A/N: Hello! Salamat po sa mga naghintay sa UD! Late na naman siya as usual pero at least mas mabilis din than normal.
Quick reminder lang po! Released na po ang A Moondrop Date (PDF version) na story ni Kevin (pamangkin ni Ash) and Arsinoe (best friend ni Ina). Teen fic, 108K+ words, 219.00 Php. Link to order in my profile, if you’re interested.
And content warning for this update! Mentions of past abuse so if things like that are triggers for you, you might want to skip the chapter. Alagaan po ang sarili! You are important!
Maraming salamat po sa pagbasa!
---
HALATANG magaan ang mood ni Charlotte. Buong biyahe pauwi sa bahay, masayahin at ma-kuwento siya. Sinabi lang niyang bungisngis lang talaga ang mga pinsan niya kapag naka-inom at na hindi talaga naglalasing si Kuya Nick sa labas ng bahay. Ipinaliwanag din niya kung bakit parang hindi close si Diether sa mga pinsan na ka-age nito at kung bakit nagiging Hapon si Reinhardt kapag lasing.
Pareho din yata kaming “high” sa nangyari n’ung nakaraang gabi kasi bungisngis lang din kami pareho kahit hindi naman kami masyadong uminom.
Sinalubong kami ng pupungas-pungas na Polong nang buksan ko ang pinto ng condo. Madalas d’un ‘yun natutulog sa bird cage niya (na laging bukas ang pinto) kaya hindi naman na ako nagtaka kung bakit nasa sala siya nang halos alas kuwatro ng umaga.
“Hi, Polong!” masayahing bati ni Charlotte.
“I love you, Charlotte,” ang sagot ng walangya na nagpabungisngis sa kasama ko.
“May gusto ka?” tanong ko habang pinapanood na haplusin ni Charlotte si Polong sa dibdib gamit ang likod ng isa niyang daliri. Halos napapikit si Polong sa tuwa eh. Sabagay, kung ako rin haplusin ni Charlotte sa dibdib, baka mawalan ako ng malay. “Tubig? Kape?”
“Nope, I’m okay.” Ngumiti siya sa direksyon ko. “Although puwedeng makigamit ng CR?”
“Ah, sure.”
‘Yung banyo na sa kuwarto ko ang pinagamit ko sa kanya. At kahit sabi niya wala siyang gusto, ikinuha ko na rin siya ng maiinom. Galing kasi kaming bar, at isang rule ni Ate Emma na kapag galing ng bar at uminom, kailangang mag-hydrate pagkatapos.
“Hello, pogi!” sabi ni Polong sa ‘kin mula sa ibabaw ng kitchen island.
Aba, good mood rin ang walangya!
“Kumain ka na?” tanong ko sa kanya. “Gusto mong buto ng kalabasa?”
At para mas lalo pang maging good mood si Polong, naglagay na ako ng isang maliit na dakot ng favorite treat niya sa bowl niya.
Pagbalik ko sa kuwarto ko, nakatayo na si Charlotte sa harapan ng glass enclosure ni Dua, hinahanap ang panganay ko.
“Nasa hide niya ‘yun,” sabi ko at tumuwid si Charlotte. “Nag-she-shed kasi siya ngayon kaya wala sa mood ‘yun maglalabas.”
“Ah. Is she going to be okay?”
Natunaw na naman ang puso ko sa pag-aalala niya para sa baby ko. “Oo. Hindi lang siya masyadong kumakain ngayon saka ayaw niyang ma-istorbo, pero wala namang problema kapag nag-she-shed siya.”
Inabot ko sa kanya ‘yung bote ng sports drink. Tinanggap naman niya ‘yun at nagpasalamat saka siya lumibot sa kuwarto ko para tingnan ‘yung iba pang mga enclosures.
Pinanood ko lang siya. So, ito ba ‘yung ibig niyang sabihin na “hang out”? As in literal na hang out na para kaming nag-date sa zoo? Kasi aaminim kong medyo umasa ako na may iba kaming gagawin... gaya ng chess.
Naupo ako sa kama saka ko siya pinagpatuloy na panoorin.
“Thanks ulit sa pagpunta ninyo ng mga pinsan mo sa gig kagabi ah,” sabi ko. “I really appreciate it.”
Bumungisngis siya. “Wala ‘yun. We’ve been talking about going for a long time. Saka nakita mo naman na enjoy na enjoy sila kagabi.”
“Oo nga eh. Natuwa nga ako. Nag-alala rin kasi ako na baka hindi nila ma-enjoy, lalo na si Kuya Nick. Hindi naman siya fan ng music namin.”
Lumapit na si Charlotte at naupo na sa tabi ko sa kama. Medyo nag-shortcircuit ang utak ko kasi... nasa kama ko si Charlotte.
Buti na lang nagpalit na ako ng bedsheet at mga punda! Hindi nakakahiya sa kanya kasi hindi niya nakita na, sa edad na twenty-six, Power Rangers pa rin ‘yung punda ng unan ko.
Pasensya na! Hindi ko kasi naharap ang pagpapa-laundry kaya naubos ko ‘yung “adult” na mga bedding! Wala na akong magamit n’ung natuluan ng pagkain nina Wanda ‘yung unan ko, ‘yung punda na lang na may logo ng Power Rangers.
“Huwag mong alalahanin si Kuya Nick. Gan’un lang talaga ‘yun. Hindi ‘yun mabilis bumuo ng desisyon tungkol sa isang bagay, even if it’s just about music. N’ung bata kami, alam namin agad na magpipinsan na ayaw namin ng ampalaya, unang tikim pa lang. Siya, inubos muna niya ‘yung pagkain niya saka niya sinabing hindi niya talaga gusto. But he still eats it, because it’s healthy.”
Umikot ang mga mata ni Charlotte pero may ngiti siya sa mga labi na nagpapakita ng affection niya para kay Kuya Nick.
“Pero isang linggo na siyang nakikinig ng Badlands,” patuloy niya. “And he won’t do that unless he likes your music.”
Napangiti ako. “Sabi nga niya fan na raw namin siya.”
“Although medyo kinabahan sila kanina n’ung kumanta si Ash.”
Napalingon ako sa kanya. “Bakit?”
Hindi siya agad sumagot. Nakatingin lang siya sa mga bintana ko. Iniwan kong bukas ang mga blinds kanina kaya tanaw mula d’un ‘yung mga ilaw ng ibang mga buildings sa di kalayuan.
She pressed her lips together then turned to look at me.
“I’m going to tell you something about me,” maingat niyang simula. “I haven’t talked about it in years, and... well, I’m okay now,” she reassuerd me with a smile. “Lalo na pagkatapos n’ung kagabi, i found out that I really am okay.”
Nakadama na ako ng pag-aalala, at parang nakita ‘yun ni Charlotte sa mukha ko. Ibinaba niya ‘yung bote ng apple juice sa harapan ng glass enclosure ng mga geckos sa tabi ng kama ko, saka niya kinuha ‘yung kamay ko.
“I’m really okay now,” giit niya. “But I know that I need to tell you this para mas maintindihan mo ako, saka ‘yung mga pinsan ko at ‘yung mga kaibigan ko. And like Kuya Nick, kung kailangan mo ng oras para i-process ‘to, you can have that too.”
Nanatili akong tahimik habang nakatingin sa kanya. Kung saan-saan na napunta ang utak ko. Wala pa siyang sinasabi pero parang may idea na ako base sa kung paano siya itrato ng mga kaibigan at ng mga pinsan niya.
At ngayon pa lang, gusto ko nang mang-hunting.
Mahina siyang tumawa at pinisil sa pagitan ng mga daliri niya ‘yung mukha ko para magmukha akong gold fish.
“I can hear you thinking,” sabi niya. “I promise, it’s not as bad as what your expression is telling me you’re thinking.”
Pinigilan ko na ‘yung namumuong mga emosyon. Mahirap namang pangunahan si Charlotte. Wala pa nga ‘yung kuwento eh galit na ako di ba? Mamaya na ako magagalit, kapag alam ko na kung tama o mali ang hinala ko.
“Why don’t you tell me?” sabi ko na.
Huminga siya nang malalim. “I haven’t talked about this in years, and never with someone who isn’t my therapist, a cousin or a friend from high school who knows the story, not because I want to hide it, but because I want to move forward.”
She shifted beside me but didn’t look my way. She took a deep breath, as if to compose herself, then she spoke.
“I’m going to start by saying I’m neither stupid nor weak.”
Gusto kong sumang-ayon—Onga!—pero ayokong sumabat. Hinayaan ko na lang siyang magpatuloy.
“I have wonderful, supportive parents who loved me and taught me to be strong on my own. Prinsesa ako ng mga pinsan ko who are all good men. So, you know, hindi ako ‘yung stereotypical example ng taong papasok at mata-trap sa isang abusive relationship.”
Gustong humigpit ng kamay ko sa kamay niya pero pinanatili kong relaxed ang hawak ng mga daliri ko sa palad niya. Pinilit kong hindi magtiim ng bagang at na hindi tumalim ‘yung ekspresyon sa mga mata ko kahit pa nararamdaman ko nang nagsimulang kumulo ang dugo ko sa idea na may nangahas, na may malakas ang loob at makapal ang mukha at matapang na nangahas na saktan si Charlotte.
Nanatili akong tahimik at nakinig lang sa kanya.
“Pagkatapos ko mag-aral ng psychology saka ko lang naintindihan kung paano nangyari ‘yung nangyari sa ‘kin, that it wasn’t my fault, and that I didn’t deserve any of it, no matter what my ex had conditioned me to believe.”
Huminto siya sa pagsasalita. Sinimulan niyang sundan ng dulo ng daliri ‘yung tattoo sa braso ko na para bang hindi niya alam na ‘yun ang ginagawa niya. Siguro kailangan lang niyang may gawin para makapag-focus.
Ako rin, nag-concentrate ako sa boses niya bago ako maghanap na lang bigla ng away sa labas.
Bumuntong-hininga siya ulit. “I should start at the beginning,” sabi niya. “I had always been shy and an introvert, at sa barkada namin, ako ‘yung late bloomer.”
Mahina siyang tumawa. “I mean i’m not convinced na nag-bloom na nga ako ngayon kasi have you seen my friends? You have no idea what insecurity means until you’ve been friends with Meredith and Alessa and Pia who seemed to have shot to their full heights at fifteen while I stayed short. And they all grew breasts! ‘Tapos ako napagkamalan ng sarili kong lola na ako si Reinhardt dahil wala akong boobs. And I had these huge, unflattering and really thick glasses!” She laughed.
Sa kabila ng namumuong galit, napangiti pa rin ako kasi na-imagine ko ‘yung itsura niya n’un. Cute. She would have been very, very cute to me.
“Aside from not being as pretty and as girly as my friends, guys also get intimidated when they find out that I’m a Sarreal. So when he approached me during a soiree organized by our schools, nagulat ako. And I was really flustered but really flattered, lalo na kasi he didn’t seem interested in anyone else. We talked until the activity was done, and he asked for my number. We talked over the phone for a few days before he asked me out.”
Charlotte had a faraway look in here eyes now, lost in her own memories. Pero hindi niya binibitawan ang kamay ko, at patuloy na hinahaplos ng kabila niyang kamay ang braso ko.
“Hindi ako makapaniwala kasi nalaman kong isa siya sa mga pinakasikat sa school nila, na star basketball player siya, and during summers, member siya ng isang sikat na theater company. And he was interested in me?”
Nagbukas na ako ng bibig kasi nagsisimula na akong mairita sa kung paano niya ibinababa ang sarili niya pero nahuli ako ni Charlotte, at inunahan na niya ako.
“That was what I thought at the time,” aniya na may ngiti para sa ‘kin. “Hindi na ako gan’un ka-insecure ngayon.”
Tumango ako. “Good.”
“Anyway, ‘yun nga. I was suspicious. I thought na baka natalo siya sa pustahan kaya niya ako nilapitan, or na may pustahan sila ng mga kabarkada niya na kailangan niyang mapasagot ‘yung pinaka-boring na babae sa klase na ‘yun. So i kept saying no to him. Naisip ko rin na baka secret lang naman niya ako, na walang may alam na nag-uusap kami kasi ikinakahiya niya ako or something.”
Tumawa siya ulit. “Corny ako saka drama queen n’ung bata ako eh,” nakangisi niyang sabi na nililingon ako. Pero mabilis siyang nagseryoso.
“Sinabi ko ‘yun sa kanya, and the next thing I knew, he had his whole basketball team with him at the entrance to my school, and they were all holding bouquets of flowers for me, and he went down on one knee and asked me out in front of everyone.”
Lumipad pataas ‘yung mga kilay ko.
“Wala na akong nagawa. He asked me out in front of his friends, my friends, and about forty other students, mga sundo nila, and about three security guards and at least two teachers. Hindi ko alam kung na-flatter ako o gusto ko na lang lamunin ng lupa sa kahihiyan na naging center of attention ako, so I finally said yes.”
Sinulyapan ako ni Charlotte. “Kaya nag-alala ‘yung mga pinsan ko kagabi. Kasi kung sakaling itinuro ako ni Ash sa audience and then you did something like ask me to be your girlfriend in front of everyone...”
“Papayag ka rin?” tanong ko.
Ngumisi siya. “No,” sabi niya saka siya tumawa. “I really wouldn’t.”
Tumawa na rin ako, then I lifted her hand to my mouth. “Hindi ko naman ‘yun gagawin. I wouldn’t put you on the spot like that.”
“I know,” she said, her voice filled with confidence. We smiled at each other, then she went on with her story. “At that time, I convinced myself that it was sweet and romantic. I mean, there was a guy who wasn’t ashamed of his feelings, and of me. Hindi ko agad na-realize na he wasn’t the type who was romantic that way. Kasi may mga lalaki naman na gan’un talaga, at may mga babae na gan’un ang gusto, ‘yung grand gestures of public affection. Alessa, for one.” Sinulyapan niya ako ulit. “You might want to tell Lester.”
“Noted. Makakarating.”
Bumungisngis siya bago muling bumaling sa mga bintana ko. “Anyway, ‘yun nga. Huli ko nang na-realize na hindi siya ‘yung tipo ng romantic at mahilig sa grand gestures, but he was the type who was good at manipulation.”
Nagkibit-balikat siya. “Hindi ko alam kung bakit hindi ko ‘yun nakita agad noon. I mean, my cousins were all planning to become lawyers. They were—and still are—master manipulators, bless all of them, pero siguro dahil iba ‘yung pagiging manipulative n’ung ex ko. There was something inherently sick in him. He not only did it to get what he wanted, but also to deliberately hurt.
“Sinagot ko siya soon after, and soon after that, it all began to change.” This time, nawala na ‘yung playfulness sa boses niya. “Hindi ko alam kung kailan talaga o kung paano. Nag-the-therapy na ako bago ko na-realize na maaga pa lang, may red flags na ‘yung relasyon namin.”
She shrugged. “Hindi naman kasi mukhang red flags ‘yung mga nauna. It’s just something normal in other relationships. Like sabi niya mas gusto niya ng babaeng mahaba ang buhok so maybe I should grow mine.”
Inangat niya ‘yung isang kamay para itulak sa isang tabi ‘yung bangs na nalaglag sa noo niya.
“Normal lang naman ‘yun sa iba like kung gusto ni Mere na magpagupit si Ash or something, o n’ung tinanong mo kung okay lang na magpagupit ka. Hindi naman red flag ‘yun. But in my case before, it had been. He wanted me to grow my hair, so I did.”
Naalala ko ‘yung mga pictures niya sa Facebook, n’ung mahaba ‘yung buhok niya. Muntik na namang mabasag ‘yung bagang ko nang maisip na sila n’ung gagong ‘yun n’ung kinuha ‘yung picture.
“He wanted me to wear sexier clothes kasi sayang daw ‘yung ganda ng katawan ko kung hindi ko ipapakita. Nagulat ako d’un because wow, a guy who actually wants his girlfriend to wear sexier clothes instead of hiding her body? I was really smug about that, too, kasi iba ang boyfriend ko! I didn’t realize that he was just conditioning me to think he was a good guy, so the next time he tells me something, I’d already think he was telling me to do it for my own good, and then do it without question.
“N’ung conditioned na ako na sundin siya sa simpleng mga bagay, he moved to the bigger things. Hindi niya ako papayagang sumama kina Mere kapag may lakad. Instead, he’d take me out on romantic dates, then tell me na see? Mas okay kung siya ang kasama ko.
“Si Mere ang nakahalata na laging siya ang dahilan ko kung bakit hindi na ako sumasama sa kanila. I didn’t want them to think anything bad about him so nag-deny ako, siyempre. Then minsan, sumama ako sa lakad nila, just to prove that I can. Beach ‘yun. We were gone the whole weekend. I was so happy and was having so much fun because I realized I missed my friends more than I thought I did.”
Sa tono ni Charlotte, parang alam ko nang may kapalit ‘yung tuwa niya na ‘yun.
“The first time he hit me was after we came back from that vacation.”
Putangina.
Hindi ko na napigilan ‘yung paghigpit ng kamay ko sa kamay niya. Hindi niya napansin.
“I was so shocked by it. Never akong napalo ng nanay ko, and here was this guy who had the audacity to slap me. Nagalit ako, and I broke up with him. Siyempre nag-sorry siya. Nagalit lang daw siya kasi alalang-alala siya na malayo ako sa kanya. Kaya lang naman daw niya ako hindi pinapayagan na sumama kina Mere eh baka kasi may makilala akong ibang lalaki at na hindi niya alam ang gagawin niya kapag mawala ako sa kanya.”
Tumawa siya ulit pero nagpunas na siya ng mga luha.
“God, talking about this years later doesn’t make it sound less stupid.”
“You were a kid, Charlotte. Give yourself a break,” sabi ko. Nagulat ako na kalmado ang boses ko sa kabila ng bayolente kong mga emosyon. “Ash and I were doing things more stupid just last year.”
Tumawa siya, suminghot at tumango. “Yeah, well.” Tumungo siya sa magkahawak pa rin naming mga kamay. “Long story short, naniwala ako sa kanya, and I gave him another chance. I never told anyone what happened.
“Pero nagsimula na akong mag-isip n’un. I started saying no to him, watching if it makes him angry, waiting for him to blow up again. He was careful this time. Mas sweet siya, mas maalaga, pero alam ko nang may mali eh. Naging mas possessive pa siya lalo, and he made me belive that it was a good thing. Gusto raw niya akong laging kasama para mas makabawi siya sa ginawa niya kasi natatakot daw siya na mawala ako.
“Kinikilig ang ibang mga babae, lalo na ang mga teenaged girls, kapag possessive ang boyfriends nila, but to be honest, those things only work in books. After n’ung beach, naramdaman ko na ‘yung dapat matagal ko nang naramdaman, na nasasakal ako. I woke up one day and realized that I didn’t recognize myself anymore because he had changed me too much, and I had let him. I couldn’t even recognize myself anymore.”
Muli siyang tumingin sa malayo. “The last straw was when he came to pick me up one time. Na-traffic siya so nag-decide ako na pumunta muna ng Robinson’s Galleria. I texted him na nand’un ako and that I’d wait for him there. Nagkataon naman na nand’un din si Paul.” Sinulyapan niya ako. “You know, si Paul ni Pia?”
Tumango ako.
“Hinihintay naman niya si Pia kasi may meeting sila sa org. Nagkasalubong kami sa may food court kasi ibibili daw niya si Pia ng pagkain. Sinamahan ko muna siya kasi maaga pa naman. We went to McDonald’s. ‘Yun pala sinusundan na ako n’ung ex ko.”
Umiling siya at tumungo. Pinagmasdan ko lang ang profile niya, hinihintay na ipagpatuloy niya ang kuwento na parang alam ko na.
“Sinugod niya si Paul.” She let go of my hand to demostrate what the asshole did, closing her fist in the air as if holding someone’s collar in her hand. “Kinulweyuhan niya saka hinila patayo, then he slammed Paul against the wall, shouting about how he was trying to steal me away, and how I was his.”
Puta! Anong problema ng gago na ‘yun?
“Kinilabutan ako n’un, Jomar,” patuloy niya at kinuha ko ulit ‘yung kamay niya. “I was his, sabi niya,” ulit ni Charlotte. “And I knew he didn’t mean it in a sweet way. He really thought I was his.”
Inangat ko ‘yung braso ko para akbayan siya pero mabilis kong pinigilan ‘yung sarili ko. Ikinukuwento niya sa ‘kin kung paano siya naabuso at tinanggalan ng choice ng gago, ‘tapos bigla ko na lang siyang hahawakan nang walang pahintulot.
Nilingon niya ako nang mapansin niya, saka ako tiningnan nang mapagtanong.
“I really want to hold you,” sabi ko. “Okay lang ba?”
Tumango siya, at siya pa ang mas lumapit sa ‘kin para maakbayan ko siya. Ibinalot ko ang braso ko sa balikat niya. She leaned against my side and I kissed her temple as I tried to comfort her.
“You’re not, you know. His,” bulong ko. “You never were. You’re yours.”
Tumango siya na hindi tumutuwid mula sa yakap ko. “Noon naging malinaw sa ‘kin kung ano talaga ang tingin niya sa ‘kin, at na hindi lang isolated instance n’ung sinaktan niya ako. He really was violent. Naisip kong minsan siyang muntik makipag-away dahil natalisod ako at sinalo ako ng ibang lalaki. He didn’t even like it when I hang out with my cousins. Kinailangan kong tumakas sa kanya para lang makita si Reinhardt n’ung nagbakasyon siya galing Japan. And. God, he was trying to choke Paul in fronr of me!”
I rubbed up and down her back and her arm because she had started to shake.
“It’s okay,” bulong ko. “You’re not there anymore. You’re here. You made it out.”
Tumango siya.
“Ano’ng nangyari n’un?”
Hindi siya agad sumagot, then she took a deep breath. “Sinuntok niya si Paul, and then he came for me.”
“What?”
Nagkibit-balikat siya. “Hinawakan niya ako sa braso”—she rubbed at her arm, probably the one the asshole took hold of—“and he tried to drag mu away. Ang higpit ng hawak niya na nagkapasa ako sa braso. I tried to fight him off, but he moved to slap me again. He wasn’t able to, though, kasi nakabawi na si Paul. Sinuntok niya ‘yung ex ko, and then he stood in front of me and shielded me like a hero,” sabi niya na napapangiti na.
Ngumiti na rin ako sa kanya para lang hindi niya mahalata na gusto kong pumatay nang mga oras na ‘yun.
“Paul the hero. Kailangan ko palang mag-thank you sa kanya.”
“I still thank him for it everytime I see him,” sabi niya saka siya bumungisngis. “And I still apologize to Pia for what happened. Hiyang-hiya rin kasi talaga ako! Not to mention, takot na takot ako sa gagawin ni Pia sa ‘kin kapag malaman niyang nasaktan si Paul dahil sa ‘kin!”
Napatungo ako sa kanya and she started to laugh quietly. Kinurot ko siya pero hindi binitawan. Tinapik ko na siya at umayos ako ng upo. Sumandal ako sa headboard ko at itinaas na sa kama ang mga binti ko. She climbed the bed as well, and settled against my side. Nakabalot pa rin ang mga braso ko sa kanya at nasa dibdib ko na ang pisngi niya.
“Then what happened?”
“May dumating nang mga guards and they broke the fight up. They brought us to the security office, and I broke up with him again, this time, for good. Nagwala siya, nagsisigaw, and they had to put him in handcuffs.
“After that, I called my dad to pick me and Paul up, at alam mo naman kapag may mga senior Sarreals nang involved. I finally told my parents what had been happening. They never told me, but I knew they blamed themselves for what happened kahit hindi naman dapat. They think that they should have known that he was an abusive asshole and that they should have stopped it before I got hurt.
“Kinabukasan, my friends descended on the house because they had Paul’s version and wanted mine. Siyempre, up in arms din sila. And then my cousins found out, and, well, all hell broke loose, so to speak. Sabi ko okay na. Break na kami, and I’m not going back to him. I refused to see a therapist kasi sabi ko kaya ko naman ‘yun. Feeling strong ako eh. I just wanted to move on. They’re very supportive, at walang nagtanong kung bakit hindi ko sinabi agad sa kanila. Walang nagparamdam sa ‘kin na kasalanan ko ‘yung nangyari or anything. Except alam mo ‘yun, mabigat din naman sa ‘kin ‘yung alam ko na lahat sila iniisip na sana mas maaga nilang nalaman para mas maaga silang may nagawa.
“For some time, I pretended that it was okay. I cut my hair short again and I started wearing clothes I was comfortable in. I pretended na hindi ako kinakabahan kapag may nagsasagutan sa mga pinsan ko, at na hindi ako takot lumabas mag-isa kasi baka sinusundan ako n’ung ex ko.
“I was okay for a while kasi binantaan din ng legal action ng tatay ko ‘yung ex ko. I wouldn’t let him press charges for physical assault kasi sabi ko it was one time for me, and it had taught me a more valuable lesson, but Dad did say na kapag lumapit pa siya ulit sa ‘kin, d’un na kami magdedemanda. Ayaw na ring magdemanda ni Paul kasi hassle pa raw, kahit pa sinabihan na siya ni Dad na pro-bono na niyang tatanggapin ‘yung kaso.”
She shifted and rubbed her cheek against my chest. My arms tightened around her before I started rubbing her back.
“Then senior prom came. I didn’t want to go pero na-encourage ako nina Alessa. Everyone agreed na walang magdadala ng date kaya si Paul ang date naming lahat n’un. I actually had fun, and I felt normal for the first time in a long time.
“Nasa labas na kami ng hotel n’ung nakita ko siya, ‘yung ex ko. Alessa noticed me freeze and turned to where my ex was standing. And Alessa being Alessa, nilapitan niya to give him a piece of her mind. In short, inaway niya. The bastard actually pushed Alessa back hard, na muntik matumba si Alessa. Noon na ako nagalit talaga. Kaya kong palampasin na sinaktan niya ako minsan, pero n’ung nakita kong sinaktan niya si Alessa. I just lost it. I ran to him and punched him.”
“You... punched him?” gulat kong tanong kahit pa naramdaman ko na rin naman na binaha ng pride ang puso ko.
“Yeah,” she laughed lightly. “I grew up with boys who all knew at least one form of martial arts. Hindi ako nananampal o nananabunot, Jomar.” Itinaas niya ang kamao niya.
Tumawa na rin ako. “Noted din po. So sinuntok mo ‘yung ex mo. Eh di nagulat?”
“Oo. He fell to the ground. And I followed him down, just punching and punching and punching. Isipin mo naka-gown ako nito ah.”
And that visual made me... hard. Really hard. I almost groaned out loud.
