twenty-seven

3.9K 280 120
                                    

A/N: Hello and welcome back! Sorry po sa matagal na update. Ang tagal kong may writer’s block huhu at meron pa rin, sa true lang, pero na-realize kong blocked ako kasi masyado akong worried sa takbo ng mga kuwento. Nakasulat ako ngayon kasi sinabi ko sa sarili ko na ‘eh, isulat mo lang gusto mo kahit magulo o walang connect o hindi kailangan ‘yung scene. This story is yours, and Marlon’s and Charlie’s. Basta na-e-enjoy n’yong tatlo, okay na ‘yun.’ At ‘eto na nga ang bunga n’un ahehe. Gusto ko lang siyang isulat, so isinulat ko lang. I’m really sorry... or am I? (◠‿◕)

Anyway, shameless self-promotion! If you’d like to purchase my self-published books, you can still do so. My current on-going story here on Wattpad, The Perfect You, is my latest release. Nasa bio ko po ang purchase link.

Also, I have a Ko-fi account if you want to read special chapters and one shots.  I also post some of my future books there. If you’re interested lang naman po, link is also in my bio.

I hope you enjoy this purely self-indulgent chapter of a self-indulgent book. Promise alam ko naman kung saan pupunta ‘tong kuwento, ipinapasyal ko lang kayo bago tayo makapunta d’un sa point.

Salamat!


Twenty-Seven

Charlotte: Jomaaaar! Busy ka mamayang gabi? Wala naman kayong gig di ba?

Marlon: Wala. Bakit? Date tayo?

Charlotte: Lumabas na kasi ‘yung verdict sa kaso na hawak ni Kuya D! Nanalo sila! So may celebration sa office mamayang gabi. Dinner daw. Puwede ka mag-stay?

Marlon: Oo naman! Tatanggi ba ako sa libreng pagkain? Sunduin kita sa school?

Charlotte: Yay! And kahit dumiretso ka na sa office! Sasabay na lang ako kay Alaric.

Marlon: Okay. Ano palang congratulations gift ang puwede kong dalhin?

Charlotte: No need! Basta punta ka lang mamaya.

Marlon: Aight! See you! Nand’un ako bago mag-7.

Charlotte: Okay! See you later! 🖤

Marlon: 🖤

---

KUNG mukhang umiikot ang buhay ko sa mga Sarreal... totoo naman. Bahay, opisina namin, gig, opisina nila ang schedule ko kapag weekday eh. ‘Tapos bahay, rehearsal, gig, Charlotte (opisina pa rin nila o date na kaming dalawa lang) kapag weekend. Kaya buti na lang at close naman na ako sa kanila.

Si Kuya D (Diedrich) ‘yung isa sa mga hindi ko masyadong ka-close sa mga Sarreal kasi isa siya sa mga pinakatahimik sa kanila. Ngiti, kaway at “’musta” lang ang interaction naming dalawa bago  namin lalampasan ang isa’t-isa sa hallway. Pero mabait din naman siya. Hindi naman suplado. Mukhang introvert lang talaga. Siya rin kasi ‘yung tahimik kapag nag-aaway... nagdidiskusyon... ang mga pinsan niya sa pantry o sa library eh. Sabi ni Kuya Emmett, siya rin daw talaga ‘yung malamang dumiretso na maging judge sa kanilang lahat.

Anyway, ibinaba ko na ‘yung telepono ko at ibinalik ‘yung atensyon sa mga blueprint n’ung bahay ng isa naming client. Kailangan kong mag-concentrate at baka kung saan ko mailagay ‘yung banyo nila.

Nagulat ako kasi may pumukpok sa tuktok ng ulo ko bago bumaba sa mesa ko ‘yungensyamada na ginamit ni Ash na pamukpok sa ‘kin.

“Merienda,” sabi niya saka siya naupo sa tapat ng mesa ko na inaalis na ‘yung balot ng sarili niyang ensaymada.

“Ano ba ‘to. Nagdala ng ensaymada, hindi pa nagdala ng kape.”

“Baka nakakalimutan mong boss mo na ako.”

“Sabi ko nga ikaw na ang ipagtitimpla ko ng kape, boss.”

“’Yaaan! Umayos ka kasi!”

Kumagat siya sa ensaymada, ngumuya saka sinilip ‘yung screen ko. “Bahay ba ‘yan ni Mrs. Saavedra?”

“Oo.”

“Ba’t nasa entrance agad ‘yung banyo?”

“Hindi pa kasi ako tapos!”

Humagikgik ang walangya.

“May gagawin ka mamaya?” tanong niya.

Kumagat ako sa sarili kong ensaymada. “Oo eh. Bakit? Miss mo na ako?”

“Hindi. Papalibre sana akong hapunan.”

“Bakit ako ang manlilibre, eh ikaw ang boss? Mas mayaman ka kaya sa ‘kin.”

Lumabi si Ash. “Medyo matagal na kasi tayong di lumalabas. Baka nagtatampo ka na.”

Umiling ako. “Okay na ako. Naka-move on na ako sa ‘yo.”

Bumagsak ang mga balikat niya. “May... may kapalit na ba ako sa puso mo?”

Inabot ko ‘yung kamay niya. “Mas macho kasi sa ‘yo si Kuya Emmett eh. Alam mo namang weakness ko ‘yung maskulado.”

Humagikgik ulit si Ash na parang bata saka kumagat ulit sa merienda niya. “Ikunuwento ni Mere na nanalo daw sa kaso niya ‘yung isang kuya ni Charlotte ah. Nasa news daw kanina.”

“Oo nga raw. May kainan sa kanila mamaya. Inimbitahan ako ni Charlotte.”

Tumango si Ash at nagpatuloy sa pagnguya. “Okay ka naman sa kanila di ba? Wala namang nang-aaway sa ‘yo?”

Pabiro ang pagkakatanong niya pero halos buong buhay namin naman na kaming magkasama nitong si Ash. Alam kong magsabi lang ako, wala ‘tong pakialam kung si Chief Justice Sarreal pa mismo ang harapin niya para ipagtanggol ako.

“Wala,” tawa ko. “Wala talaga. Nakita mo naman sila sa ‘kin n’ung lumabas tayo eh, di ba? Gan’un talaga sila sa ‘kin. Mabait talaga sila.”

Tumango-tango siya. “Okay. Alam ko naman ‘yun kasi si Charlie, hindi naman papayag ‘yun na maapi ka, pero gusto ko pa ring marinig galing sa ‘yo.”

“Alam ko. And thanks.” Saglit kaming natahimik na dalawa. “Pero hindi pa rin ako babalik sa ‘yo.”

Bumuntong-hininga siya. “Alam ko. Alam ko namang sinayang ko na ‘yung pagkakataon kong maging non-showbiz partner ng rockstar. Kaya magtitiis na lang akong maging sugar baby ng isang bilyonarya. Sad life.”

Saglit kaming natahimik na dalawa bago kami nagsimulang tumawa nang tumawa.

---

KAHIT sabi ni Charlotte na huwag na akong magdala ng kahit ano, dumaan pa rin ako sa isang wine store para bumili ng isang bote ng brandy na ni-recommend ni Kuya Lex na appropriate na iregalo sa isang tulad ni Kuya D. Para mas lalo tayong pumogi.

Sinaluduhan ako ng Sentinel sa gate saka ko ipinasok ang kotse ko sa parking area ng opisina ng mga Sarreal. First name basis na kami ng halos lahat ng mga security specialists sa dalas kong pumunta d’un eh. Pero medyo nagtaka ako kasi parang ang daming mukhang security sa paligid.

Ipinarada ko ‘yung kotse ko sa isang bakanteng espasyo saka ako bumaba na dala na ‘yung regalo ko.

Nakipag-fistbump ako kay Baste sa main door bago niya binuksan ‘yung pinto para sa ‘kin. Hindi ko na siya tinanong kung bakit apat silang security d’un.

Pagpasok ko, medyo napahinto akokasi nakita ko si Charlotte na nakikipagtawanan sa isang Sentinel, si Daichi.

May aaminin ako sa ‘yo. Medyo... hindi naman ako ilang... medyo mapanghinala ako kay Daichi. Ang pogi kasi eh.

De, joke lang. Pero pogi naman talaga siya. Masyado lang siyang pogi at ang kisig tingnan at mas madalas sa hindi, lagi siyang kausap ni Charlotte kapag naaabutan ko sila.

Hindi ako seloso pero... okay, so seloso ako pagdating kay Charlotte. Kasi wala naman kaming label eh. “Nanliligaw” pa lang ang status ko sa kanya. Wala akong karapatang mambakod. O kung meron man, kailangang may pinto ‘yung bakod ko kasi nga hindi naman ako boyfriend talaga kahit ano pang napag-usapan namin. ‘Yun ngang mag-boyfriend na eh, ‘yung mag-asawa na!, naghihiwalay pa.

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Charlotte. Wala lang talaga akong tiwala kay Daichi. Huwag niyang sabihing guwapo siya ah. Dahil mas guwapo ako. Buhok pa lang, lamang na ako.

She likes my hair!

“Jomar!” masayahing bati ni Charlotte nang lumingon siya at nakita ako.

“Hey!” bati ko na rin saka ako tumango kay Daichi. Plastic eh.

“Good evening, sir,” sabi niya na may magalang na ngiti. Plastic din?

Lumapit si Charlotte sa ‘kin at binigyan ako ng mabilis na halik sa pisngi.

O, ayan ah. Ayan! Hinahalikan niya ako ah!

Hindi ko alam kung napo-project ko ‘yun kay Daichi pero sinubukan ko pa rin. Malay natin masindak.

“O, sabi ko you didn’t need to bring anything!” ani Charlotte nang mapansin na may hawak akong bote ng brandy.

“Eh hayaan mo na. Para mas pumogi tayo kay Kuya D.”

Inabot niya ‘yung libre kong kamay saka ako hinila papunta sa pinto papasok. Nilingon niya si Daichi. “Uy, umakyat ka mamaya ah! Kumain kayo ni Rand.”

“Sige po, ma’am,” masayahin niyang sagot bago nagmamadaling tumayo para makipag-unahan sa ‘kin na buksan ang pinto para kay Charlotte. Tumango rin siya sa ‘kin na hindi naaalis ‘yung ngiti sa mga labi. “Sir.”

Ngumiti na rin ako at tumango ulit sa kanya.

Pinakalma ko muna ‘yung sarili ko. Ako naman ‘yung hinalikan ni Charlotte kanina. Kamay ko ‘yung hawak niya. Natulog na siya sa tabi ko na yakap ko. Wala akong dahilan para magselos.

...

Pero hindi ibig sabihin, hindi ko babantayan ‘yang si Daichi. Mabait ako pero hindi ako tanga. Slow lang. Minsan. Pero pagdating kay Charlotte, magpapaka-genius ako para lang masiguro na ako ang pipiliin niya sa huli.

---

UMAKYAT kami sa roof deck kung saan nagaganap ‘yung party ni Kuya D. May mga ilaw d’un kaya maliwanag pa rin ang paligid. Maraming mga mesa kung saan nakapuwesto ang lahat yata ng mga empleyado nila. May mahabang buffet table sa isang banda at may TV na may videoke set up na ine-enjoy na ng ilan sa mga bisita.  Kumaway ako kay Kuya Emmett na nakikipagtawanan sa isang mesa ng mga babae, at kina Alaric at Aric na nasa kabilang table, kasama ng ibang mga empleyado.

Mamaya na ako makikipagkuwentuhan sa kanila kasi siyempre, uunahin ko munang batiin si Kuya Diedrich. Alam kong doon ako hinihila ni Charlotte sa direksyon ni Kuya D pero bigla akong natalisod at bigla akong nagpreno n’ung na-realize ko kung sino ang mga kasama niya sa table nila.

Si Kuya Nick, si Kuya Ulrich... at kahit hindi ako mahilig magbasa ng diyaryo, nakikita ko naman sa news ang mukha niya... si Chief Justice Lucas Alfonso Sarreal.

“Charlotte,” impit kong sagitsit na medyo napatinis pa ang boses. “Si Chief Justice Sarreal ba ‘yun?”

Kumurap si Charlotte. “Uh, oo, si Tito Luke, daddy nina Kuya Nick. Si Tito Mark, ‘yung katabi niya, daddy nina Kuya Diedrich.”

‘Yung tito niya najustice ng Sandiganbayan? Kaya pala parang maraming security!

Shet. Hindi ako handa.

“Uhm... nandito...” Tumikhim ako. “Nandito ba ang parents mo?”

