Myelle
Honeymoon daw namin pero sa airport pa lang naglalandi na sya ng ibang babae but I won't give a damn. Sabi ko nga hindi ako magiging meddlesome. Pero may araw din sya sa akin. For now, I will be making myself happy kasi sa wakas, nakabalik na ako ng Switzerland.
Nakakatawa yung byahe namin. Kung hindi iisa ang ticket namin maghihiwalay talaga kami sa upuan. Magkatabi kami pero hindi ko sya iniintindi. Bahala sya sa buhay nya.
Pagdating namin sa Switzerland, Lolo pre-arranged the transfers from the airport to the hotel. Tapos sobrang saya pa because the hotel was really nice. Nung chineck ko nga, ang mahal ng overnight stay! Kaya dapat masulit ko ito! Iba talaga ang Lolo ko! The view from the room was extremely fantastic.
Ito namang si Adam, hindi pa nag-iinit ang pwet namin sa kwarto aba at may pababala na!
"Oi Ramyelle, magkalinawan tayo ha! Wala tayong pakialamanan habang andito tayo ha!"
"Okay!"
"Walang tawagan"
"Okay!"
"Mambababae ako!"
"Okay!"
"May sasabihin ka ba?"
"Okay, pero maghanap ka ng sarili mong kwarto, regalo ng lolo ko itong kwarto. Kaya dito ako."
"Okay, fine. Deal!"
I smiled.
Hahayaan ko sya. Akala nya ata magiging masaya ang buhay nya forever.
Ako? I'll just take what I have now. Kailangan ko na lamang talagang isipin that this is my Daddy's happiness and this would save him from heartbreak.
Because I have been here a few times when I was younger, I pretty much know my way around. Biking around alone wasn't bad at all. The whole scenery sounds so peaceful and fun. Hindi mo kailangan ng kasama para magenjoy.
Hindi ko naalalang nasa honey moon nga pala ako kundi tumawag sa akin ang asawa ko after 2 days. Buti pa nga si Allison, tinatawagan ako para kamustahin.
Yun nga lang, hindi ko alam kung tama ba, pero nabanggit kong di kami magkasama. Ayoko naman magsinungaling no. Eh hinahanap nya ang kuya nya. Ang hirap naman icover ko pa sya.
Adam Calling....
Myelle: Akala ko ba walang tawagan? Bakit ka tumawag?
Adam: Bakit declined ang card ko???
Myelle: Aba! Anong malay ko?
Adam: Declined ang lahat ng cards ko!
Myelle: Oh edi magbayad ka ng cash!
Adam: Wala akong cash!
Myelle: Problema ko pa ba yan?
Adam: Please naman Myelle! Tulungan mo ako!
Myelle: Ayoko nga.
Adam: Myelle! Please!
Nakakainis naman oh! At syempre, kahit naman naiinis ako, pinili ko pa rin na puntahan ang gago kong asawa.
I saw him seating at the lobby, mukhang tumanda na agad ng dalawang taon ah. Dalawang araw pa lang ang dumaan.
"Oh? Anyare sayo? Nasaan na yung babae?"
"Nilayasan na ako."
"Karma tawag jan. Bakit nagdecline ang cards mo?"
"Hindi ko alam!"