A/N: Surprise! Maraming salamat po sa mga matiyagang naghihintay pa rin sa updates ko dito sa Wattpad. Busy lang po talaga sa life kaya hindi ko maharap ang mga stories na nandito. But rest assured na hindi ko naman po aabandonahin ang mga kuwentong nandito. So thank you pa rin po sa mga naghihintay.
This is an AshLon chapter so wala si Charlotte dito. Nabasa naman na ninyo ito kung nabasa na ninyo ‘yung FFTB. POV lang ni Marlon ‘to. Pasensiya na rin po pala kasi hindi po siya edited ah. So spelling and other errors galore! Sorry po.
Thank you po ulit for waiting! And thank you for reading.
---
LINGGO na kami umuwi mula kina Ash. Na-miss ko rin naman ang barkada ko kasi mula nang maging adult na kami (o at least sina Lester at Hank na unang naging adult kaysa sa ‘min ni Ash), hindi na kami masyadong nakakapag-bonding (i.e. lasing) na tulad nito. Ang saya lang na may bahay na si Ash na may roofdeck! Perfect place para sa inuman ng barkada.
Naisip ko na naman na proud na proud (at inspired din) ako sa best friend kong gago. Sana sa susunod, sa bahay ko naman kami makapag-inuman... ‘yung sarili ko na talaga, hindi ‘yung share kami ni Ate Emma.
Sana ‘yung bahay na rin namin ni Charlotte ahahaha
Hindi ko pa siya agad inihatid sa kanila pag-alis namin kina Ash. Kahit may hangover ako, tinanong ko pa siya kung gusto niyang lumabas muna kasi ayoko pa kaming maghiwalay.
Nagpasama siya sa Fully Booked sa High Street, at tumambay muna kami sa Starbucks d’un kung saan nilabanan ko ‘yung hangover ko gamit ang black coffee habang pinapanood siyang magbasa sa tapat ko sa mesa.
Gan’un lang, buo na ang araw ni Jomar.
Nag-early dinner din kami saka ko siya hinatid sa kanila sa QC, saka pa lang ako umuwi sa ‘min sa San Juan kung saan minura ako ng katawan ko kasi gusto kong matulog dahil nga sa pagod at puyat, pero gising na gising ang diwa ko sa dami ng ininom kong kape. Nagpabibo na lang ako na sinimulan ko na ‘yung trabaho ko para dapat kinabukasan hanggang sa tuluyan na akong inantok nang mga alas tres ng umaga.
Zombie mode tuloy akong pumasok nang Lunes, pero at least, zombie na nasimulan na ‘yung mga designs na pinapagawa sa kanya. Antay na lang ako ng ibibigay ni Kuya Boss Lex na braaaaains.
“May gagawin ka?" walang opening spiel na salubong sa ‘kin ni not Kuya Boss Lex but looks like Kuya Boss Lex.
"Iinom ng kape," sagot ko habang humihigpit ang hawak sa travel mug ko kasi baka agawin sa ‘kin ni Ash. Mas kailangan ni Zombie Marlon ng caffeine kaysa brains.
"Hindi, ngayong araw," paglilinaw ng best friend ko.
"Iinom nga ng kape."
Akala ko kokonyatan ako eh. "Meron ba 'yun o wala?"
Dahil setyoso siya at halatang nagsisimula nang uminit ang ulo niya kahit pa alam kong matagal uminit ang ulo ni Ash, sinagot ko na nang maayos.
"Walang importante o kailangang madaliin.” Kasi nga magaling at pabibo ako kaya may extra time ako. “Bakit?"
"Samahan mo ako sa Nuvali."
Medyo nagising ang diwa ko. Gusto ko, kasi lakwatsa ‘yun, pero ayoko kasi... lakwatsa ‘yun. "P'wede? Baka naman sabihin nila ke-bago-bago ko, naglalakwatsa ako kaagad."
"Hayaan mo sila. Basta naman tapos ang trabaho mo bago mag-deadline, wala namang pakialaman dito.”
Sumimangot ako kasi duda pa rin ako, saka ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa mesa ko para maupo na sana.