Kung naguguluhan ka kung bakit ngayon lang nabanggit ang mga magulang ni Charlotte, ‘yun ay dahil hindi ko pa sila nakikilala. Hindi pa ako handa, saka parang hindi pa rin naman handa si Charlotte na ipakilala ako sa kanila. Sigurado kong alam naman na nila na nag-e-exist ako. Parang imposible na hindi, pero dahil buhay pa naman ako at hindi pa ipinatumba sa kung kanino, malamang hindi pa problema sa kanila na nilalapitan ko ‘yung anak nila. Pero sabi ko nga, minsan lang naman ako slow. Parang imposible na hindi nila ako pinapabantayan. Pero saka na ‘yun. Hindi pa rin naman namin sila napapag-usapan ni Charlotte. And I’m good with that.

“Ah, wala,” sagot niya. “Hindi sila makakapunta.”

Medyo nagrambol ang mga emosyon ko. Una na siguro (at pinaka-rational) na nakahinga ako nang maluwag kasi hindi pa ako handang magpakilala kina Attorney at AttorneySarreal, pero parang medyo disappointed din kasi, alam mo ‘yun? Para sana isang bagsak na lang na husgahan kung huhusgahan nila ako. Saka maayos ako ngayon eh. Naligo ako kanina at mukha akong arkitekto at hindi tambay. 

Hinaplos ni Charlotte ang braso ko. “Okay ka lang ba makilala sila?” tanong niya. Puno ng pag-aalala ‘yung expression niya. “I’m sorry. Hindi ko kasi naisip agad. I know it could be intimidating to other people pero promise, mababait sila.”

“Kapag ipakulong nila ako, tawagan mo si Lester. May usapan kasi kaming kung makulong kami ni Ash, siya ang bahalang magpiyansa sa ‘min eh.”

Bumingisngis si Charlotte. “Sira!” Pinisil niya ‘yung kamay ko. “Pero kung gusto mo, d’un na muna tayo kay Kuya Emmett? Para maihanda mo muna ‘yung sarili mo kung gusto mo?”

Pakasweet talaga ng babaeng ‘to. Halikan kita d’yan eh... mamaya, ‘yung hindi sa harapan ng mga kamaganak mo.

Huminga ako nang malalim at pinisil na rin ‘yung kamay niya. “Hindi! Okay na ako. Let’s do this.”

Mahina siyang tumawa. “Okay!”

Pagkatapos ay nagpagiya na ako sa mga kamaganak niya.

Nagkukuwentuhan sila at nagtatawanan nang makalapit kami. Si Kuya Nick ang unang nakapansin sa ‘min at ngumiti siya.

“Oh, hey, Marlon!”

Huminto ang usapan. Lahat sila eh napalingon sa direksyon namin. Pakiramdam ko sinundan nilang lahat ‘yung butil ng pawis na tumulo sa gilid ng mukha ko eh, bago bumaba sa magkahawak naming kamay ni Charlotte ‘yung mga mata nila.

Oh, fuck. Oh, shit. I’m going to die!!!

“Hey!” bati ni Kuya D na kumaway sa ‘kin. “Glad you could make it.”

Kinailangan kong tumikhim para hindi ko aksidenteng ibirit ‘yung bati ko sa kanya ala Regine Velasquez. “Kuya Diedrich, congrats po sa pagpanalo sa kaso ninyo.”

Inabot ko sa kanya ‘yung hawak kong bote ng brandy.

“Oh, wow! Salamat!” Tinanggap niya ‘yung bote saka binasa ang label. “Tamang-tama. Ito na ‘yung gagamitin ko para mag-celebrate mamaya.”

Sana hindi pilit ‘yung tawa ko. “Enjoy po!”

“Uhm, everyone,” simula ni Charlotte na pinipisil ulit ‘yung kamay ko. “This is Marlon.”

Hindi ko alam kung promoted o demoted ako na walang “my friend” sa pagpapakilala niya sa ‘kin. Pagkatapos ay casual din niyang ipinakilala ang mga kamaganak niyang parang dapat eh may “honorable” bago niya banggitin ang pangalan. Hindi ko alam kung paano aakto at kung okay lang ba na makipagkamay ako sa kanila kasi nakakahiya talaga, pero inabot nila ‘yung kamay nila sa ‘kin at binati ako.

Mabilis akong nag-psychoanalyze ng mga first impressions ko sa kanila. Medyo may kakulitang taglay pala ‘tong si CJ Sarreal at ‘yun ang nakuha ni Kuya Ulrich. Mas tahimik at seryoso ang misis niya at ‘yun naman ang mas nakuha ni Kuya Nick. Parehong mukhang seryoso ang mga magulang ni Kuya Diedrich pero wala naman akong naramdaman na panghuhusga sa kanila. Friendly pa rin naman ang bati nila sa ‘kin kahit hindi gaya ni CJ Sarreal na may halong biro sa ngiti at tono.

