twenty

4.7K 292 76
                                    

BUMALIK ako sa opisina ni Ash at kausap na niya si Mere sa telepono. N’ung sinabi ni Ash na nagpagupit ako, nagpumilit siyang mag videocall para makita ako. Tinilian lang ako ni Mere, di lang dahil ang guwapo ko ngayon, pero dahil magkasama na kami ni Ash sa opisina.

Kaya kahit inagawan niya ako ng first love, hindi ko makuhang magalit talaga sa kanya eh. Napakalovable din kasi ni Mere.

Pagkatapos ng tawag, nakibasa ako ng mga files ng kompanya. Alam ko naman na gumagawa pa rin sila ng mga bahay ngayon kasi d’un naman nagsimula ang AMC, pero ang dami na rin pala nilang malalaking mga projects, mga buildings, condominium complexes, may bed-and-breakfast, maliit na mall, etc. Na-impress ako na medyo na-insecure. Ang gagaling kasi nila eh, lalo na ‘yung ibang mga arkitekto. ‘Tapos ‘eto ako, papasok na walang interview, kinakalawang at kulang sa experience.

Pero ako lang naman yata ang nag-isip n’un kasi n’ung ipakilala ako ni Kuya Lex sa iba naming mga katrabaho, welcoming naman sila. Siguro rin kasi ka-edad lang ni Kuya Lex ‘yung karamihan kaya mas relaxed sila. Best friend niya ‘yung isang engineer, si Kuya Onew, na sabi ni Kuya Lex eh madalas ko raw magiging partner mula ngayon.

N’ung dumating ‘yung anim na kahon ng pizza at pasta na pang-welcome daw sa ‘min, kumain kami sa pantry saka kami ulit nag-aral ni Ash.

‘Tapos sumama kami kay Kuya Lex sa meeting niya nang alas tres para mabisita ‘yung site at makilala ‘yung client na natuwa naman sa ‘min ni Ash. Mabait naman sila saka wala akong naramdaman na nagdalawang-isip sila na makatrabaho kami. Kasi pareho pa nga kaming bata at baguhan ni Ash, at kahit si Kuya Lex eh ngayon lang naging CEO ng AMC. Mukhang okay naman talaga sila sa ‘min.

Dala ni Ash ‘yung sasakyan niya kasi diretso na siyang uwi pagkatapos. Hindi ko na tinukso na hindi na makahintay bumalik kay Mere kasi ako rin naman, gusto ko nang dumiretso kay Charlotte.

Sumabay ako kay Kuya pabalik ng Ayala para kunin ‘yung kotse ko.

Ilang beses pa ako nagpasalamat sa kanya na tinanggap niya ako, at ilang beses niyang inulit na masaya siya kasi pumayag kami ni Ash na sa kanya na magtrabaho. Excited nga raw siya lalo sa future ng kompanya.

Hindi na ako umakyat pagbalik namin ng opisina. Dumiretso na ako sa kotse ko saka ako nagmaneho pa-Quezon City.

Nag-text ako kay Charlotte na papunta na ako, at nag-reply siya na nasa office na siya at na mag-ingat daw ako sa biyahe.

Traffic pero gumagalaw naman ang mga sasakyan kaya bago pa mag-alas siyete, papasok na ako ng gates ng opisina ng mga Sarreal.

“Sir! Good evening!” bati sa ‘kin ng mga Sentinels na nasa front door.

“Bagong gupit, sir, ah!” biro ng isa na alam kong Baste ang pangalan.

“Di, sir. Ganito talaga buhok ko kapag naliligo ako!”

Natawa sila saka ako tinukso pa ulit kasi ang pogi ko raw. Parang manliligaw. 

Eh oo nga. ‘Yun talaga ehehe

Pinagbuksan ako ng main door ng isa sa kanila saka ng pinto paglampas ng reception.

Nagpasalamat ako saka ako naglakad papunta sa direksyon ng library.

Wala pa naman kasing opisina si Charlotte kasi nga hindi pa siya abugado. May isang kuwarto na share silang mga magpipinsan na hindi pa graduate, pero mas gusto ni Charlotte magtrabaho sa library.

Bago pa ako makalapit, narinig ko na ‘yung kaguluhan sa pantry.

“Hoy!” sigaw ng isang lalaki na nakilala kong si Kuya Emmett kahit parang puno ng kung anong pagkain ‘yung bibig niya. “Bakit ang sarap nito?”

The Harder I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon