twenty-three

4K 284 144
                                    

A/N: Same as before, unedited po so pasensya na po sa errors. Also, masaya lang ‘tong chapter na ‘to (for me) because I need happy in my life ahaha sana kahit paano, medyo masaya din siya sa inyo.

---

SA NERBYOS ko, akala mo isa ako sa mga bouncers sa kung paano ako rumonda sa loob ng HaLo habang hinihintay ang mga Sarreal.

Nag-text na si Charlotte na paalis na sila ng opisina at na twelve daw silang darating (siyam na Sarreal at tatlong Sentinels). Nag-reserve naman na ng mesa si Hank para sa kanila, well, sa ‘min, kasi kasama ako, sina Ash at Mere, sina Lester at Alessa, at si Ron pero hindi naman pipirmi ‘yun kasi nag-ne-network ‘yung before at after ng performance namin... medyo marami-rami kami. Hindi pa nga makakasama sina Pia at Paul kasi may birthday party silang pupuntahan.

Nabawasan ba ‘yung kaba ko sa idea na may safety in numbers? Hindi. Kabang-kaba talaga ako! Parang first time kong tutugtog mamaya eh. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba gusto kong makilala din nila ‘yung rocker boy side ko at na makita nila na harmless din naman talaga siya?

Ewan ko. Basta kabado ako.

Tuwing bubukas ang mga pinto, lumilingon ako para tingnan kung sila na ‘yun. At nang makilala ko ‘yung isang Sentinel na sinabi ni Charlotte na personal security ni Kuya Nick, napalundag ako sa magkahalong nerbyos dahil nand’yan na sila, at sa ginhawa dahil...  nand’yan na sila.

Shit. Shit. Shit!

Lumapit ako at nilingon ako agad n’ung dalawang Sentinel na nauna. Hindi ko alam kung magtataas ba ako ng mga kamay para sabihing “I come in peace” o iisipin ba nilang banta ‘yun sa buhay ni Kuya Nick kaya mas lalo akong malilintikan?

Pero sabay silang ngumiti nang makilala ako.

“Ayan pala si Sir Marlon,” sabi n’ung isa, si Daichi.

(Natutuwa talaga ako sa pangalan niya. Pang-anime kasi eh.)

“Hey!” bati ko. Kumaway na rin ako para makita nilang hindi ako armado.

Pagtapos n’un, isa-isa nang sumulpot ang mga Sarreal led by Kuya Nick. Siyempre sa kanya muna ako bumati (bigay-pugay muna sa pinaka-kuya).

“Thank you sa pagpunta, Kuya Nick,” sabi ko nang iabot niya ‘yung palad niya sa ‘kin at tinanggap ko ‘yun para makipagkamay.

“Thank you for having us,” simple niyang sagot na may tipid na ngiti pero alam kong kay Kuya Nick, ngisi na ang equivalent n’un. “Wala nang sinabi ‘tong mga ‘to nitong huling linggo kundi Badlands sa HaLo. I’m looking forward to seeing you perform.”

Pinagpawisan lalo ang singit ko.

Noon lumapit si Charlotte at inabot ko siya na para bang kaya niya akong protektahan sa higante niyang kuya. Kinuha niya ‘yung kamay ko at may kiss pa ako sa pisngi.

“Hi!”

“Hi,” bati ko na rin na may haplos sa maiksi niyang buhok. For the first time, nakahinga ako nang maluwag.

Lumapit din si Kuya Emmett na humalik sa pisngi ko, na sinundan ni Kuya Ulrich na hinalikan na rin ako sa kabilang pisngi na ikinatawa ni Charlotte. 

Mga walangya rin ‘tong mga ‘to eh.

Si Reinhardt ang sumunod na bumati sa ‘kin. Sana hinalikan na lang din niya ako kasi suntok na nagtulak palabas ng kaluluwa ko sa katawan ko ang pambati niya!

“Again with the punching?” halos tili ni Charlotte kahit pa tawang-tawa naman siya. ‘Yun yata talaga ang lambing ni Reinhardt.

Nag-hello ako d’un sa iba pang mga Sarreal na kasama saka kami nilapitan ng isa sa mga ushers nina Hank saka kami giniya d’un sa mahabang mesa na ni-reserve nila para sa ‘min.

The Harder I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon