Hi guys! Sorry for not updating yesterday. Anyway, mahaba po itong update. Thank you for those who pray, yes negative po ako. Salamat!
Enjoy po :)
Myelle
"Myelle, siguraduhin mong uuwi sa tamang oras itong kapatid mo ha?"
"Yes, Mommy."
"Ikaw Ada ha! Hindi porke at mabait itong si Ate Ramyelle mo, magloloko ka ha! Sinasabi ko sa'yo!"
"Don't worry Mommy, siguradong uuwi ako ng maaga dito."
"Myelle."
"Yes Mommy, I'll make sure she goes home after classes."
"Ada ha! Behave!"
"Mommy, I am a very well-behaved lady."
"Ay bunsoy ko, aalis na ako dahil baka malate kami nila Daddy. Make sure please, to behave properly."
Mommy and Daddy need to go to Germany again kasi may sakit daw si Lolo, they need to be there. Ate went ahead of them. Sab's also there. Si Ate Kaia, hindi sya makakaalis dahil as usual, buntis sya. Ada needs to stay kasi may school pa sya at wala syang choice kundi sa akin tumigil. Masyadong malayo si Ate Kaia sa school ni Ada.
"Daddy, ingat po kayo."
"Yes, and bunso, paki-usap, behave okay?"
"Daddy! Ako ang pinakamaganda at pinakamabait mong anak, promise."
"Oo na lang ako. Myelle ha?"
"Yes Dad."
"Juancho, Ora, iiwan na muna namin itong bunso namin ha? Mahirap kasi kalagitnaan ng school year."
"Wag kayong mag-alala Mara, Matti, kami na ang bahala dito."
"Salamat Juancho."
"Ingat kayo."
We bid goodbye to our parents, hinatid ko naman si Ada sa kwartong gagamitin nya.
"Anong oras ng klase mo bukas?"
"9am."
"Agahan mo ng gising ha, sumabay ka na sa amin paglabas."
"Ano ba yan, Myelle."
"Umayos ka jan ha!"
"Oh eto ang kwarto mo, dito ka matutulog."
"Hala! Ayoko. Dun ako sa tabi mo."
"Baliw ka ba? Katabi ko ang asawa at anak ko."
"Hindi mo naman anak yun eh."
"Isang sabi mo pa nyan sasampalin talaga kita. Ayusin mo na ang gamit mo."
"Tulungan mo ako Ate."
"Ayan, ang tamad tamad talaga."
I was helping Ada arrange her things nung marinig ko ang iyak ni Evan.
"Ada jan ka muna, nagising na si Evan."
Kinuha ko si Evan. Di naman sya gutom, gusto nya lang talaga na lumabas sa kwarto.
"Hi Ninang Ada."
"Ay! Ako na lang mag-aalaga Ate, ikaw na mag-ayos ng gamit ko."
Mabilis kong naayos ang gamit ni Ada. Umiyak bigla si Evan ng pinangigilan sya ni Ada.
"Ada!"
"Sorry na. Cute cute kasi."
"Akina na yang baby ko na yan. Palo natin si Ninang mo, bad yan."