Myelle
Dahil wala namang ibang magaalaga sa anak ni Adam at hindi naman pwedeng hindi ako pupunta sa cafe today, nagvolunteer na ako na dalahin na lang sya sa Cafe. 3 days na sya sa amin at mukhang ayaw nya na mahiwalay sa akin. Kapag di nya ako nakikita iyak sya ng iyak.
"Wow Myelle! Ilang buwan ka pa lang may asawa tapos may dala-dala ka na agad na baby na ganyan kalaki?!"
"Sira!"
"So pano?"
"Anong paano?"
"Paano kung anak nga sya ni Adam?"
"Oh edi anak."
"Myelle!"
"Eh, naniniwala naman akong anak nga ito ni Adam eh."
"Anong gagawin mo?"
"Edi aalagaan, anak sya ng asawa ko eh. Tapos papabinyagan, gagawin kitang Ninang."
"Eh hindi naman ikaw ang ina."
"Would that matter??"
"Natural!"
I sighed.
"I don't think so. Ipinamigay na nga sya ng Mama nya eh, so ibig sabihin sa amin na lang sya. Akin na lang sya."
"Paano kung kunin sya ulit ng Mama nya?"
"Hindi ko sya ibibigay."
"Jusmiyo Myelle,tatlong araw mo pa lang kasama yan ah!"
I sighed.
"Pero Iya, happy ako twing kasama ko si baby. Happy talaga."
"Haii nako Myelle, Ikaw ang kaisa-isang asawa na ganyang kasaya kapag nalaman nyang may anak sa iba ang asawa nya."
I just smiled and kissed this baby. Ang cute cute ng baby na ito eh. Namiss ko si Aya na ganito lang kalaki.
"Pero Myelle, anong papalabasin mo? Impossible naman na kakakasal nyo pa lang eh may ganyan na kayo kalaki na baby."
"Edi nabuntis ako bago magpakasal."
"Pero Myelle."
"Might have been true right? Let's say sa Germany ako nanganak . If you compute the dates, nasa Germany talaga ako nung birth month nya. At sakto lahat ng dates nya."
"Haii Myelle, I just wish this is the right thing to do."
"Tingin ko naman Iya. Because if not, this won't feel just right."
"Just always remember to save something for yourself. Don't give everything to them. Love yourself always."
Iyah smiled and tapped my shoulders.
Everyone in the cafe is busy, since hindi ako makatulong sa kusina dahil nakatutok ako kay baby, ako na gumawa ng ilan sa mga financial papers namin. Habang si Baby, andoon lang sa baby basinet nya.
Tawang tawa sa akin si Iya, never nya raw kasi ako nakitang ipagpalit ang pagbabake, ngayon pa lang.
Sobrang behave netong baby na ito talaga, isang laruan sapat na sa kanya. Lahat din ng isusubo mo, kakainin nya. Hindi sya makulit, hindi sya umiiyak at lagi syang nakangiti. How could his mother leave him like that?
"Myelle."
"Mommy!"
Mommy looked at the baby. I smiled.
"Mommy, sya po yung baby."
Mommy seat beside me. Nakwento ko kasi kahapon kay Mommy si baby. She was shocked and she also doesn't know what to do.
![](https://img.wattpad.com/cover/263019985-288-k591423.jpg)