CW// Pasintabi po sa mga kumakain, may brief usapan tungkol sa insekto kung sensitive po kayo sa gan’un.
Thank you po ulit sa mga bumili ng mga self-pub books ko! And kung interested po kayo, nasa profile ko ang order form and instructions, kung hindi pa kayo nakakabili. Thank you for your support!
And thank you po for your patience as always sa Wattpad ko! Salamat po sa paghintay sa mabagal kong mga updates. Super appreciated ko po.
And sorry po for 1) not being able to edit this chapter properly. Wala pa po akong kape sa sistema. 2) Opo, alam ko po, bitin po siya. Sumimasen.
---
“SIGURADO ka bang okay ka na ngayon?” tanong ko mayamaya. Naka-unan siya sa isa kong braso habang hawak ko sa dibdib ko ‘yung isa niyang kamay.
“Oo,” sagot ni Charlotte. “Matagal naman na akong okay. Mas okay pa nga ako kaysa sa mga kamaganak at mga kaibigan ko, I think.” She laughed a little. “Hanggang ngayon protective pa rin sila sa ‘kin.”
Naalala ko kung paano ako kinilatis ng ilan sa mga pinsan niya at kung paano ako kinausap n’ung iba tungkol sa kanya. Kaya naman pala sinubukan nilang basahin ‘yung kaluluwa ko eh. Naintindihan ko na ‘yung angry anime eyes ni Kuya Ulrich.
Pinag-usapan pa namin kung ano ang ginawa niya pagkatapos n’un (went to therapy and healed), kung ano ang ginawa ng pamilya niya (threatened legal action but I stopprd them, filed the protective order, made sure to keep Reinhardt away from my ex kasi papatay talaga siya, and acted protective until I told them they were starting to remind me of my ex) at kung ano ginawa ng mga kaibigan niya (tried to make up for not trying hard enough to convince me to leave my ex when they noticed the red flags until I managed to convince them it wasn’t their fault, supported me and cheered me up, and made sure that I was doing okay).
Tinanong ko kung sigurado bang hindi na babalik ng Pilipinas ‘yung ex niya.
Sana bumalik para tuluyan ko na. Marami akong kilalang magaling na abugado na sigurado kong ipagtatanggol naman ako kung mahuli ako.
Tumawa kami nang sabihin ko ‘yun pero ang totoo, tatawa-tawa ako para hindi siya maasiwa, mag-alala o matakot sa ‘kin kasi sa loob ko, kumukulo pa rin ‘yung dugo ko.
May nanakit kay Charlotte. May isang malakas ang loob na gagong tinamaan ng lintek na asshole dipshit dickbag motherducker na nanakit kay Charlotte.
Ayaw niyang sabihin sa ‘kin kung sino ‘yung ex niya pero talented naman ako. Madali lang malaman kung gusto ko talaga, pero sa ngayon, respeto muna sa kanya. Ayaw niyang ipaalam kaya hindi ko muna hahanapin ‘yung gago.
“Alam mo, ikaw ang unang lalaking dinate ko pagkatapos niya,” sabi niya sa ‘kin habang pinapanood na magsimula nang magliwanag ang langit sa labas.
Napa-angat ako ng ulo para tingnan siya. “Talaga?” gulat kong tanong na maliwanag ang mukha sa tuwa.
“Yeah,” sabi niya. “I mean, okay naman ako sa sarili ko. I knew what happened wasn’t my fault and minalas lang ako d’un sa ex ko, but still, it took me that long to trust a guy again... or, well, my own judgment again.”
I smiled at her and brushed her hair away from her forehead. “Kita mo nga naman. Sa ‘kin ka pa natalisod.”
Naningkit siya sa ‘kin pero tumawa lang ako, saka ko siya pasimpleng hinalikan sa buhok sabay biglang sabi ng, “Dito ka na matulog.”
Tinaasan niya ako ng kilay sa gulat, saka halatang nagpipigil siya ng ngiti. “Hmm?”
“Dito... ka na... matulog?” ulit ko kahit pa medyo may pag-aalangan na sa boses ko. “Kasi umaga na o. Pasikat na ang araw. Dito ka na matulog. Sa kama ko... ‘tapos ako eh sa sofa sa labas... Pero kung gusto mo lang ah!” mabilis kong dagdag. “Okay lang naman akong ihatid ka sa bahay n’yo kung gusto mong umuwi. Wala namang pilitan. Kung saan ka lang komportable. Para makapahinga ka lang agad.”
Daming sinabi!
Pero marami pa dapat akong sasabihin pero siya na ‘yung nag-angat ng mukha para mabilis akong halikan sa mga labi.
Natigilan ako, napapikit, napa-ungol, saka ko siya maingat na niyakap.
Oh, fuck. Fuuuuck.
Hindi yata ako masasanay sa ganito. Kapag panaginip lang pala ‘to, iiyak talaga ako! ‘Yung may kasamang uhog!
She pulled back with a small smile on her lips. “I would love to sleep here. Dito sa kama mo. Kahit tabi tayo.” Nagsimula akong ngumisi pero inipit niya ‘yung ilong ko sa pagitan ng dalawa niyang daliri, saka turo sa ‘kin ng hintuturo ng kabilang kamay. “Pero tulog lang, Jomar, ah. Bawal hipo!”
“Ay, shayang. Arayarayray!” Hinigpitan kasi niya ‘yung hawak sa ilong ko. “Oo, ngulog ngangm mramis!”
Binitawan niya ako saka siya naupo. Napahawak ako sa ilong ko. “Can I use your shower? Amoy bar kasi ako eh. Kanina pa ako siksik nang siksik sa ‘yo eh ang baho mo.”
“HA?!”
Malakas at malutong ang tawa niya. “Ako pala. Ang baho ko. Amoy bar ako.”
Siya naman ang sinundot ko sa tagiliran saka ako naupo na rin. “Hindi naman. Amoy fresh na fresh ka pa rin.”
Tumawa siya. “Saka okay lang ba kung pahiram na rin ako ng damit?”
Pumasok agad sa isip ko na suot niya ‘yung T-shirt ko.
T-shirt ko lang.
Fuck.
Tumigas lahat ng puwedeng tumigas.
Ilang beses ko kinailangang tumikhim bago ako nakapagsalita. At kahit gan’un, para pa rin akong soprano nang lumabas ang mga salita mula sa bibig ko.
“Sure. Teka.”
Sabay kaming tumayo mula sa kama. Pumunta ako sa closet para ikuha siya ng T-shirt at pajama bottoms. Malaki pareho ‘yun para sa kanya pero wala naman akong damit na XS ang size.
Pinahiram ko na rin siya ng tuwalya.
Hawak na niya ‘yung pouch niya na lagi niyang dala sa bag nang humarap ako sa kanya ulit. Alam kong may toothbrush at toiletries siya d’un.
Inabot ko sa kanya ‘yung mga damit. “Gamitin mo na lang ‘yung shampoo at sabon ko... o kung gusto mo, hihiram ako ng toiletries ni Ate Emma para hindi ka amoy lalaki.”
“No, it’s okay,” sabi lang niya na may maliit na ngiti. “I don’t mind.”
Neither did I, actually. Pero, utang na loob, paano ko kaya itatago sa kanya mamaya ‘yung erection ko kung tabi kami sa kama ‘tapos naaamoy ko ‘yung sarili ko sa balat niya?
Kailangan ko ng strength at guidance ni Papa God.
Nang magsara ng pinto ng banyo si Charlotte, medyo napalundag-lundag ako bago ako dumapa sa sahig para mag-push ups, saka ako nahiga at nag-sit ups naman, ‘tapos tumalon na ako ulit patayo.
Ang dami kong energy!
‘Tapos n’un, lumapit ako sa mga bintata at nagsara na ako ng blinds at naglibot sa kuwarto ko para tingnan ‘yung mga alaga ko, saka para na rin hindi ko pakinggan ‘yung tubig sa banyo ko. Walang magadang maidudulot ‘yun eh. Ma-i-imagine ko lang kung paano maligo si Charlotte, kung ano na ‘yung sinasabon niya d’un... Nakatingala na nga sa ‘kin ‘yung alaga kong nasa loob ng pantalon ko eh, dadagdagan ko pa?
Nasa loob pa rin ng hide niya si Dua kaya hindi ko na muna siya inistorbo. Mukhang okay din naman ‘yung iba. ‘Tapos para hindi magmukhang tangang nakatulala lang sa gitna ng kuwarto ko, naghanda na rin ako ng sarili kong bihisan para ako naman ang magbanyo pag labas ni Charlotte.
Hinanda ko naman ‘yung sarili ko na tingnan siya paglabas niya pero hindi pa rin pala ako ready n’ung bumukas na ‘yung pinto at nakita ko na siya.
Nakabalot sa buhok niya ‘yung tuwalya. Malinis na ‘yung mukha niya at wala nang bahid ng makeup. Mula sa kinatatayuan ko, naamoy ko na ‘yung shampoo at bodywash ko.
Gan’un din siguro ang amoy niya kapag ikiskis niya ‘yung buo niyang katawan sa ‘kin...
Ehhh, wholesome thoughts, Marlon! Happy, innocent, wholesome thoughts!
Pero napansin ko rin na halos mawala siya sa loob ng mga damit ko. Parang off-shoulder na blouse ang labas sa kanya n’ung T-shirt ko.
Kung lumabas siya ng banyo na panties at lace na bra lang ang suot, pareho lang ang reaksyon ng katawan ko ngayon.
Ugh. Good luck na lang kung makatulog ako mamaya!
“All yours!” masayahin niyang sabi.
“Huh?” tanong ko na nakatingin pa rin sa kanya.
“‘Yung banyo, Jomar,” tawa niya. “I meant it’s all yours.”
“Uh, ah! Oo! Ahehe.”
Akala ko siya na ‘yung all mine eh.
Hinablot ko ‘yung bihisan ko saka ako nagmadali papasok ng banyo.
Isinara ko ‘yung pinto sa likuran ko saka ako sumandal d’un. Napahilamos ako ng mukha.
Ano’ng gagawin ko? Hindi ako puwedeng tumabi sa kanya na ganito! ‘Tapos mapaka-walang modo namang magsariling sikap ako sa banyo habang nasa labas siya! Mahiya naman ako sa balat ko!
Pumikit ako at huminga nang malalim. Saka ako tumuwid at lumapit sa shower stall. Cold shower lang ang solusyon. Kung kailangan kong ibabad si Jomar Junior sa malamig na tubig, gagawin ko para hindi mabastos si Charlotte na walang kamalay-malay sa labas.
---
MABILIS lang naman akong naligo. Malamig na tubig saka inisip ko lang na nakatingin sa ‘kin lahat ng mga pinsan ni Charlotte, umurong na ‘yung dapat umurong. Nakabihis na rin ako paglabas ko ng banyo.
Naka-upo na sa kama si Charlotte at nagtutuyo ng buhok.
Aaaand, pak this layp. Nakasuot na siya ng salamin.
Nakalimutan ni Jomar Junior na giniginaw siya kasi nagising na naman ang walangya!
Parang lumabas si Charlotte mula sa mga pantasya ko mula n’ung high school ako.
Ngumiti siya sa ‘kin, (si Charlotte, hindi si JJ) at wala akong nagawa kundi ngumiti na rin sa kanya kahit pa mukha akong constipated na kuneho.
Gusto ko na lang siya panooring magtuyo ng buhok habambuhay... lalo na kung tuwalya lang ang suot niya...
“Nagtanggal ka na pala ng contacts,” sabi ko na buti na lang ay hindi na soprano ang boses. “Itatanong ko pa lang kung kailangan mo ng, ano ‘yun? ‘Yung kung saan sila binababad?”
“Solution. Okay lang. Lagi naman akong may dala n’un.”
“Ah. Okay. Buti na lang. Pabibo lang naman ako eh. Wala kami n’un dito.”
Bumungisngis siya.
Lumapit na ako at naupo ako sa tabi niya sa kama. “Gusto ko makita kung paano mo tinatanggal ‘yun.”
Kumurap siya sa ‘kin. “Sure ka? Hindi ka mandidiri?”
“O, bakit naman?”
“May mga tao kasing diring-diri sa idea ng contacts. Kasi nga naman nilalagay sila nang diretso sa eyeballs.”
Medyo nagtayuan ‘yung mga balahibo ko d’un. “Hindi naman masakit?”
“Sa ‘kin, hindi. Sanay na ako eh.”
“Kailan ka pa nagsimulang magsalamin?”
“N’ung eight years old ako,” sagot niya. “Sinabihan ng school nurse ‘yung mommy ko na ipa-check ‘yung mga mata ko kasi napansin ng mga teachers ko na nahihirapan akong magbasa kapag malayo.”
Tumango-tango ako. Ang tagal na naming magkakilala pero ngayon ko lang naitanong ‘to ano? Siguro kasi lagi nga siyang naka-contacts kaya minsan, nawawala sa isip ko na malabo ang mga mata niya.
“Hindi mo ba naisip na magpa-LASIK?”
“Hmm, naisip. Pero takot kasi ako eh. I mean, gagamitan nila ng laser ‘yung mata ko! Paano kung magkamali sila ‘tapos tumagos sa eyeballs ko?”
Naningkit ako sa kanya. “Alam mo, kakapanood mo ‘yan ng horror eh.”
Tumawa siya. “Pero pinag-iisipan ko na rin.”
Itinulak ko palayo ng noo niya ‘yung bangs niya. “Kapag mapag-isipan mo nang magpa-LASIK, sabihin mo sa ‘kin. Sasamahan kita. Pero ikaw nang bahala sa ‘kin kapag himatayin ako d’un sa oras na makita kong ginagamitan ka na nila ng laser ah.”
Tumawa siya ulit pero tumango. “Sige, magpapasama ako sa ‘yo.”
‘Yun lang, napangisi na naman ako sa tuwa. Inilahad ko ‘yung palad ko para sa tuwalya niya at iniabot niya ‘yun sa ‘kin. Tumayo ako para isampay ‘yun sa banyo saka ako bumalik sa kuwarto. In-adjust ko ‘yung aircon at ‘yung blackout blinds, saka ako bumalik sa kama.
Nahiga siya sa side kung saan siya nakahiga kanina. Sumilid na rin ako sa ilalim ng kumot pero hindi pa ako agad nahiga. Pinagmasdan ko lang siya habang nagbabasa siya sa phone niya, ‘tapos nang ibaba niya ‘yun sa tabi ng contact lens case na nakapatong sa mesa, tinawag ko ‘yung pangalan niya.
Nilingon niya ako. “Hmm?”
“Tayo na ba?”
Tinawanan ako. “Hindi pa ako attorney di ba?”
Lumabi ako. “Pero nagpapa-kiss ka na sa ‘kin ah.”
“Okay. Di huwag na ulit.”
“Joke lang! ‘To naman!”
Tumawa siya ulit. Pagkatapos tinanggal na niya ‘yung salamin niya at ibinaba ‘yun sa tabi ng telepono niya.
Nahiga na rin ako. “Paano mo gustong matulog?” tanong ko habang nakatingin sa kanya. Nakatagilid kasi kami pareho pero gusto ko sana na yakap siya kung okay lang.
“Puwede bang ganito na lang muna?” sabi niya. “Hindi kasi ako sanay na may katabi eh.”
“Okay.” Independent woman nga pala ‘to.
Pero inabot niya ‘yung kamay ko at pinagbuhol ‘yung mga daliri namin.
Pinanood ko siya. Pinagmasdan ko bawat kurba at anggulo ng mukha niya na kahit gaano yata ako kagaling eh hindi ko maiguguhit nang maayos na mabibigyan ng hustisya kung gaano siya kaganda talaga.
“I’m sorry,” sabi ko.
Tumingala siya sa ‘kin. “Saan?”
“Na may taong tulad ng ex mo,” sagot ko na hinahawi ang buhok niya mula sa noo niya. “Na nakilala mo siya at na sinaktan ka niya.”
“Well, men are trash,” bungisngis niya.
Mahina akong tumawa kasi naalala ko ‘yung usapan namin noon sa Vikings. “And I’m really, really sorry.”
Ngumisi siya. “Alam mo kung ano’ng gustung-gusto namin nina Alessa sa barkada n’yo? ‘Yung hindi kayo gumagawa ng excuses kapag sinasabi namin ‘yun, and that none of you ever asked any of us kung exception ba kayo d’un, even when you guys are exceptions.”
Kumurap ako. “Eh sabi nga ni Ate Emma, kahit matitino kaming magbabarkada, lalaki pa rin kami at nakikinabang pa rin kami sa patriarchy.”
This time, she burst out laughing. “That’s true.”
“Kaya nag-so-sorry pa rin ako. Sana noon pa lang nakilala na kita para hinintay ko na sa madilim na eskinita ‘yung ex mo.”
“Bubugbugin mo siya para sa ‘kin?”
“Hindi. Hoholdapin ko lang.”
Sinundot niya ako sa tiyan saka siya ngumiti ulit sa ‘kin. “You know? Pagkatapos n’ung ex ko, naisip kong suwerte naman talaga ako pagdating sa mga lalaki. My father is an amazing man. I have amazing men for cousins. And then, I met you and your friends. So hindi pa ako nawawalan ng pag-asa pagdating sa inyong mga lalaki.”
“Eh, kung matinong lalaki lang... hindi ako ‘yun,” biro ko.
She smirked. “Eh hindi naman talaga. Si Reinhardt ang tinutukoy ko kapag sinabi kong matinong lalaki.”
“Ayoko na nga.” Binitawan ko ‘yung kamay niya sabay talikod. “Akala ko lalambingin ako, hindi pala.”
Sinundot niya ako saka ako hinila ulit paharap sa kanya.
Bumuntong-hininga ako saka ko hinila hanggang sa balikat niya ‘yung comforter.
“I hope you know how strong you are,” tahimik kong sabi.
She gave me a sleepy smile. “I do. I do now.”
Ngumiti ako at lumapit sa kanya para bigyan siya ng isang huling maingat na halik. “Good morning.”
“Good morning,” sagot niya.
Pumikit na siya at bumuntong-hininga.
Hindi ko makuhang pumikit. Sabi nga ng Aerosmith, I don’t wanna miss ateng. Si Ateng Charlotte ‘yung ayokong ma-miss.
Mayamaya lang, malalim na ‘yung paghinga niya. Lumapit ako ulit para halikan siya sa noo, ‘tapos hindi na ako lumayo para halos share na kami ng unan.
Hindi ko talaga makuhang pumikit. Sayang ‘yung oras na itutulog ko eh. Papanoorin ko na lang siya.
Pero siguro dahil pagod din naman ako, puyat at secured na paggising ko eh nasa tabi ko pa rin siya, hindi nagtagal, nakatulog na rin naman ako.
---
NAGISING ako ng takot na sigaw ng isang babae na sinundan ng siko sa sikmura ko bago may isang sakong patatas na gumulong sa ibabaw ko. Buti sana kung huminto siya d’un eh kasi masaya ako kung boluntaryong pumatong sa ‘kin si Charlotte, kaso hindi eh. Dumiretso siya sa kabila ko at nahablot ko lang ‘yung braso niya bago siya nalaglag sa sahig.
Biglang bangon ako eh!
“Shit, Charlotte! Okay ka lang?” tanong ko na kumakabog ang dibdib.
Naka-upo sa sahig si Charlotte, nakataas ang braso kasi hawak ko pa rin pala ‘yun. Magulo ang buhok niya at nanlalaki ang mga mata.
Binitawan ko siya saka ako nagmadaling bumaba sa sahig para tabihan siya.
“Charlotte? Okay ka lang?” Hinagod ko siya sa likod. Pinanatili kong tahimik at kalmado ang boses ko. “What is it? Bad dream?”
Baka kasi napanaginipan niya ‘yung ex niya. Hindi imposible kasi napag-usapan namin ‘yun kagabi. Baka ipinaalala ng subconscious niya. I don’t know. Hindi ako psych grad! Malay ko sa ganyan! Basta pinipilit ko lang na lunukin ‘yung panic ko.
Bumuga siya ng hangin, pagkatapos eh nagsimula siyang tumawa. Luh! Ano ‘to?
Tumungo siya saka tinakpan ng mga palad ‘yung mukha niya.
“Oh my god,” sabi niya. “Oh my god!”
Kumurap ako pero hindi ko inihinto ‘yung paghagod sa likod niya.
“Sorry. I’m so sorry.” Nakatakip pa rin sa mukha niya ‘yung mga kamay niya.
“Bakit? Ano’ng nangyari?”
Tinakpan niya ‘yung bibig niya gamit ang kaliwang kamay.
“Pagdilat ko kasi...” Itinuro niya ‘yung side niya ng kama. Saka ko nakita na nakadikit sa salamin ng enclosure niya si Wanda.
Takot nga pala sa butiki itong si future misis attorney.
“Shit. I’m sorry,” sabi ko na rin na pinipigilan nang matawa dahil sa pagka-aliw at dahil nawala na rin ‘yung takot ko.
Siniko niya ako. “Huwag kang tumawa!”
“Hindi ako tumatawa!” tanggi ko... na tumatawa.
Pero nakangiti na rin naman siya. Tinakpan niya ulit ‘yung mukha niya pero humilig na siya sa ‘kin.
Hinaplos ko siya sa buhok. “Nasaktan ka ba? Akala ko nananaginip akong nasagasaan ako ng pison n’ung gumulong ka sa ibabaw ko eh.”
Siniko niya ako ulit. “Pison talaga?” reklamo niya. “Saka okay lang ako. Natakot lang talaga ako. Akala ko kasi nakawala siya ‘tapos baka mag-landing siya sa mukha ko.”
Tinulungan ko siyang tumayo at bumalik kami sa kama.
“Anong oras na?” tanong niya.
Sinilip ko ‘yung digital alarm clock ko. “11:30.”
Naka-limang oras mahigit din pala kami ng tulog. “Kung gusto mo pang matulog, okay lang.”
Di ako magrereklamo! More time na magkatabi kami n’un.
Naka-upo na siya ulit sa side niya—at talagang may sides na kami sa kama ko ahahaha—at nahila na niya ulit ‘yung kumot sa kandungan niya. Pero nakatingin pa rin siya sa enclosure ng mga gecko.
Pasimple akong tumabi ulit sa kanya at pinanood siya.
Kinagat-kagat niya ‘yung labi niya ‘tapos eh bumuga ng hangin saka inabot ‘yung salamin niya para isuot.
Aaaat ‘yung usual morning semi-erection ko eh naging full erection na naman, buwiset.
“Puwede ko ba siyang hawakan?”
Nabigla ako! “HA?!”
“Ay, hindi ba puwedeng hawakan ang geckos?”
‘Tang anak ka, Jose Maria Alonzo!
Kung saan-saan kasi nagpupunta ‘yung utak! Akala ko tuloy ‘yung erection ko ‘yung gustong hawakan!
“Ah, hindi, okay lang. Nagulat lang ako kasi di ba takot ka sa mga butiki?”
Ayoooon! Lusot!
“Oo nga pero...” Kinagat-kagat niya ulit ‘yung lower lip niya bago ako ulit tiningnan. Mula sa likod ng salamin niya, parang mas malaki ‘yung mga mata niya.
Siyempre, kung anu-ano na namang porn fantasies ang naisip ko. Ngayon naman, tungkol sa isang sexy secretary sa office table—
“Naisip ko lang kasi, if I’m going to be with you,”—talon ‘yung puso ko eh!—“that means being used to them.” Sumenyas siya sa mga enclosures na nakapaligid sa ‘min. “So parang dapat ngayon pa lang, masanay na ako sa kanila. Face your fears, sabi nga.”
Naririnig kaya niya ‘yung sinasabi niya?
Masakit na ‘yung mga pisngi ko sa laki ng ngiti ko, at sigurado kong parang spotlights sa liwanag ang mga mata ko.
“Teka, hindi ko kinaya ‘yung you’re going to be with me eh.” Hinila-hila ko ‘yung manggas ng T-shirt niya... ko pala na suot niya. ‘Yun na talaga ‘yung balak niya, na sagutin ako. Pinaghahandaan niyang maging girlfriend ko! “Sagutin mo na kasi ako. D’un din naman tayo mauuwi eh.”
Umikot ang maganda niyang mga mata.
“O bakit? Isipin mo,” simula ko na nakangisi pa rin. “Magiging less of a distraction ba ako sa ‘yo ngayon dahil lang wala tayong label kaysa kung hintayin pa natin na maging abugado ka?”
Pinagmasdan ako ni Charlotte. “You want me to be honest?”
“Oo naman.”
“No.” Inipit na naman niya ‘yung ilong ko sa pagitan ng mga daliri niya bago ako makapagsalita. Bumukas na lang ang bibig ko para makahinga ako. “But, napag-usapan na natin ‘to. And I said what i said. We can go out. We can date. Pero hanggang d’un pa lang ‘yung kaya kong ibigay, Jomar.” Pinakawalan niya ‘yung ilong ko saka ako pinagmasdan. “We already talked about this.”
Inabot ko siya at hinaplos siya sa buhok, saka ko sinapo ang pisngi niya. “Oo nga. And I’m sorry. Nagbakasakali lang naman ako. Okay na ako sa ganito muna tayo. Lalo na kasi alam ko namang sasagutin mo rin naman ako.”
Tumawa siya at hinawakan ang kamay ko sa pisngi niya at ‘yung pupulsuhan ko. “Just be patient with me. Okay?”
“Always.” Kumindat ako. “Saka okay nga ‘yun eh. Makakapili tayo ng magandang date para sa anniverary natin. Pili tayo ng suwerteng number!”
Tumawa na siya ulit at itinulak ko ulit ‘yung bangs niya palayo sa noo niya. Kinunot niya ang ilong niya.
“Ang haba na ng buhok ko,” sabi niya. “Pagupit na kaya ako?”
Nagbukas ako ng bibig para automatic na sabihin sa kanya ang opinyon ko tungkol d’un pero parang biglang may nag-alarm sa utak ko kasi naalala ko na isa sa mga red flags ng ex niya ‘yung tungkol sa buhok niya.
Nakita yata ni Charlotte ‘yung iniisip ko sa mukha ko kasi tumawa siya saka ako nilundag at niyakap, at wala akong nagawa kundi ibalot ang mga braso ko sa katawan ng isang mainit at malambot na humahagikgik na Charlotte.
Tumawa na rin ako saka ibinaon ang mukha ko sa buhok niya. Mahal ko na rin ‘tong malambing na version ni Charlotte... na hindi ko pa girlfriend.
Pero naiintindihan ko naman. Gusto ko siya; gusto niya ako. Saka alam ko naman na kung ma-develop kung anuman ‘tong meron kami at maging mas seryoso at mas malalim, hindi naman ako ilalaglag ni Charlotte. Siguro ayaw lang muna talaga niyang mag-set ng expectations kahit pa asang-asa naman na ako. Pero ‘yun nga, kasi sigurado ko naman nang sa simbahan din ang tuloy namin sa huli.
Okay, so hindi sa simbahan. Okay na ako kahit sa tatay lang niya o sa isa sa mga tito niyang judge na puwedeng magkasal sa ‘ming dalawa...
Okay ulit, so hindi pa ako gan’un kasigurado. Hindi ko pa kayang mag-asawa. Wala pa akong masyadong ipon.
Pero sasabihin ko sa ‘yo na kung ibang babae siya, pakiramdam ko hindi ako maghihintay eh. Masama kasi ang ugali ko...
Joke lang.
O puwede ring hindi...
Pero oo, hindi yata ako magtitiwala. Kung ibang babae kasi siya, maiisip kong ginagamit lang niya ako, alam mo ‘yun? May benefits ng isang boyfriend pero walang label? Ano ‘yun? Libre siyang lumipat sa iba kapag may mahanap siyang mas gusto niya?
Eh buti na lang alam kong hindi gan’un si Charlotte. At least sa puso ko, alam kong hindi siya gan’un. Kaya handa talaga akong maghintay.
Anyway...
“Gusto mo ba talagang humawak ng gecko?” tanong ko.
Nag-angat siya ng paningin. “Ibig mo bang sabihin eh ‘yung gecko talaga? O iba ang ibig mong sabihin sa gecko?”
Sinimangutan ko siya. “Excuse me. Hindi ako nagpapahawak ng gecko sa kung sinu-sino lang ano. Lalo na kung hindi pa kami.”
Tumawa siya at sinundot ako sa tagiliran bago siya umalis sa kandungan ko. Tumawa na rin ako saka ako kumilos para buksan ‘yung pinto ng enclosure.
“Si Jarvis na lang ang i-handle mo,” alok ko habang maingat na nag-aangat ng mga dahon-dahon sa loob ng enclosure. “Mas chill siya. Mahilig kasing tumalon si Wanda.”
“Okay.” Huminga siya nang malalim at bumuga ng hangin, saka ako pinanood na marahang inangat si Jarvis mula sa tambayan niyang sanga.
Hinawakan ko lang siya sa palad ko. Sabi ko chill lang si Jarvis, at totoo naman. Tumambay lang siya d’un habang nakikipagtitigan kay Charlotte.
“Kung gusto mo, haplusin mo lang muna siya sa likod niya o sa ulo. He’d like that.”
“We are talking about this gecko’s head, right?”
Natawa ako nang maisip kung ano ang sinabi ko. “Oo... This time.”
Huminga siya ulit nang malalim saka sinimulang abutin si Jarvis. Nanginginig ‘yung kamay niya.
“Okay lang naman din kung hindi,” sabi ko agad. Ayoko namang pilitin niya ‘yung sarili niya kung talagang ayaw niya o talagang natatakot siya. “Puwede namang tingnan mo lang muna siya ngayon.”
Umiling siya. “I want to learn not to be afraid of them.”
Pagkatapos ay inabot niya ulit si Jarvis at marahang hinaplos ng dulo ng isang daliri ang ulo ng gecko ko.
Si Jarvis, hindi ‘yung gecko na gusto kong haplusin niya.
Tumingala lang si Jarvis na parang tutang nagpapahaplos ng ulo.
“It’s not so bad,” sabi ni Charlotte. “Can I hold him now?”
Sinapo ko ng isa kong kamay ang palad niya para ilahad niya ‘yun. “Dahan-dahan lang ah. Huwag mo siyang pisilin masyado.”
Bumungisngis siya. “Alam mo, kung marinig tayo ni Ate Emma, baka kung ano’ng isipin n’un na ginagawa natin.”
Natawa na rin ako. “Oo nga ano? Bastos pa naman si Ate.”
Hinampas niya ako pero inabot na rin si Jarvis na masaya namang lumipat sa kamay niya. Naramdaman kong natigilan si Charlotte pero hindi naman siya natakot o nandiri, at sinapo din niya sa kamay niya si Jarvis at maingat na isinara palibot sa katawan ng gecko ang mga daliri niya.
Sa tanangbuhay ko, hindi ko naisip na darating ang oras na ma-a-arouse ako dahil hawak ng isang babae ang isang gecko.
“You okay?” tanong ko.
“Uh-hmm,” sabi niya na tumatango. Umingit siya sa gulat nang gumalaw si Jarvis sa hawak niya pero halatang mas nag-alala siya na baka nasaktan niya ito imbes na baka tumakas si Jarvis at umakyat sa braso niya.
“It really isn’t so bad,” sabi ni Charlotte na may maliit na ngiti sa mga labi. Nag-angat siya ng paningin sa ‘kin. “Pero parang hindi pa rin ako hahawak ng butiki.”
Ngumiti na rin ako. “Gusto mo siyang pakainin?”
Nagliwanag ang mga mata niya. “Puwede?”
“Oo. Kaya mong humawak ng cricket?”
Mabilis siyang umiling. “Ayoko n’un! Mas takot ako sa mga living creatures na mas marami sa apat ang mga paa!”
Ah, eh oo nga. Mas marami ang takot sa insekto eh.
“Sige. ‘Yung wet food na lang nila ang ipakain mo.”
May supplies ako sa kuwarto kaya sandali lang, nakatimpla na ako ng pagkain ng mga gecko sa maliliit na cups.
Bumubungisngis na parang tuwang-tuwang bata si Charlotte habang dinidilaan ni Jarvis ang dulo ng daliri niya na may wet food.
At nang makakain lahat ng gecko na nasa kuwarto ko, naghugas na kaming dalawa ng kamay sa banyo.
“Puwedeng manood kapag mga ahas naman ang pinapakain n’yo?” tanong niya.
Inabutan ko siya ng tuwalya para matuyo niya ‘yung mga kamay niya. “Puwede naman pero okay ka lang ba sa gan’un?”
Ako na kasi ang magsasabi na hindi para sa mahina ang loob (at sikmura) at maawain ang magpakain ng mga ahas.
“Nakapanood na ako ng mga snake feeding videos ni Ate Emma,” sabi niya na ibinabalik sa ‘kin ang tuwalys. “You don’t do live feeding, right?”
Umiling ako. “Hindi, pero hindi rin pinapakita ni Ate Emma kung paano niya inihahanda ‘yung mga pagkain nila.”
Nagdalawang-isip siya. “Nakakaditi ba?”
“Hindi naman. Pero di ba kumain ka d’un sa kulay blue na mangkok n’ung huli kayong nandito ni Kuya Ulrich?” Inosente ko siyang tiningnan.
Nalaglag ‘yung panga ni Charlotte at sigurado kong namutla siya.
“Joke lang! Joke lang!”
“KADIRI KA!” sigaw niya sabay suntok sa braso ko.
“Joke nga lang!” tawa ko. “Langya! Magkasing lakas kayo manuntok ni Reinhardt!”
“Ew! Ew! Ew!”
Niyakap ko na siya—pasimpleng chansing, siyempre—habang tumatawa. “Joke nga lang! May sarili silang mga gamit d’un sa reptile room! May sarili silang cabinet at ref d’un! Siyempre hindi namin ginagamit ‘yung mga nasa kusina namin para sa kanila!”
“Kaditi ka pa rin!!!”
“Hindi! Nasa reptile room talaga lahat ng gamit nila. Kaya huwag kang magbubukas na lang bigla ng mga cabinet d’un kasi pati mga crickets at ‘yung Dubia coackroach farm eh nand’un!”
Itinulak niya ako palayo. “Binabawi ko na! Ito mismo ‘yung dahilan kung bakit ayoko ng label! Para hindi ko kailangang makipag-break kapag malaman kong may cockroach farm ka!”
Tumawa ako at hinila siya ulit palapit. Yumakap naman.
“Huwag na huwag mo akong bibiruin tungkol sa crickets at ipis, Jose Maria Alonzo! Wala akong pakialam kung ako ang makasuhan ng physical injuries! Kaya akong ipagtanggol ni Kuya Nick sa korte!”
“Hindi na! Hindi na!” sabi ko na hinahaplos siya sa buhok. “Pero ‘yun nga. Huwag ka na lang magbukas-bukas ng mga cabinet d’un.”
“Para saan ‘yung mga ipis?”
“Pagkain din sila ng mga alaga namin.”
Idinikit niya ang mukha niya sa dibdib ko at umingit.
Hinigpitan ko ‘yung yakap ko sa kanya. “Nagbago na ba talaga ‘yung isip mo?”
She shuddered. “Ugh!” sabi niya saka ako itinulak palayo ulit pero napapangiti naman na siya. “Kailangan kong pag-isipan ‘to nang malupit!”
Kinuha ko ‘yung kamay niya saka kami naglakad palabas ng banyo. “‘To naman! Mahilig ka nga sa mga horror movies eh! Ito, ipis lang!”
“Ew!”
“Hawakan mo rin ‘yung mga dubia mamaya.”
“Eeeew!”
“‘Yung maliit lang! Saka hindi naman sila ipis kanal ano ka ba! O kaya ‘yung mga Madagascar Hissing Cockroaches! Mas malinis pa sila.”
“Ayoko!”
Saglit pa kaming nagkulitan bago ko siya inayang mag-almusal.
“Pagkatapos mo akong kuwentuhan tungkol sa ipis, aayain mo akong mag-almusal?” tili niya.
“Wala namang ipis sa kusina!”
Tawang-tawa at tuwang-tuwa lang ako sa ‘ming dalawa.
Magkatulong naming inayos ‘yung kama saka siya nanghingi ng elastic para itali ‘yung bangs niya kasi naiirita na siya na nalalaglag na ‘yun sa mga mata niya.
“Ano’ng gusto mong almusal?”
Binuksan ko ‘yung pinto ng kuwarto saka ako napatingin kasi nagbukas din ‘yung pinto ng kuwarto ni Ate Emma.
Natigilan ako.
Natigilan si Charlotte.
Natigilan si Ate Emma.
At natigilan si Kuya Ulrich na nakasuot lang ng pajama bottoms habang magulo ang buhok at may chikinini sa gilid ng leeg niya.
“Uhm...” simula ko.
“Nananaginip ka lang,” sabi ni Kuya Ulrich na pinapaikot-ikot ang mga palad sa harapan niya na para bang sinusubukan akong i-hypnotize. “Wala talaga ako dito.”
Bumungisngis si Ate Emma sa likuran niya. “Good morning, Charlotte!” masaya niyang bati na may kaway pa.
“Good morning, Ate!” bati rin ni Charlotte na parang hindi apektado na nahuli din siya ng kuya niya na nakitulog sa ‘kin. “Panaginip n’yo lang din ako. Wala rin ako dito.”
Noon na kami natawa lahat.
Hinawakan ni Ate Emma sa likod—sa hubad niyang likod!—si Kuya Ulrich saka hinalikan sa pisngi ang walangya bago siya tuluyang lumabas ng kuwarto.
Nakasuot siya ng oversized na T-shirt na halos hanggang tuhod niya. Ayokong isipin kung ano o kung meron siyang suot sa ilalim n’un kasi 1) ate ko siya, at 2) ate ko siya at kasama niyang natulog si Kuya Ulrich.
At least si Charlotte eh hindi nakahubong natulog ano!
“Ano’ng gusto n’yong breakfast? Or brunch?” tanong ng ate ko. “I can cook something o kung gusto n’yong mag-order?”
Sinundan siya ng tingin ni Kuya Ulrich.
Lalaki rin ako kaya alam ko kung paano magbasa ng ekspresyon ng mga lalaki. Kung bastos lang ang tingin ni Kuya Ulrich sa ate ko, baka sinapak ko siya. Di bale nang mas malaki siya sa ‘kin. Pero para kasing nakita ko ‘yung sarili ko sa kanya kapag nakatingin naman ako kay Charlotte kaya hindi na ako umimik.
“So,” simula ni Charlotte mula sa tabi ko. Nakakrus na ang mga braso niya sa ibabaw ng dibdib niya at naka-ismid siya kay Kuya Ulrich.
Umismid din ang pinsan niya. “Eh ikaw?” sabi ni Kuya na nagkrus na rin ng mga braso sa dibdib niya. “So din?”
“Ulrich! Will you put a shirt on first bago mo pagalitan si Charlotte?” tawag ni Ate Emma mula sa kusina.
Charlotte snorted. Pagkatapos eh parang naalala niya ‘yung elastic na nilagay niya sa pupulsuhan niya kanina. Kinuha niya ‘yun.
“Oo nga, Kuya,” tukso niya. “Put a shirt on first bago mo ako pagalitan.” ‘Tapos eh inangat na niya ‘yung mga braso niya para itali ‘yung bangs niya palayo sa mga mata niya.
Siya ‘yung pinapanood ko kaya hindi ko nakita kung kailan nagbago ang mood ni Kuya Ulrich pero mabilis siyang lumapit kay Charlotte at hinawakan ang pinsan niya sa braso.
“What is this?” tanong niya na hinahagod ng hinlalaki ang mga marka na nagsisimula nang maging mga pasa sa balat ni Charlotte, mga pasa na korteng mga daliri... mga daliri ko.
Noon pa lang dapat alam ko na eh. Hindi ko na dapat hinintay na makita ‘yung angry anime eyes niya para malamang may paparating na panganib.
Nang sulyapan ako ni Charlotte, sinulyapan din ako ni Kuya Ulrich. ‘Yun lang ang warning ko. Hindi na ako nakapalag nang marahas akong itulak ni Kuya Ulrich at bumangga ang likod ko sa pader, pagkatapos eh nasa lalamunan ko na ‘yung isa niyang braso at hindi na ako makahinga.
“Kuya!” sigaw ni Charlotte.
“What the fuck did you do to her?” singhal ni Kuya Ulrich sa ‘kin. Halos manlisik ang mga mata niya sa galit.
Nagsimula na akong mag-panic kasi, well, fuck, ‘yun naman ang normal na reaksyon kapag hindi ka makahinga di ba? Pero hindi ko makuhang lumaban kasi ayoko namang sapakin ‘yung kuya ni Charlotte sa harapan niya.
Isa pa, naintindihan ko ‘yung galit ni Kuya Ulrich kahit pa mali at misplaced, lalo na dahil alam ko na ‘yung pinagdaanan ni Charlotte.
“What the fuck, Ulrich!” sigaw na rin ni Ate Emma at hawak na nilang dalawa sa mga braso at balikat si Incredible Hulk. “Let go! Fuck!”
“Kuya, please!” sigaw ni Charlotte. “Hindi niya ako sinaktan! Nalaglag ako ng kama! Sa braso niya ako nahawakan n’ung sinalo niya ako! It was an accident!”
“Let my brother go, you asshole!” sigaw ni Ate saka kinabog ng gilid ng mga kamao ang likod ni Kuya na parang hindi nito naramdaman.
“Hindi ko siya sinaktan, Kuya,” nakuha kong sabihin kahit pa parang bubog ‘yung hangin sa lalamunan ko at parang pinipiga na ‘yung baga ko. “Hindi ko siya kayang saktan.”
“Ulrich, fuck!” sigaw ulit ni Ate Emma.
Noon yata siya natauhan. Binitawan niya ako at humakbang palayo. Parang matalas na yelo ang hangin na dumaan sa esophagus ko nang makahinga na ako ulit. Gusto kong maupo sa sahig pero nagpakatatag ako. Hinawakan ko lang ‘yung leeg ko na hindi inaalis ang tingin kay Kuya Ulrich na parang nagsisimula nang maintindihan kung ano ang ginawa niya.
“Are you okay?” tanong ni Charlotte sa ‘kin.
“Yeah,” sabi ko na magaspang ang boses.
“I’m sorry, I’m so sorry!”
Ibinalot ko ang isa kong braso sa mga balikat niya. Instinctively, sinubukan ko siyang itulak sa likod ko kung sakaling wala pa rin sa sarili niya si Kuya Ulrich.
Hindi ko maalis ang mga mata ko kay Kuya Ulrich na hindi pa rin naman nag-iiwas ng tingin, pero napalitan na ‘yung galit niya ng realisasyon ng ginawa niya at ng pagkapahiya.
“I’m sorry,” sabi rin niya sa ‘kin bago niya hinarap ang ate ko. “Emma—”
Sinampal siya ni Ate. He looked shocked.
“Get out,” humihingal na sabi ni Ate Emma. “Get the fuck out of my house!”
“Emma—”
“No!”
“I didn’t mean—”
“You almost killed my brother, you asshole! What the fuck?!”
Mukhang delicate little flower ang ate ko pero kapag galit ‘yun, umuulan talaga ng mura sa paligid. Takpan mo na lang mga tainga mo (or mga mata pala kasi nagbabasa ka).
“I thought—”
“I don’t give a fuck!” sigaw ulit ni Ate na umuusok na ang mga butas ng ilong. Umiiyak na rin siya pero hindi ‘yun dahil malungkot siya. Naiiyak din kasi siya kapag galit na galit. “I won’t tolerate that kind of shit! Not from anyone! And especially not from you! Get out!”
“Will you listen—”
“GET OUT!”
Isinara na ni Kuya Ulrich ang bibig niya at nakita kong nagtiim siya ng bagang at lumamig ang mga mata niya. Pumasok siya sa kuwarto ni Ate Emma. Tumungo siya para damputin ang isang long-sleeved na polo na naalala kong suot niya kagabi.
“Are you okay?” tanong ni Ate sa ‘kin. Nanginginig siya at galit pa rin ang tono pero alam kong hindi siya sa ‘kin galit.
“Yeah,” sabi ko lang.
Mabilis na gumagana ang isip ko pero hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin, alam mo na, bukod sa siguruhing hindi nadurog ang esophagus ko.
“Ate, he didn’t mean to—” simula ko.
“Shut up,” galit niyang sabi bago siya tumalikod. Yakap ang sarili niya, naglakad siya papunta sa reptile room namin. Pumasok siya d’un at isinara ang pinto.
Nagkatinginan kami ni Charlotte. Parehong namimilog ang mga mata namin.
“Are you sure you’re okay?”
Tumango ako. “Oo, promise.”
Naghahalo ang mga emosyon sa mukha niya. “I need to go with Kuya Ulrich.”
Tumango ako ulit. “I know.”
Nagmadali siyang bumalik sa kuwarto ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Naghintay lang kung sino sa kanila ang unang lalabas.
Halos sabay sila ni Kuya Ulrich. Bihis na si Kuya, pero si Charlotte, suot pa rin niya ‘yung T-shirt ko pero nakapagbihis na siya ng palda na suot niya kagabi. Hawak na niya ‘yung bag niya.
“Marlon, I’m sorry,” sabi ni Kuya Ulrich. “Nakita ko ‘yung pasa ni Charlotte and I just... lost it.”
“Huwag mong alalahanin ‘yun, Kuya. Kung ako ‘yung nasa posisyon mo, baka gan’un din ang maging reaksyon ko.”
“I’m not...” simula ni Kuya pero umiling siya. “I’m really sorry.” Sinulyapan niya ‘yung nakasarang pinto ng reptile room. “Puwede bang saka na natin pag-usapan nang maayos? Kung gusto mong mag-demanda—”
Tingnan mo ‘tong mga Sarreal na ‘to. Demanda agad.
Mabilis akong umiling. “Hindi. Okay lang talaga. Okay lang naman ako.”
Pinigilan kong hawakan ulit ‘yung leeg ko para siguruhing konektado pa siya sa katawan ko.
Tumango si Kuya. “Saka na natin pag-usapan ulit,” sabi niya. Naintindihan kong hindi pa kuntento si Kuya Ulrich sa paghingi niya ng sorry ngayon pero hindi pa rin siya handang pag-usapan talaga. “Sabihin mo na lang kay Emma—”
Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin ko kay Ate, pero tumango ako nang hindi niya tinapos ‘yung pangungusap. Naglakad na lang siya papunta sa front door namin.
Hinawakan ni Charlotte ang kamay ko. “I need to go with him,” sabi niya. “Pero tatawag ako mamaya, okay? Alagaan mo na lang muna si Ate Emma.”
“Okay.” Hinawakan ko siya sa isang pisngi at masuyo ko siyang hinalikan. “Ingat kayo.”
Tumango siya at binigyan ako ng isa pang mabilis na halik bago siya nagmamadaling humabol kay Kuya Ulrich.
Napahilamos ako ng mukha nang marinig kong magsara ang pinto, pagkatapos eh nilingon ko ang sarado pa ring pinto ng reptile room.
Well, fuck.