Huwag mo nang sabihin sa kanya, diyos ko!
“Si Mere ‘yung pumigil sa ‘kin. Tinawag pala niya ‘yung driver nila n’ung nagsimulang lapitan ni Alessa ‘yung ex ko so si Manong Gary na ‘yung humawak kay ex bago pa siya may masaktan. He was drunk and spitting mad, and he was screaming about how I was his. I filed for a protective order the next day, and his parents sent him to the States soon after.”
Of course. Gan’un naman kapag mayaman, itinatapon sa ibang bansa ‘yung problem children nila.
“Nasaan na siya ngayon?” Nang mapahanap at mapa-salvage.
“Nasa US pa rin. He’s in jail. He was sentenced to spend time in prison for domestic abuse because he assaulted his ex-wife and kid.”
“Shit.”
“Yeah. That could have been me,” she said quietly.
“No,” sabi ko agad na nakatungo sa kanya. “You would have found the courage and strength to leave before it came to that. You did,” paalala ko sa kanya.
Nanatili siyang tahimik, naka-unan lang sa dibdib ko, nakayakap ang isang braso sa bewang ko.
Naisip kong isa ito sa mga pangarap ko sa buhay pero hindi ko ‘yun lubos na ma-appreciate kasi hindi kasama sa na-imagine ko na magkukuwento siya ng traumatic experience habang ganito kami.
“I took up psychology because I wanted to understand how that could have happened. Then I worked as a guidance counselor because I wanted to help young women who might be going through the same thing. I wanted to help them help themselves before things got worse. And when I finally become a lawyer, well... alam na.”
Alam na talaga. Humanda lang ang mga gago kapag isumbong sila kay Charlotte ng mga babae sa buhay nila.
“So ‘yun,” pagtatapos niya. “That’s me in a nutshell.”
Tiningala niya ako na para bang nag-aalala siya na magbabago ang tingin ko sa kanya.
I ran my hand down her short hair.
“Alam mo, bigla kitang gustong ibalot sa bulak at bubble wrap at maingat na ilagay sa pedestal, pero gusto ko ring magtaas ng banner na may pangalan mo habang sumisigaw ng ‘that’s my Charlotte!!!—who isn’t really my Charlotte because she’s her Charlotte first, but yeah! That’s her!’”
Tumawa siya, at nakangiti na ako nang tumungo ako sa kanya. Noon ko itinulak palayo sa noo niya ang bangs niya, saka ko sinundan ng hinlalaki ko ang kurba ng mukha niya.
“Are you all right?” bulong ko, nag-aalala. Ang dami kong nararamdaman at ang dami kong gustong gawin at sabihin, pero si Charlotte ang pinakamahalaga. “Okay ka na ba ngayon?”
She nodded and grinned happily. “Naging malinaw ‘yun kagabi n’ung naisip kong kung ayain mo nga akong maging girlfriend mo sa harapan ng maraming tao, I knew I could say no.”
Pabiro akong lumabi, and she lifted her hand to touch my cheek.
“I knew I could say no,” ulit niya habang nakatingin sa mata ko. “Because I’m strong enough now to say no. And then, ikaw kasi ‘yun.” She ran her thumb over my lower lip. Muntik akong mangisay pero tinutukan ko ‘yung mga sinasabi niya. “If I said no, I knew you wouldn’t have pressured, forced, or manipulated me to say yes. You would have respected me, respected what I want. Because you’re you.”
Nagulat ako d’un, at na-touch. Hindi tuloy ako nakapagsalita agad. Nakatingin lang ako sa kanya.
She smiled again, then looked me in the eye when she made my dreams come true.
“May I kiss you?” she asked softly, hopefully.
Tumigil ang oras. Napalunok ako. Matagal ko nang pangarap ‘to pero ngayong nandito na, halos manginig naman ako sa kaba.
Paano kung mabunggo ko ‘yung ilong niya? Paano kung lasang beer pa pala ako? Paano kung hindi pala ako marunong manghalik, utang na loob? Si Charlotte ‘to! Si Charlotte!
She laughed softly. “Ba’t ka namumutla?”
Tumawa na rin ako saka ako tumungo para ipagdikit ang mga noo namin.
“Kinakabahan ako eh.”
“It’s just one kiss, Jomar,” sabi niya na halos maduling dahil nakatingin siya sa ‘kin habang magkadikit ang mga noo namin. Paka-cute!
Pero seryoso ako nang magsalita ako. “Not to me,” bulong ko.
To me, it was a dream, a prayer... a future. Hindi lang ‘to kiss.
Huminga ako nang malalim at halos mag-meditate na d’un pero mainipin pala ‘tong si Charlotte Liezl.
“Puwede na?” paalam niya ulit.
“Sige na nga!”
Charlotte smiled and cupped my face. Nagsimulang tumugtog ang orchestra version ng Phoenix by Badlands sa background. Nagdilim ang kuwarto ko at may camera na mabagal na umikot palibot sa ‘min gaya ng mga cameras sa K-drama tuwing maghahalikan ang mga bida. And then...
Bago ko pa malaman ‘yung nangyari, nakalayo na siya ulit. Tapos na?
Sumimangot ako. “‘Yun na ‘yun?”
Malutong ang tawa niya. “Sorry na! Matagal na akong hindi nanghahalik!”
“Halik ba ‘yun? Hiningahan mo lang ako eh!”
“Sige pa! Pagtawanan mo pa ako nang hindi ka na maka-ulit!”
“Joke lang! ‘To naman. Sarap nga eh! Na-arouse lahat ng cells ko sa katawan.”
“Ew!”
Nagtawanan kami pero nang magseryoso kaming dalawa at magkatinginan, ako naman ang nagpaalam. “May I?”
Bumungisngis siya saka tumango.
Nag-adjust ako ng puwesto. I cradled her against me with one arm around her. This time, I was the one who cupped her cheek.
She watched me as I lowered my head, and at the last second, her eyelashes fluttered as she closed her eyes. I didn’t. I kept mine open as I touched my lips to hers.
Maingat lang, marahan, konting pressure lang para subukan, para manukat. Hindi na baleng nanunuyo ‘yung mga labi ko saka parang lalabas sa lalamunan ko ‘yung puso ko.
Virgin ka, p’re?
“You’re one of the most amazing women I’ve ever met,” bulong ko habang mabagal siyang hinahalik-halikan sa mga labi, sa pisngi, sa panga, saka ako bumalik sa bibig niya. “You’re smart, strong, brave, beautiful. I’m so proud of you for doing what you’ve done, and for turning something like that into something positive. I’m so proud of the teenaged Charlotte, and the psych grad Charlotte, and the guidance counselor Charlotte, and law school Charlotte... kahit ayaw pa niya akong sagutin.”
Lumayo ako sa kanya para bigyan siya ng mapagbirong expectant na tingin. Nagmulat siya ng mga mata saka umismid nang makita ang ekspresyon ko.
“Pero sasagutin mo naman ako di ba?”
“Hintayin mo na lang nga kasi si Attorney Charlotte. Siya ang sasagot sa ‘yo.”
“Ng oo?”
Kinurot lang niya ako.
Bumuntong-hininga ako pero sinimulan ko siyang halikan ulit, sa noo, sa ilong, at sa nakangiti pa rin niyang mga labi.
“I can wait,” sabi ko. “Pero ngayon pa lang, proud na proud na ako kay future girlfriend future Attorney Charlotte. And thank you for telling me this. Thank you for trusting me with this,” sabi ko na damang-dama ang bigat ng responsibilidad ng isang taong nakakuha ng tiwala ni Charlotte. “I promise, I won’t use it against you,” I assured her.
“I wouldn’t have told you if I knew you were going to,” bulong niya. “I want you to know me, and to understand.”
“Alam ko na,” sabi ko. “Naiintindihan ko na. Saka kahit naman hindi mo sabihin, ako pa rin naman ‘yung mangunguna para i-encourage ka na gawin mo lahat ng makakaya mo para matupad ang mga pangarap mo di ba? Basta payagan mo lang akong manatili sa tabi mo.”
She wrapped her arms around my waist and pressed against me. “Okay na ba kung sabihin kong wala akong ibang gusto sa tabi ko kundi ikaw?”
Binigyan ko siya ng isang seryoso at machong-machong tingin ng romance novel alpha male hero... saka ako namilipit. “Eeeeei, kinilig naman ang balbas ko!”
Tumawa siya, saka ako niyakap. I kissed her again. Seryoso na. Malalim na. And when her lips parted beneath mine to whisper my name in a sigh, I was lost, and I just let myself follow where she led me.
The more I find out about her, the harder I fall for her, and I’ve never been happier to fall. Malakas naman si Charlotte eh. Kaya niya akong saluhin. Isa pa, alam ko namang kasama ko siyang mahulog, huwag na niya itanggi! Hawakan na lang namin ang isa’t-isa hanggang sa happily ever after. Naniniwala akong darating ‘yun para sa ‘ming dalawa. Hindi man ngayon, hindi man soon, pero darating ‘yun. Tiwala lang.