1

1.5K 45 4
                                    

Myelle

"Ui, Ramyelle konti na lang ipapakasal na kita sa calculator mo at ledger. Ano na naman yan?"

"Iya, kelan ko kaya makukumpleto ang pambayad ko sa factory?"

"Bakit ba feeling ko nagmamadali ka naman atang maging successful?"

"Hindi naman. Pero kasi kailangan ko ng bayaran ang downpayment ng factory oh masasayang yung pagpapareserve ko."

"Haii nako Myelle."

"Ayaw ko naman mawala pa yung factory na yun. Masaya si Daddy nung kinwento ko yun sa kanya."

"Lagi na lang masaya si Daddy, masaya si Mommy, eh pano ka naman?"

"Masaya ako kapag masaya ang parents ko. Nagpromise na ako na never ko na sila ididisappoint."

"Pero Myelle, disappointments are part of our lives."

"Alam ko, pero pipilitin kong hindi bigyan ng ganyan ang parents ko."

"Ewan ko sa'yo. Pero anong plano mo na nga?"

"Hindi ko pa din talaga alam Iya. Kasi malaki pa ang kulang ko para mabili yung factory."

"Oh? Edi magloan ka."

"Ano ka ba! May loan pa ako. Di ko pa tapos bayaran ang puhunan ko dito."

"Edi magloloan ako!"

"Iya, hindi pa tayo tapos dun sa loan mo."

"Sa parents mo?"

"That I won't ever do! Kakabayad ko nga lang ng pinahiram ni Daddy eh."

"Sa mga Ate mo?"

"Hindi pwede, anyone but my family. Iya, ayoko na nga madisappoint sa akin ang pamilya ko."

"Mangungutang ka lang naman! Di ka naman papatay."

"Haha. Funny."

"Aii nako, ewan ko na nga sa'yo. Di naman malaking krimen ang umutang. Babalik naman natin eh."

"Iya."

"Okay fine. Sige na, pero mas di ka makakaipon girl, kapag di tayo magoopen ng cafe mo. Kaya tara na, tumayo ka na jan at magbukas na tayo. Wala pang araw yang eye brows mo konektado na naman."

I got up and helped Iya opened our cafe.

This cafe helped me so much in coping up with everything that happened to me. Ang hirap sobra na manatiling tanga, and when I finally opened my eyes, this cafe keep me sane.

When I opened this cafe with Iya, my Dad and Mom both have been too proud and happy kahit pa andami daming wrong choices sa buhay ko. Kahit na hindi ko tinuloy ang pagmemedicine, kahit na hindi ko naging trabaho ang tinapos ko. The happiness on their faces is immeasurable that time. Kaya sabi ko sa sarili ko, I won't stop this because this makes my parents really very happy.

After a year, I wanted to expand and planned to open a small factory para makapagdistribute na rin ako ng bread, cakes and other pastries sa mga supermarkets. Mas mabilis ang turnover kapag ganun based sa feasibility study na ginawa ko. Sa ngayon kasi, iilang supermarket pa lang ang nasupplyan namin ni Iya.

I presented this idea to Daddy at sobra sobra syang natuwa. Hindi pa man nangyayari, proud na proud na sya kaya kailangan ko magawa ito. Ayoko na madisappoint sya kasi hihintayin nya daw yung factory.

May share si Iya dito sa cafe at sya rin ang nagpapatakbo nito daily. Kasi nakatutok ako sa kitchen. Si Iya rin halos ang nagclose ng deals namin sa supermarket. Ako lang ang gumagawa ng papers at nagawa ng mga recipe. Mas may angst kasi sya at confidence sa pangungumbinsi while I work better in the kitchen.

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon