twelve

4.9K 361 186
                                    

NANG mga sumunod na araw na magkaibigan… magka… ano nga ba kami ni Charlotte? 

N’ung mga sumunod na araw na magkakilala kami, napatunayan ko kung gaano ka-busy sa buhay niya si Charlotte. Bihira kami nagkita kasi busy siya sa klase o kaya sa pagtulong sa mga kuya niya sa mga kaso. Pero nakakapag-usap naman kami. As usual, matagal siya maka-reply pero okay lang. Di naman ako matampuhin kapag gan’un. At minsang napatawag ako at ni-reject niya ‘yung call, bumawi naman siya sa ‘kin bago ako umiyak. Papasok na pala siya sa courtroom ‘tapos matagal kami nag-usap pagkatapos.

Minsan, na-isip kong na-mi-miss ko siya kaya magpapahaging ako na nasa QC ako at kung okay lang ba na puntahan ko siya. Pumapayag naman siya kaya napupunta tuloy ako ng UP nang walang kalaban-laban. Kakain lang kami, magkukumustahan, kuwentuhan, ‘tapos ihahatid ko na siya.

Masaya na ba ako d’un? Masaya ako, oo, pero di ako masaya na as in kuntento. Kasi gusto ko ‘yung expected na niya na susunduin ko siya, ‘yung hindi mukhang stalker kapag bigla akong sumulpot sa building nila na may dalang pagkain, ‘yung puwede akong tumambay sa opisina nila.

In short, gusto kong maging PA niya.

Joke.

Gusto kong maging boyfriend.

Pero ewan ko kasi dito kay Charlotte. Minsan kasing sinundo ko at kasama niya ‘yung mga kaklase niya, ang pakilala sa ‘kin eh kaibigan ako ng fiancé ng isa sa mga best friends niya. Ano ‘yun? Para niyang sinabing kapatid ako ng pinsan ng bayaw ng pangatlong asawa ng kumpare ng kapitbahay nila. Hindi man lang ba kami magkaibigan? Nasaktan ako eh. Pero naisip ko, ano nga ba kasi kami? Magkakilala lang yata kami talaga.

Kaninang umaga, nag-text si Lester na pupunta siyang dentista kaya kung puwedeng i-cancel muna namin ang rehearsal. Pumayag na si Boss Ronald kaya nalibre na rin ako. Siyempre, si Charlotte na ang una kong tinext. Baka sakali kasing libre din siya. Eh ayun na nga. Wala daw siyang afternoon classes. Eh di naligo na ako kahit alas diez pa lang! Libre siya ng lunch hanggang gabi? Eh di i-de-date ko na nang todo. Lunch, sine, dessert, kape, kasal, honeymoon, babies—

Nasaan na ‘ko?

Pasado alas dose ako dumating ng UP. Nakita ko naman siya agad sa labas ng building nila na may kausap. Lalaki.

Dahil hindi naman ako seloso, mga three seconds lang sumagi sa isip ko na sagasaan ‘yung gago bago nagbago ang isip ko. Kapag ganyan kasi dapat mukhang aksidente.

Inihinto ko ‘yung kotse sa tapat nila ‘tapos bumaba na ako ng sasakyan. Nakangiti na si Charlotte sa ‘kin n’ung tumingin ako sa kanya.

Nalimutan kong gusto ko nga pala mang-away! Nagliwanag ang langit at nagkaroon ng rainbows ‘tapos bumango sa paligid.

Lumapit ako at ‘matik nang kinuha ‘yung bag niya bago ako napatingin d’un sa lalaking nakatayo malapit kay Charlotte na curious na nakatingin sa ‘kin.

Matangkad siya, nakaporma, long-sleeves, may kurbata pa, nakasalamin pero hindi ko masabing nerd kasi pakiramdam ko kayang makipagsabayan sa ‘kin sa MMA. Mukhang mas matanda din sa ‘min ni Charlotte. Clean cut siya pero alam ko namang mas gusto ni Charlotte ‘yung buhok ko eh.

Ikaw, gusto ba niya buhok mo? Ha? HA? HA?! SAGOT!

“May sundo ka pala, Charlie,” sabi niya.

Oo, ako. Bakit? Bakit? May sinasabi ka? MAY SINASABI KA?

“Opo, Kuya. Marlon, this is Attorney Robles. Guest speaker namin siya kanina sa klase. Best friend siya ni Kuya Nick ko. Kuya Liam, this is Marlon. Kaibigan siya n’ung fiancé ni Mere.”

The Harder I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon