain kami nina Charlotte ng hapunan, nand’un din siya sa breakroom, nakikipagkuwentuhan pa bago siya uuwi.Konti na nga lang oras ni Charlotte para sa ‘kin, makikihati pa ang tarantado. Hindi ko talaga alam kung hanggang kailan ko matitiis na sa harapan ko pa mismo siya nagpapa-cute.
Dude! Hindi cute ‘yang kunyari mahiyain ka pa na namumula pa ‘yang mga tainga mo eh halata namang lagi mong hinihintay si Charlotte sa breakroom.
Hindi ako bayolenteng tao. Alam mo naman ‘yun. Hindi ako bigla na lang nananapak lalong-lalo na kung dahil sa selos lang. Kaya sige, subukan kong i-compartmentalize ang sitwasyon ah.
Kung hindi ko hahayaan ‘yung sarili ko na mabulag sa galit, nakikita ko naman na 1) mukhang wala namang balak gawin si Daichi sa crush niya kay Charlotte eh, at 2) halata namang unrequited ang pagmamahal niya sa mahal ko. Kaya sige, kalma muna.
Hindi rin naman ako excited makipagaway kung aabot d’un. Ayokong maisip ni Charlotte na tulad ako ng ex niya, kasi hindi naman talaga. Hindi naman talaga ako nagpapadala sa galit. Pero hindi rin ako ‘yung taong nagpapalampas lang ng atraso. Kung kailangang magkalinawan kami ni Daichi, eh mabuti na ‘yung habang maaga pa.
Pero teka. Alam kaya ni Charlotte na may crush si Daichi sa kanya? Hindi kaya niya nahahalata kung ano ‘yung itsura ni Daichi kapag nasa harapan niya?
Pero hindi. Ako kasi, alam na niya ngayon kung ano ‘yung nararamdaman ko at ang maitim kong balak—I mean, ‘yung mabuti kong mga intensyon sa kanya. Aprubado na niya at ng pamilya, at milya-milya na ang layo ko sa kung nasaan si Daichi sa crush niya ngayon kay Charlotte.