thirteen

4.4K 342 95
                                    

N'UNG DUMATING na Lunes, may plan of attack na ako. Ewan ko kung mapapanindigan ko kasi medyo kailangan kong magpakipot kay Charlotte.

Maaga pa, nag-text na ako sa kanya kasi kunyari, matutulog na ako.

Marlon
Good morning! Have a good day today.

Charlotte
Thanks, Marlon. Good morning!

Marlon
Kumusta ang gising?

Charlotte
Okay lang, though parang sisipunin yata ako.

Bigla akong nag-panic. Sisipunin? Bawal sipunin ang Charlotte ko! Kung kailangang limliman ko siya na parang inahing manok na may sisiw para di siya sipunin, gagawin koh!

Marlon
Aww. Okay ka lang? May gamot ka?

Siyempre, chill lang dapat para di mahalatang concerned na concerned ako. Paano pa kung mag-asawa na kami ano? 'Tapos buntis siya, Baka kapag manganganak na siya, ako ang buhatin niya papunta sa kotse para itakbo sa ospital kasi nawalan na ako ng malay.

Charlotte
Okay lang! Iinom lang ako ng maraming tubig or something. Nakatulog ka na ba?

Marlon
Hindi pa. Patulog pa lang ako. May tinapos akong project kagabi.

Charlotte
Okay. Anyway, sige na, matulog ka na. Maghahanda na rin ako papasok.

Marlon
Okay. Ingat ka. Saka oo nga pala, hindi kita masusundo mamayang hapon.

Actually, oo, puwede naman kasi wala naman akong gagawin mamayang hapon pero pakipot nga tayo dapat di ba?

Charlotte
Okay.

Luh. 'Yun lang? Di man lang magtatanong kung bakit?

Marlon
Ingat ka papasok ah.

Charlotte
I will. Sleep well!

Hindi na ako nag-reply kahit pa sinisigaw ng instincts ko na mag-reply kasi gusto kong laging sa 'kin dapat 'yung huling text sa usapan. Naghintay lang ako ng two minutes, tumayo na ako mula sa mesa ko sabay takbo sa banyo para maligo. Di na ako nag-ahit. Hayaan na natin 'yung mukha akong sanggano.

Nagbihis lang ako saka ako nag-toothbrush, at kunyari nag-brush din ng buhok kasi dinaanan ko lang naman siya ng mga daliri (para mas natural ang kulot kasi she likes my hair), 'tapos lumabas na ako.

"O, saan ka pupunta?" tanong ni Ate na nagkakape na sa kusina.

"Sa UP lang, Ate. May gusto kang pabili? Dadaanan ko na pabalik."

Kumurap si Ate Emma. "Sa UP? Uhhh, isaw?"

"Ang aga namang isaw n'yan."

Nagkibit-balikat siya. "Eh unless makakapag-uwi ka ng guwapong prof galing UP, wala naman akong ibang maisip na ipabili sa' yo d'un."

"Kahit naman kasi hindi galing UP," sabi ko na medyo naiinip na kasi baka di ko abutan si Charlotte.

Tumawa si Ate Emma. "Wala. I-te-text na lang kita kapag may maisip ako."

The Harder I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon