twenty-nine

4.2K 246 47
                                    

A/N: Just a Charlon scene kasi good boy naman si Marlon and he had been very patient. ^_^

CW // mention of dubia roaches so kung madirihin kayo sa gan’un, meron po n’un sa chapter na ‘to.

THANK YOU for reading! And again, please support my work (if you want to and you are able) by buying my books and/or supporting me on Ko-fi. Links are in my bio. THANK YOU!

---

HINDI masyadong matutukan ni Charlotte ‘yung paggawa ng vivarium ni Dua pero halos lahat ng libreng oras niya eh doon niya ginamit. Alam mo, madali lang naman kasi talaga mag-set up ng enclosure ng ahas eh. Kung basic set up lang, kaya ‘yun nang ten minutes. Pero dahil from scratch itong ginagawa niya at custom-built with love ni Charlotte na napaka-busy pa, medyo matagal siya maayos. At mga ten tawsan times na mas mahalaga para sa ‘kin.

Minsan daw inaabot siya ng eight to twelve hours bago makatapos ng isang vivarium, lalo na ngayon na siya pa mismo ‘yung nagkabit-kabit ng actual enclosure, so may hintayan pang naganap para matuyo ‘yung mga pandikit at masigurong hindi malalaglag ‘yung mga gilid kapag masandal si Dua,and at most, one to two hours a day lang puwede trabahuhin ni Charlotte ‘yun.

N’ung unang gabi, habang hinihintay bumalik sina Ate Emma (SPOILER ALERT: Kinabukasan na siya umuwi), pinag-usapan lang namin ‘yung design n’ung vivarium, ‘yung mga habits ni Dua, mga kailangan niya sa set up, etc., etc. ‘Tapos binuo na niya ‘yung actual enclosure gamit ‘yung mga power tools ni Ate Emma. Noon ko lang nalaman na turn on pala sa ‘kin ‘yung babaeng marunong gumamit ng power drill. Sa mga ex ko kasi eh walang marunong maghawak ng martilyo. Pero si Charlotte... Hnngh. Hindi ko talaga inakala na type ko pala eh ‘yung mga puwedeng construction worker. Ang sexy kasi talaga.

Pagkatapos n’un, pa-isa or dala-dalawang oras siya sa bahay pagkatapos ng klase. Minsan, ako na ‘yung nahihiya at nagsasabing okay lang kung huwag na muna siya tumuloy sa bahay para makapahinga siya kahit pa siyempre, gusto ko naman talaga na sa ‘kin na siya umuwi. Gusto ko na nga na sa ‘kin na siya tumira eh. Pero ayoko naman kasi na masyado siyang mapagod. Pero ‘yun, pupunta pa rin siya sa bahay pagkatapos ng klase. Hindi ko nga alam kung paano pa nakakapag-aral ‘to eh, pero minsan naman, habang inaayos ‘yung design ng mga halaman sa loob ng enclosure, kaaway niya si Reinhardt sa Facetime.

Akala ko nagkakapikunan na pero  nag-pa-practice pala kasi may debate daw siya kinabukasan. Para talaga silang kambal. Pareho silang mas nagiging malamig ‘yung tono habang mas nagiging emosyonal. Kinabahan lang ako kasi tungkol sa komunismo ‘yung topic nilang magpinsan. Baka mamaya ma-red tag.

Minsan din, sa bahay na siya nakikipag-online meeting sa mga kaklase niya habang pinaplano kung paano ang set up ng heating system ni Dua.

Isa sa mga napansin—at gustung-gusto ko—kay Charlotte eh ‘yung kapag may kausap siyang ibang tao, iisipin mong Ice Queen siya. Composed, reserved, may pagka-aloof, ka-respe-respeto. Para siyang si Kuya Nick, I guess? ‘Yung kapag hindi kayo masyadong close, mapapa-isip ka kung tatawa ka ba kapag nag-joke siya kasi baka ma-offend.

Sa labas ah, sa ibang tao. Kasi iba siya kapag kasama ‘yung pamilya niya, barkada niya, at ako. Mas masayahin siya, mas animated, mas malakas tumawa, mas malambing, at mas open sa pagpapakita ng emosyon.

Gaya ngayon.

“JOMAR! OH MY GOD! JOMAAAAR!”

Wish ko isinisigaw niya ‘yun habang nasa ilalim ko sa kama pero hindi. Ako lang ‘yung nasa kama dahil nasa reptile room siya para may kuhanin sa supply closet doon. Biglang tayo ako sa tili niya. Napalipad nang di oras si Polong na nakatambay sa hita ko habang nagpapabalat sa ‘kin ng buto ng kalabasa. Hinabol ako ng kawawang ibon (tumakbo din siya, nalimutan nang marunong siyang lumipad sa taranta) nang tumakbo ako papunta sa reptile room.

The Harder I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon