Good morning! As usual, nakatulog na naman ako kagabi kaya hindi ako naka-reply. Hope natapos mo 'yung work mo at tulog ka na rin para may energy ka sa gym mamaya. Have an amazing day!
'Yun ang bungad sa 'kin ng Facebook paglabas ko ng banyo matapos maligo at magsepilyo. Kakatapos ko lang ng trabaho at kakapadala ko lang sa kliyente ng proposals. Ako naman na ang patulog sana pero na-energize ako sa PM ni Charlotte. Parang bigla kong gustong mag-jogging, mag-gym, at mag-parkour habang nakabisikleta. Naupo ako sa kama ko na hindi pinapansin na basa 'yung tuwalyang nakabalot sa mga balakang ko o na tumutulo 'yung buhok ko sa kutson ko para mag-reply.
Okay lang. Alam ko namang busy ka na o nakatulog ka na kapag di ka na nag-reply. Hindi naman ako matampuhin. Kumain ka na?
Hey, you're awake! :) Yup, nag-breakfast na ako. Coffee run na bago pumasok. Ikaw? Nakatulog ka na ba?
Hindi pa. Ngayon pa lang ako matutulog.
O, kumusta 'yung work mo?
Napadala ko na. Sana magustuhan.
Know what? I've never seen your work. Meron ka bang online portfolio or something? Patingin naman ng mga gawa mo.
Napangiti ako sa reply niya.
Uuuy, interesado!, biro ko.
Of course!
Puro mga logo ng small businesses ang mga designs ko na naka-post online. Baka di ka ma-impress. Pakita ko na lang sa 'yo 'yung iba.
Huminga ako nang malalim, pinuno ng hangin 'yung mga pisngi ko, saka ako nag-type ulit.
Gusto mo dalhin ko pa mamaya eh. Dalhan kita ng kape mamaya after school?
Haha huwag na. Nasa office ako mamaya. May kape naman d'un.
Kumurap ako. Naguluhan ako eh. Tulungan mo akong intindihin. Hindi ba niya nakuha na inaaya ko siyang magkape? O nakuha niya na inaaya ko siya pero ayaw niyang derechong sabihin sa 'kin na ayaw niyang lumabas kasama ko...
Wait. Nandito na 'yung study partner ko. Matulog ka na, uy! I'll check up on you later. Okay?
Gusto ko sana tanungin kung babae o lalaki 'yung study partner niya kaya lang ano naman ngayon kung lalaki di ba? 'Tsaka napayapa ako d'un sa "I'll check up on you later".
Okay. Aral ka mabuti ah! Titingnan ko scores mo sa quiz mamaya.
Hahaha wala kaming quiz! Pero opo, mag-aaral po akong mabuti. Matulog ka na. Good morning!
Good morning, Charlotte!
Ang tagal ko pang tinitigan 'yung chat window kasi mamaya may pahabol pa siyang message. Nang masigurong wala na, binaba ko na 'yung telepono ko saka tumitig sa kawalan. Napa-isip ako eh.
Ilang beses na kasi ako nagpahaging na mag-ayang lumabas, magkape, na sunduin ko siya, o na magkita kami kahit sa school lang pero laging basted. Dahil lagi akong nasasaktan, hindi ko na naiisip na ni minsan hindi ko siya inaya talaga, 'yung derechong aya na "Charlotte, gusto kitang maka-date. Okay lang ba? Gusto mong sunduin kita pagkatapos ng klase mo para kumain tayo sa labas, manood ng sine, magkape o mag-dessert, bago kita ihatid sa inyo?"
Paano kung gan'un pala 'yung gagana sa kanya at hindi 'yung pagpapahaging ko? Kailangan kong pag-isipan 'to nang malupit.
Sa tanangbuhay ko ngayon lang naging ganito katagal bago may pinatunguhan ang panliligaw ko eh. Akalain mo hanggang ngayon nasa "planning stage" pa lang ako? Sa mga ex ko, ganitong panahon nag-se-sex na kami eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/105222519-288-k585440.jpg)