16

1.1K 55 6
                                    

Myelle

Maguumaga na pero pareho kami ni Adam na nakatitig pa rin kay Baby. Mahigit isang linggo pa lang naman sa amin si Baby pero sobrang napamahal na sya sa amin. Sa totoo lang, di ko akalain na kakayanin ko palang hindi magbake ng 1 week kasi inaalagaan ko lang si Baby. Pumupunta ako sa cafe pero andoon lang kami sa may cashier or minsan sa isang upuan.

Di hamak na mas masaya akong kalaro si Baby kesa magbake ng magbake. Si Adam din! Kahit pa anong tanggi nya, halatang halata namang gustong gusto nyang kalaro si Baby. Pagdating na pagdating sa bahay, agad na hahanapin si baby. Minsan nga may bitbit pang laruan.

"Malulungkot ako Adam kapag nawala sa atin si Baby."

"Ayaw ko man aminin Myelle, pero ako din."

"Ampunin na lang natin sya?"

Adam sighed.

"Adam, please?"

"Kung magiging positive ba ang DNA matatanggap mo ba sya na anak ko?"

"Oo nga! Yun nga yung dasal ko since day 1! Ilang ulit ko na sinabi sayo diba? Tatanggapin ko sya, kasi magiging atin na sya. Ako na ang magiging Mama nya. Tsaka may naisip na nga akong pangalan nya."

"Pangalan?"

"Oo, baby lang tawag natin sa kanya, di pa natin sya nabibigyan ng pangalan."

"Anong pangalan ang naisip mo?"

"Juan Evanson."

"Juan Evanson."

Adam smiled.

"Ayaw mo?"

"Gusto, gusto ko ang kahit anong gusto mo."

"Thank you Adam, alam kong mahirap sa iyo ito kaya thank you talaga."

"I promised I am going to be the best husband right? I told you I intend to do that. Ako ang dapat magpasalamat, kasi kung iba ang naging asawa ko, matagal na ako iniwan. Thank you Myelle, thank you for being my wife, thank you for understanding me, for being patient of me, for seeing the good in every evil I do, for believing in me, for everything. Ang dami-dami non Myelle what can I do to atleast return all these goodness?"

"Just promise me, you'll stay with me even you see me as someone else, even I become the person you didn't think I am."

"Someone else?"

"Time will come Adam and you will know more about me. You might doscover things you don't want about me."

"I will always choose to stay Myelle."

"Sana Adam."

"I will Myelle, I will."

I smiled and kissed the tip of his nose.

"Tabihan na natin si Evan Mama, let's pray that tomorrow, we'll gonna make it official."

Adam and I slept hugging our little baby hoping that tomorrow's gonna be a piece of good news.

Maagang umalis sila Adam at Daddy kinabukasan to check on the result. Kami naman kinakabahang mabuti sa bahay. I am praying so much that the baby will be Adam's.

I hugged this little baby. Hindi ko ata matatanggap na kukunin sya sa amin. My love for this little guy grown so much na di ko talaga kakayanin ang mawala sya. Feeling ko inire ko rin sya. Feeling ko ipinagbuntis ko sya.

"Ate, kumain na muna tayo."

"Hindi ko kaya Alli. Naiinip na ako."

"Ate, kumain ka. Magagalit si Kuya."

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon