Myelle
Mukhang nakinig naman sa akin si Adam dahil pumasok sya kanina. Di ko na lang masyado pinagpapapansin. Nung mag-usap kami ni Daddy at ako na ang nagsorry in behalf of Adam.
Sa palagay ko, natatakot si Adam kasi iniisip nyang aagawan ko sya ng mana. Baliw na lalaki. Bakit ko naman kaya gagawin yun no? Kahit kakabili ko lang ng factory, yes nabili ko na sya sa wakas! At hindi pa ganoon kalaki ang Karina'a kitchen, hindi naman ako maghihirap. I am just here to help them for awhile, jusko, miss na miss ko na ang magbake no! Kapag hindi pa rin ako nakapagbake bukas, baka lagnatin na ako!
"Ms. Myelle, pinapatawag daw po kayo sa executive conference room."
"Okay."
Pagdating ko doon, ang wala na lamang ay si Adam. As usual.
"Allison, where is Adam??"
"Tinawag ko na po Dad."
"Hindi na tayo maghihintay sa taong late."
The meeting had started and ongoing for about 20 minutes already when he arrived.
"Sorry, guys I'm late."
I just rolled my eyes. Nasa opisina na nga late pa rin sa meeting.
"Good that you are here Adam! We're now talking about the contracts that can't be found anywhere. Myelle, can you please tell us again what is your suggestion for the benefit of your husband?!"
I sighed.
"As I've said, since we don't have all the copies of supplier contracts, we need to re-do everything. We have options here, first, we can go to their offices and ask for a copy or we can provide the contracts with them again. Come 3rd quarter of this year, the legal team must produce a templated contract and uniformed accreditation forms. All contracts and accreditation requirements must be filed digitally encrypted with a password."
Adam rolled his eyes.
"What can everybody say?"
"I'll agree with Myelle. We can tell everybody that we are centralizing forms so we'll ask them to re-submit requirements. We can just draft a letter for them."
"I agree too."
"Okay, so with the consensus of everybody, I think we can agree to that?"
The meeting ended well but Dad asked me, Allison, and Adam.
"Adam, since this is your fault that we do not have the contracts, it's your duty to find a way to ask all our suppliers."
"Ako Dad?"
"Oo! Ikaw."
"Bakit di na lang yung naka-isip?"
"Ikaw!"
"Okay fine."
"Ayusin mo Adam ha."
"Myelle and Allison, we have another brand coming in. They have invited us to go to their plant pero matagal pa naman, mga 6 months pa kasi kailangan pa rin natin ayusin yung requirements dito. I need you both to prepare for this. You'll be with me sa Hong Kong trip."
"Dad! Bakit hindi ako?"
"Why you?"
"Daddy! I am your son."
"That doesn't give you a license to relax."
"Sige na, meeting adjourned. We can all go back to work."
"Ah Daddy, can I please go to my cafe? Babalik din po ako sa hapon."
"Sure Myelle, you can actually take the day off."
"Hindi na po, sasaglit lang po ako."
Dad tapped my shoulder, umalis ako saglit. Inaayos na kasi yung transfer ng title ng factory.
"Ui girl anona? Sobrang busy mo sa family business ng asawa mo ah!"
"Naku, isang taon lang ako doon ah. Feeling ko nga mapapaaga kasi tinotoyo si Adam. Akala ata aagawan ko ng mana."
"Sus! Hindi ka pa ba buntis?"
"Oi! Ah!"
"Wag mong sabihing wala pa."
"Iya ha! Umayos ka."
Iya laughed. Pumunta lang naman ako sa cafe kasi kailangan namin pirmahan ni Iyah yung transfer ng titulo ng factory.
"Aynako Myelle,..anyway, alam mo bang may mga customers na naghahanap sa'yo dito?"
"Sino naman?"
"Yung mga nagooffice jan sa tapat. Hinahanap ka."
"Baliw."
"Totoo nga!"
"Ay nako! Tigilan mo na ako Iya, kukuha na lamang ako ng pagkain na dadalahin ko pabalik."
"Babalik ka pa?"
"Andami kong trabaho doon. Miss ko na nga magbake eh."
Pagbalik ko sa office, andoon naman si Adam pero may nakahiga sa sofa sa office nya.
"Paano ka kaya matatapos ano? Tsk."
Ipinatong ko yung cake na dala ko sa table at sinilip ang ginagawa nya. Haiii nako! Wala pa syang nagagawa kahit isang template.
I decided to just do it myself. Hindi madali pero kaya naman. Adam woke up when it's almost time to leave.
"Nakatulog ako."
"Alam naming lahat."
"Nagugutom ako."
"May dala akong cake jan."
"Anong ginagawa mo?"
"Yung template na ikaw dapat ang nagawa."
"Bakit mo ginagawa?"
"Kasi hindi mo matatapos, magtatagal tayo lalo."
He kept quiet and started eating the cake I brought. After he's done, tinabihan na ako. Infainess, magaling naman si Adam, sobrang tamad lang.
"Kunin mo kaya ang laptop mo at magdraft ka ng sa'yo."
"Wag na, okay na yung ganito."
I just rolled my eyes. Hindi na namin namalayan na kaming dalawa na lang pala ang nasa office.
"Adam Babe!"
Haiii. Madalas talagang mas makapal ang mukha ng kabit kesa sa legal na asawa.
"Tori! Anong ginagawa mo dito?"
"Adam! May usapan tayo!"
"Ah. Sige sandali lang."
Hindi ko na lang pinansin yung dalawa. Ang importante, matapos ko na ito. Kapag naisubmit na lahat ang files at natapos ko na ang project, magreresign na ako. I just want to bake cake!
"Adam! Hindi pa rin ba tapos yan? Iwan mo na kasi yang babaeng yan."
"Sige na, umalis na kayo kesa naiingayan ako sa inyong dalawa. Hindi ako makaconcentrate."
Kahit ineexpect ko naman na iiwan nga nila ako, nasaktan pa rin ako nung tinotoo nga ni Adam. I just smiled and feel my tightening chest.
Myelle, just do what you can do to make your parents proud. Even it hurts, even it kills.