A/N: Parang newbie lang pero wala bang feature sa app na puwedeng nag-dedicate ng chapter? Huhu anyway, this isbfor you ChrstnMhyvrvr. Will dedicate properly pag may access na ako sa laptop 🙂
★・・・・・・★・・・・・・★
Gulat na gulat sina Ash at Mere n'ung makita nilang nand'un kaming lahat. Worth it 'yung puyat n'ung makita ko 'yung mukha nilang dalawa.
Sige na, mas worth it kasi nga magkatabi kami ni Charlotte.
N'ung una medyo naninigas pa ako sa tabi niya. 'Yung naninigas na balisa ah, hindi 'yung ibang tigas. Tama si Ash. Bastos ka nga.
Pero mabilis din naman akong naging komportable sa tabi niya kasi ako 'yung kinakausap niya kapag gusto niyang mag-react sa mga sagot n'ung dalawa d'un sa stage hanggang sa huli, nagkakatawanan na kami na parang matagal na kaming magkakilala.
Natapos 'yung interview at nagpa-game sila na piniringan nila si Mere 'tapos pinahulaan nila sa kanya kung sino d'un sa mga guest nilang artista si Ash.
Ang galing nga ni Mere eh! Di talaga siya nalito. Alam niya bawat kalyo ni Ash kaya nahulaan niya kung sino d'un sa mga lalaki 'yung fiancé niya.N'ung tapos na talaga at nagpaalam na sina Ash at Mere sa host at sa audience, tumayo na rin kami para lumabas. Hindi na namin tatapusin 'yung show kasi bigatin 'yung mga kasama namin, puro may mga meeting. Ako lang yata 'yung uuwi muna para matulog bago ko sila ulit puntahan sa Megamall mamayang hapon para sa Vikings. Nararamdaman ko na kasi ulit 'yung pagod at antok.
Naunang sumalubong ang parents ni Mere paglabas nila ni Ash. Sandali lang sila nag-usap kasi nagmamadali din si Mr. Balajadia. Nagpaalam na rin si Kuya Lex pagkatapos kasi may meeting din.
Ang bait ni Kuya Lex ano? Kami kasi ni Ash, nagkaka-inggitan sa mga ate at kuya namin. Naiinggit siya kay Ate Emma kasi hindi sila magkabati ng Ate Kaye niya, 'tapos ako naman, gusto kong may ka-close na kuya. Kaya mula pa n'ung mga bata rin kami, nagpa-ampon na ako kay Kuya Lex. Medyo close din siya sa 'ming lahat kasi nakikigulo din siya sa barkada namin. Kahit saan mo naman kasi siya ilagay, okay siya. Magaling kasi makisama.
Nagpaalam din siya sa 'min bago siya tuluyang umalis.
Noon na namin kinuyog sila Ash.
“Ang cheesy mo, dude,” sabi ko sa kanya na may suntok pa sa braso bago ko siya inakbayan. Loko lang 'yun. Alam naman niyang... cheesy din ako.“Buti mahilig sa keso si Mere,” masayang anunsyo ni Alessa na naka-akbay naman kay Mere. "Wait pala. What time tayo mamaya?"
"Derecho na lang kayo after work," sabi na ni Mere. "Actually hindi rin namin alam kung hanggang what time 'yung huling thing. What time ba kayo papasok?"
Sinulyapan ni Alessa 'yung suot niyang relo. "Ngayon na," tawa niya. "Baka di kami umabot ni Pia ng before one sa office pag di pa kami umalis. Si Charles, may pasok ka pa di ba?"
Sinulyapan ko si Charlotte.
"Yeah, eleven."
"Aabot ka pa?" nag-aalalang tanong ni Mere.
"Oo naman."
"Sabay ka na sa ‘kin."
Sino'ng nagsabi n'un?
Natahimik kaming lahat.
Walang nagsalita.
Walang gumalaw.
Walang kumurap.
Ako lang kasi nagulat ako na ako pala ang nagsabi n'un.
Curious akong tiningnan ni Charlotte. "Sabay ako sa ‘yo saan?"