Sorry po sa late update, di na kinakaya ng katawang lupa ko ang pagod! May gulay!
But anyway, chill muna po tayo. Kilig kilig muna. Enjoy Reading!
Adam
"Ihahatid na kasi kita."
"Adam naman!"
I stomp my feet. Nakakainis! Bakit kasi pumayag pa akong kuhanin ang kotse nya! Ayaw na tuloy magpahatid at magpasundo ng asawa ko!
"Bakit ba ayaw mo na ihatid kita at sunduin?!"
"Eh kasi hassle yun. Umuuwi ka ng sobrang aga tapos late ka naman na pumasok."
"Eh okay lang yun kasi! Bakit ba kasi hindi ba pwede???"
"Kumalma ka nga."
"Tsss!"
Myelle sighed.
"Alam mo, ang lala mong toyoin. Halika na nga, ihatid mo na nga ako."
I smiled widely. Nanalo din sa wakas!
"Ikaw Adam magbawas-bawas ka ng toyo sa katawan mo ha. Daig mo pa lagi ang bata aba!"
"Naglalambing lang naman eh!"
"Ewan ko sa'yo. Toyo ka."
Hindi ko na lang masyado pinansin kasi baka magalit si Misis. Bawal na bawal yung magagalit sya syempre. Dapat palaging masaya ang Misis ko.
"Oh, igilid mo na lang. Baba na ako."
"Ha? Hindi! Ihahatid kita sa loob!"
"Adam, malalate ka na sa office aba!"
"Eh kung hindi na sana tayo nagdiskusyon kanina edi sana maaga pa ako."
"Ay napakakulit naman talaga Adamson."
"Basta ihahatid kita hanggang sa loob."
Myelle just rolled her eyes at me.
"Bye Misis, susunduin kita mamaya."
"Oo na. Wala namang akong choice."
I smiled.
"Lakad na Adam aba!"
"May nakakalimutan ka pa Misis."
"Anong nakakalimutan?"
I kissed her.
"Bye. See you later."
Then I happily run to my car and went to the office. Buti na lang after lunch, inutusan ako ni Dad na pumunta sa isang supplier. I happily oblige kasi makakauwi ako ng maaga at mapupuntahan ko agad ang asawa ko. Masarap lang talaga kulitin ang asawa ko, napakabait nya kasi.
Napadpad ako sa supplier ng mga wine. I remembered how my father-in-law enjoys his wine kaya naman nagpakitang-gilas ako at bumili ng ilang bote. Kailangan ako talaga ang maging favorite! Maaga pa naman kaya naisipan kong dalahin na agad yung wine sa biyenan ko. Plus points 'to!
"Daddy Matti."
"Nasaan ang anak ko?"
"Ah, nasa cafe pa po. Hindi ko pa po nasusundo. Dumaan lang po ako para dito."
Iniabot ko agad yung wine.
"Saan ito galing?"
"May meeting po ako sa supplier namin ng wines and alcoholic beverages, naisip ko po kayo kaya ibinili ko po kayo."
"Thanks. Pero kahit ilang ganito pa ang dalahin mo sa akin hindi mo pa din pwedeng paiyakin ang anak ko. Babarilin pa rin kita."
"Yes Sir, sinisigurado ko pong laging masaya ang anak nyo."