A/N: Dahil number 7 sa World's Most Beautiful Faces of 2018 si Marlon... hahaha joke. Matagal naman na 'tong chapter na 'to. May binago/binawas/dinagdag lang ako ng kaunti. Sabi ko nga kasi, feeling ko n'ung una, minamadali ko masyado si Marlon. Anyway, kung feeling n'yo may nabago, meron naman talaga pero konti lang naman. Nataranta pa rin naman si Marlon. Again, thank you sa pagbasa sa mga kalokohan namin! We appreciate it.
---
DINAANAN na lang ako nina Hank at Laura, 'yung mga kabarkada namin na may-ari ng HaLo kung saan kami madalas tumugtog, nang dumating na Sabado. May sariling sasakyan 'yung isa naming kabarkada, si Ronald, kasi maghahatid pa raw siya ng girlfriend kaya susunod na lang siya. Si Lester naman, taga-Makati lang kaya kahit mag-skateboard lang 'yun pa BGC, mauuna pa 'yun sa 'min.
Tinapik ko sa balikat si Hank saka ako humalik sa pisngi ni Laura nang makasakay ako sa Ford Ranger nila.
"Kumusta?" nakangiting tanong sa 'kin ni Laura habang nakalingon sa 'kin. "Kumusta 'yung project mo?"
Kumindat ako sa kanya. "Tapos na. Bayad na lang kulang."
"Good! I'm glad okay ang freelancing mo." Siya kasi 'yung ate ng grupo bilang kasal siya kay Hank na pinakamatanda sa 'min. Sineseryoso niya 'yung role niya na 'yun. Pakiramdam ko nga pinroblema din niya kami ni Ash eh, at di lang kung lasing ba kami o nagugutom ba kami o hindi ba kami kumakain, pero 'yung totoong problema. 'Yung anong-klaseng-kinabukasan-meron-ang-dalawang-'yun-kung-di-sila-magtitino problema. At dahil d'un, alam ko 'yung tuwa at pride niya nang sabihin iyang, "Super excited akong makita 'yung bagong bahay ni Ash! Sobrang saya ko rin na ikakasal na siya."
Sinilip ako ni Hank sa rear view mirror. "Siya, excited. Ako naman nabigla."
Tumawa ako. "Bakit? Mukha bang hindi mag-aasawa si Ash?"
"Hindi naman," sabi niya na binabagalan ang takbo ng sasakyan nang mag-pula ang ilaw sa intersection. "Naisip ko lang mauuna si Ronald. O kaya si Lester."
"O, ba't parang pati ako eh mahuhuli sa 'yo?" biro ko.
"O hindi ba?" biro rin ni Laura na lumilingon ulit sa 'kin. "Kailan 'yung huling serious relationship ninyong magkaibigan? I mean, si Ash, bago si Mere si Liz ang girlfriend." Umikot ang eyeballs niya para ipakita ang opinyon niya tungkol kay Liz. "Then ikaw, God, I can't believe pinatulan mo 'yung... ano'ng pangalan n'un?"
Bumuntong-hininga ako. "Si Carmela. Saka sandali lang naman 'yun."
Umikot ulit ang mga mata ni Laura bago siya muling humarap sa unahan. "Hindi ko alam kung paano mo natiis 'yung babaeng 'yun! Paka-arte!"
Magaling siya sa kama.
Pero hindi ko na 'yun sinabi nang malakas. Huwag na nating sirain ang ilusyon ni Ate Laura tungkol sa 'ming mga boys niya. Saka baka batuhin ako ng kung ano.
Kabarkada ng ex ni Ash na si Liz si Carmela. 'Yung ginawa ni Miss Virgin na una kong ikinuwento? Gan'un din ginawa niya sa 'kin. Eh alam ko naman kung anong klaseng babae siya noon pa. Hindi ko sinasabing malandi siya ah, pero siya 'yung tipong walang expectations, 'yung okay lang ang sex na walang love. Hindi komplikado kasi alam namin kung ano'ng makukuha namin sa isa't isa. Eh di pinatulan ko. Si Boy Patol ako eh.
Isang buwan lang naman 'yun. But that had been one hell of a month, kung hindi ko isasali 'yung mga panahon na wala kami sa kama...
Napatingin ako kay Laura na nakasimangot na pala sa 'kin. Tumikhim ako at inalis ang pagkakangisi dahil sa mga naalala ko. Kumurap-kurap ako sa kanya.
"That's the point, Marlon. Gan'un kasi kayo ni Ash. Papalit-palit ng babae na hindi naman ninyo sineseryoso."
"Aba, eh di rin naman kami sineseryoso n'ung mga babae!" depensa ko sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/105222519-288-k585440.jpg)