“Ano’ng apelido mo, Marlon?” tanong ni Chief Justice Sarreal.

Patay tayo d’yaaaaan.

“Paredes po.”

“May kamaganak ka bang Attorney Paredes?”

Mas patay tayo d’yaaaaaaan.

“Half-brother ko po, si Attorney Juan Carlos Paredes.” Gusto kong idagdag na baka hindi niya kilala ‘yun kasi small time lang naman si Kuya pero...

“Ahhh,” tatango-tangong saad ni CJ Sarreal. “Kaya pala. Hawig kasi kayo.”

“Mas guwapo po ako d’un.”

POTAKA, JOSE MARIA ALONSO! HUWAG KANG MAGKALAT!

Pero malakas na tumawa si Chief Justice.

“Teka, kapatid mo si JC?” gulat na tanong ni Kuya D.

Gulat din akong napatingin sa kanya kasi una, kilala niya si Kuya ko? At ikalawa, kinakausap ba niya ako?

“Ah, opo. Eldest half-brother ko po. Magkakilala po kayo?”

Tumango si Kuya Diedrich. “Kaya pala sabi ko may naaalala ako kapag nakikita kita.”

“Mas guwapo lang daw siya,” natatawang paalala ni Chief Justice Sarreal sa pamangkin.

Tumawa na rin si Kuya D.

---

NAGPAKATATAG ako hanggang sa makalipat kami ni Charlotte ng mesa matapos ang pagpapakilala niya sa ‘kin sa mga kamaganak niya. Halos mag-collapse ako sa upuan sa tabi ni Reinhardt dahil nanghihina ang mga tuhod ko sa delayed reaction.

“Okay ka lang?” tanong ni Reinhardt sa ‘kin.

“Aatakihin yata ako sa puso sa kaba ko,” amin ko.

Hinampas-hampas niya ang likod ko. “Okay lang ‘yan, ‘nukaba! Sila lang naman ‘yan.”

“Sila lang—?” Pinandilatan ko siya at humagikgik siya.

“Mabait naman silang lahat talaga,” singit ni Charlotte mula sa kabila ko. “Intimidating lang kung papayag kang magpa-intimidate.”

“If we’re going to be honest, pinaka-intimidating ang parents ni Charlie.”

“Hoy!” tawa ni Charlotte saka inabot si Reinhardt para kurutin sa braso.

“O bakit? Alangan namang parents ko! Eh ka-cute ng mga ‘yun!”

“That is true,” sang-ayon ni Charlotte. Muntik ko nang hindi marinig ‘yung sinasabi niya kasi kumiskis sa dibdib ko ‘yung braso niya n’ung inabot niya si Reinhardt eh.

Not the time, Jomar!

“Saka pala mommy nina Alaric. But she’s a sweetheart kapag makilala mo na talaga siya.”

“Naubos na ‘yung lakas ng loob ko na makakilala pa ng ibang Sarreal ngayong gabi,” ingit ko na ibinababa ang noo sa mesa.

“Aww, baby?” tawa ni Charlotte sabay hawak sa likod ng ulo ko para haplusin ang buhok ko.

Kung naramdaman niyang parang lumundag ang kalansay ko, hindi siya nagpahalata. Pero para akong tinamaan ng kidlat sa hawak niya! Ngayon ko lang din nasigurong erogenous zone ko ang batok at tainga ko.

“Hoy!” Narinig ko ‘yung boses ni Kuya Emmett. “Kumain na ba kayo? Kumain na tayo!”

“Kanina ka pa kumakain, Kuya,” paalala ni Reinhardt.

“Kumain na tayo ulit!” pagtatama niya sa sarili.

Sinundot ako ni Charlotte sa tagiliran. “’Lika na. Kain na tayo,” aya niya.

At nang tumayo na siya, wala akong nagawa kundi ang sumunod.

---

NAKATATLONG balik na kami ni Kuya Emmett sa buffet table nang lumipat sina Kuya Nick at Kuya Ulrich sa mesa namin. Nagpaalam na rin kasi sina Chief Justice at Justice Sarreal na mauuna nang umalis.

Lumapit lang si Kuya Diedrich sa table namin para i-check kung may pagkain kami bago siya nagpaalam para puntahan ‘yung iba niyang mga bisita.

Biglang kumaway si Emmett sa direksyon ng pinto papasok ng building. “Daichi! Rand! Kumuha na kayo ng pagkain! ‘Tapos dito na kayo!” tawag niya d’un sa dalawang Sentinel na nakatayo d’un.

Kanina pa nagtatawag si Kuya Emmett ng mga Sentinel na umaakyat para kumain eh kaya dapat hindi na ako natigilan n’ung tinawag niya sila Daichi para sa mesa na rin namin kumain.

Bakante ‘yung upuan sa kabila ni Charlotte kasi biglang nawala si Kuya Nick na may gustong kumausap. Kapag itong si Daichi eh d’un pumuwesto, babawasan ko ang kapogian nito.

“Charlie!” biglang tawag ni Reinhardt. “Kanta na tayo!”

“Ha? Now?”

“Yeah!” Tumayo si Reinhardt saka hinablot ang kamay ni Charlotte at kinaladkad ‘yung pinsan niya papunta sa videoke sa bandang harapan. Kanina pa ‘yun minomonopolize ng mga empleyado nila eh pero masayang nagtilian at nagpalakpakan ang mga ‘yun nang makitang lumapit ‘yung magpinsan.

Bumalik ‘yung atensyon ko sa tapat ko nang huminto d’un sina Rand at Daichi na may dala nang pinggan ng pagkain.

“Okay lang maupo dito, sir?” tanong ni Rand.

“Oo, sige lang!” sabi ni Kuya Emmett. “Puwede ba kayong uminom? Hindi yata.”

“Hindi, sir,” tawa ni Rand. “Naka-duty kami eh.”

“Sayang! Pero sige lang, kain lang kayo!”

Nagsimulang tumugtog ang intro ng isang kanta na pamilyar sa ‘kin pero hindi ko maisip kung ano ang title.

Nagpalakpakan ang mga nasa table na pinakamalapit sa TV, ‘tapos may mga nag-angat pa ng mga cell phones nila na para bang nasa concert sila.

Pagkatapos eh narinig ko ‘yung husky at sexy na boses ni Charlotte na sigurado kong isa sa mga dahilan kung bakit na-in love ako sa kanya at first line n’ung una ko siyang narinig na kumanta ng “When Love and Hate Collide”.

Remember the first day when I saw your face?
Remember the first day when you smiled at me?
You stepped to me and then you said to me
I was the woman you dreamed about.

Ah. Brown Eyes. Destiny’s Child.

Sinundan ng boses ni Reinhardt ang boses ni Charlotte. Magaling din siya kumanta pero hindi ko ma-appreciate kasi kay Charlotte lang ako nakatutok.

Magka-akbay silang magpinsan, mukhang kambal lalo na’t pareho pang nakasuot ng puting long sleeves at itim na slacks. Obvious na sanay silang mag-perform na magkasama. Ni hindi na nila kailangang tumingin sa screen para sa lyrics. They were swaying with the music and were completely in sync with each other. Bagay din ‘yung mga boses nila, parehong buo pero parang boses pa ni Reinhardt ‘yung may tamis at kay Charlotte talaga ‘yung husky. Hindi sila nagsasapawan na para bang ilang libong beses na nila kinanta ‘yung kanta.

I listened to Charlotte’s voice at dinibdib ko ‘yung lyrics.

I know that he loves me ‘cause it’s obvious.
I know that he loves me ‘cause it’s me he trusts.

Yeah. Yeah, it’s you I trust. Sige na, kahit nasa tapat ko lang si Daichi na mukhang namatanda na habang nakatitig din sa ‘yo, maniniwala ako na ako ‘yung pipiliin mo kasi sinabi mo, at dahil may tiwala talaga ako sa ‘yo.

I’m so happy, so happy that you’re in my life.
And baby, now that you’re a part of me,
you’ve showed me,
Showed me the true meaning of love.
And I know he loves me.

Napapalakpak kaming lahat n’ung si Reinhardt ang kumanta n’ung may high notes! Alangya, parang si Ash rin pala ‘to eh! Walang piyukang naganap!

Nakikanta na rin ‘yung ibang mga bisita sa huling ulit n’ung chorus. Napalingon ako n’ung marinig ko ‘yung boses ni Kuya Emmett. Hawak na rin niya ‘yung phone niyang naka-ilaw. Naka-akbay siya kay Daichi na nakatanga pa rin kay Charlotte. Pakiramdam ko nasa mukha ko rin ‘yung ekspresyon sa mukha niya, ‘yung alam mong hinahatak ka na at malulunod ka na, at wala ka nang magawa.

Tumingin ako ulit kay Charlotte. Sa ‘kin siya nakatingin. She smiled, and gave me a little wave. Kumaway din ako. Pagkatapos ay binigyan namin sila ng standing ovation nang matapos ang kanta.

Tumawa silang magpinsan at nag-bow.

“Oshkosh!” tawag ni Kuya Emmett kay Reinhardt bago tinakbo ‘yung dalawa. “Tayo naman!”

Tinakpan ni Charlotte ‘yung bibig niya bago mahiyaing bumalik sa table namin. Tumayo ako para salubungin siya at yakapin.

“Ang galing!” sabi ko habang sapu-sapo ‘yung mga pisngi niya. “Ang galing n’yo!”

“Ehh!” tawa lang niya na nakabalot pa rin sa bewang ko ‘yung mga braso. Itinulak niya ako pero hindi niya binitawan ‘yung kamay ko saka siya ulit naupo sa puwesto niya.

Sinulyapan ko si Daichi na nakatungo na sa pinggan niya at parang dinadasalan na ‘yung lechon kawali d’un.

Sorry, dude. Brown eyes ko ang gusto niya.

---

HINDI NA ako nagulat n’ung naupo si Kuya Ulrich sa tabi ko mayamaya. May hawak siyang isang boteng beer, at kahit mukhang relaxed, halata ko ‘yung tensyon sa mukha niya. Hindi ko kailangang maging psychiatrist o mind reader para mabasa ‘yun. Pero ako na ‘yung nag-assume na ate ko ‘yung dahilan n’un. Di ko na lang binanggit.

“Kuya,” bati ko.

“May gagawin ka ba bukas?”

Aba, in demand ako ah. Daming nagtatanong kung may gagawin ako.

“Wala naman. Bakit po?”

“Dapat kasi bukas... ako bibili ng mga gamit ni Emmerich.”

‘Yung bago niyang baby ball python na panganay nila ng Ate ko kung base sa pangalan niya.

“Ahh.”

Mahina at medyo may pait ‘yung tawa niya. “Yeah. Eh since hindi na ako masasamahan ni...” He shrugged. “Okay lang ba na samahan mo ako? Kayo ni Charlie? May idea ako ng mga kailangan ko pero buti na ‘yung may kasama akong mas may alam sa ‘kin. Ngayon kasi nasa bin lang si Emi eh, ‘tapos diyaryo lang ‘yung substraight niya. Kawawa naman.”

“Sige, Kuya. Samahan kita d’un sa mga supplier namin. Marami ka bang bibilhin?”

“Medyo.” Sinulyapan ni Kuya si Charlotte. “Kailan ka free na gawin ‘yung enclosure?”

Tumango ang pinsan niya. “Hmm, Sunday? Saan ko gagawin? Sa bahay ba o sa condo mo na?”

“Kahit sa condo ko na, para hindi na kailangang i-transport.”

“Sure! Okay ako sa Sunday.”

Tumango ulit si Kuya. “Thanks.” Tipid siyang ngumiti. Huminga siya nang malalim bago siya nagsalita. “Kumusta—” Pero pinigilan niya ‘yung sarili niya, tumawa ulit, saka siya umiling. “Nevermind. Okay lang ba kung 10 tayo bukas? Sunduin ko na lang kayong dalawa.”

Pumayag kami ni Charlotte saka nagpaalam si Kuya Ulrich at tumayo para lumipat sa kabilang table.

Nagpalitan kami ng tingin ni Charlotte bago kami sabay na bumuntong-hininga. Then I reached for her hand, and she slid her fingers between mine.

Napayapa ako eh.

“So,” simula ko na papikit-pikit habang nakangisi sa kanya. “Brown eyes ko ba ‘yung sinasabi mo kanina?”

Tumawa ako nang iipit niya sa pagitan ng mga daliri niya ang ilong ko saka ako muntik mabulunan dahil sinubuan niya ako ng shanghai nang walang kalaban-laban.

At sabi nga n’ung kanta, I knew right then and there you were the one.

The Harder I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon