9

772 48 15
                                    

Parang gusto ko mag-update. Haha. Happy Weekend :)

Myelle

Araw-araw na lang, itong asawa ko walang sawa sa pambababae. Ano bang napapala nito? Tsk. Wala na nga syang pera lakas pa rin mambabae talaga.

"Adam!!!"

"Tori!"

"Nakakainis ka naman eh! Hindi mo ako pinupuntahan sa condo."

"I'm sorry Babe."

I just raised my eyebrow. Babaeng walang kahihiyan ding talaga. Saan kaya kumukuha ng lakas ng loob ang mga kabit na ganito? Aba! Mas proud pa sa asawa ah?! I tried not minding them kaya patuloy akong kumakain.

"Ito ba ang asawa mo???"

Agad nyang kinuha ang iniinom na juice ni Adam. Andito kasi kami sa restaurant sa tapat ng building nila at naglulunch. Oh well, walang maraming choice si Adam kundi ang sumabay sa aking kumain kasi wala naman nga syang pera.

"Subukan mo akong buhusan nyan sasampalin kita."

Kita kong iritang irita naman itong babaeng Tori ang pangalan. Mabait ako, pero di ako papayag na mapahiya. At lalong di ako papayag na madumihan! Pano akong babalik sa opisina?

"Adam, Babe!!!"

Tumayo naman si Adam pero pinigilan ko sya.

"Oh, patapusin mo muna'tong asawa ko maglunch. Upo Adam, ubusin mo muna yan."

"Adam let's go na!"

"Uubusin mo ba yan o di kita bibigyan ng allowance?"

Umupo ulit si Adam at sinubukang ubusin ang pagkain nya habang nagdadabog.

"Adam!!!"

I raised my brow at her and continue eating. Sayang ang pagkain kapag di ko inubos. At dahil mas marami syang inorder, mas nauna akong matapos kumain. After ko kumain, tumayo na ako at binigyan sya ng 2 thousand.

"Oh, umuwi ka ng maaga. Dapat nasa bahay ka na bago magdinner."

"2,000???"

"Masyado ba malaki? Babawasan ko yan!"

Adam keep the money in his pocket. Napatawa na lang ako. Tsk. Kakaibang talaga!

"Yung bayad dito?"

I give him 500, sa computation ko kasi wala pang 400 yung kinain namin.

"Ikaw naman Miss umupo ka na dito sa inalisan ko para di ka mukhang alalay jan."

"Huh!"

"Ibalik mo na lang yang asawa ko kapag tapos ka na, wala naman yang pera."

Then, I left them on that restaurant. Hindi pa ako nakakalayo narinig ko na nagiirit yung babae. Natatawa naman ako. Kapag inilabas nya si Adam, sya ang magbabayad for sure. Saan naman kasi makakatawid ang 2,000 nila.

Bumalik na ako sa opisina kasi kailangan ko talagang ayusin ang proseso ng mga department ng opisina nila. Napakagulo. Nakakaawa naman si Daddy Juancho at Alli kaya dapat maayos ko na agad kasi bukod sa gusto kong tumulong, ayaw ko na magtagal pa dito, gusto-gusto ko na maamoy yung mga tinapay.

"Ate Myelle? Asaan si Kuya?"

"Ayun kasama yung si Tori."

"Ate, isa yun sa girlfriend ni Kuya."

"Alam ko."

"Pero."

"Hayaan mo na Alli, uuwi ang kuya mo sa dinner."

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon