Yung andaming affected last update. Hehe sorry na nga po.
Kapag may nakahula kung kanino yung next story, maguupdate ulit ako mamaya! Haha
Sorry in advance and Happy Reading!Myelle
As promised, kahit ayaw ko, bumalik ako a week after. Pero pagbalik ko, agad ko nang nilinis ang gamit ko. Yung isang linggong paglayo ko, natanggap ko nang dapat ko na silang ibalik.
4 years of happy family life. A loving husband and a very sweet son. Wala na akong mahihiling pa kundi sana lang, mejo nagtagal pa. But nevertheless, I have been very happy and fulfilled. Sayang lang, di ko maaabutan ang graduation ng Baby Evan ko sa preschool! Pangarap ko pa naman yun. Anyway, I'll still find a way to get a copy of his graduation picture. Para kahit yun man lang, maging parte ko.
I cleaned up the house and readied my things. I waited for Adam and Evan to come home. Nakausap ko na si Raissa, hiningi ko na sa kanya itong tatlong araw para makapagpaalam ako ng maayos kay Adam at lalong higit kay Evan.
"Ma!"
"Mama!!"
I smiled and hugged them both.
"I miss you Ma."
"I miss you both so much."
"Mama dito ka lang."
I just smiled.
"Sino may gusto ng mango cake?"
"Me!!!!!!!!!!"
I smiled, I will really really miss my little guy. Wala na akong papatabain!
"Oh dali! Halika na, nagbake ako ng masarap na masarap na mango cake para sa pinakamamahal kong baby."
Evan held my hand.
Few more time of me holding his little hands. Soon, somebody else would do this.
Adam was just standing by the door kaya tinawag ko.
"Daddy, halika na."
That afternoon, we enjoyed the mango cake and that few more times that we'll be together. Narealize ko na mahirap pala ang buhay ng may taning, lagi kang nagwoworry.
The next day, I volunteered to bring Evan to school. Happy naman sya. Kaya lang hinahanap nya na ang Mommy nya.
"Babalik din sya agad, wait mo sya, tomorrow Baby. Ngayon pwede bang si Mama na muna?"
Evan smiled.
Ako naman, nagpunta sa mall at bumili ng regalo para kay Evan at Adam. Ang tagal pa ng pasko at hindi ko na mabibigay yung mga gusto nila kaya ibibili ko na sila ng regalo. Isa pa, last night na namin together mamaya. Kaya kahit ilang buwan pa para magpasko, icecelebrate ko na.
I went home and cooked a feast. Gusto kong mabusog ang mag-ama ko. Huling beses na matatawag kong akin.
"Mama!"
"Hi Baby!"
"Look Mama may stars ako."
"Wow Andami naman! Picture yan ni Mama."
I took few good shots of my Evan, my Evan whom I love so much. Who I will be missing all my life. Bukas, officially, mawawalan na naman ako ng anak at magluluksa na naman akong mag-isa.
"Oh, mag rest ka muna tapos mamaya play tayo, tapos wait natin si Daddy tapos eat tayo."
Evan obliged. Pag gising nya, tapos na ako magluto kaya dinala ko na muna sya sa club house at nagswimming kaming dalawa. If I can only record his laughter, I will. Napakasarap pakinggan kaya lang, last ko na ito.