Myelle
Ngayon ka lang makakakita ng lalaki na kung makipaglandian sa ibang babae ay ginagawa habang kaharap ang asawa. Haii nako, my little hope of him becoming a good man was just good for a day after arriving home. Sa inis ko nga sa kanya, talagang siningil ko sya sa lahat ng nagastos namin! Nainis din tuloy sya sa akin pero wala akong masyadong paki. Sabi ko nga, I am so used to this, ngayon pa ba naman ako magrereact kung ako pa rin ang asawa nya.
"Ay anjan ka pala."
I just rolled my eyes at him.
"Alam mo, marami na akong pinagdaanan kaya yang mga pambabae mo, wala yang epekto sa akin."
"Talaga ba?"
"Yes, so don't be so trying hard."
"Trying hard?!!!"
I just shrugged my shoulders and continue brushing my hair. Maglalagay pa ako nitong serum na binigay ni Ate.
"Hindi ka man lang ba magagalit?"
"Ako?"
He's just looking at me.
"Na ah! Mejo nabiyayaan ako ng madaming tolerance kaya, go, do your thing."
At times like this, pinagpapasalamat ko na hindi ako si Ate Kaia. Kung sya ang napangasawa nitong si Adam, sure na sure akong putol na ang kaligayahan neto. At dahil ako ang asawa nya, swerte sya o baka hindi rin.
Kasi kahit anong gawain nya, kahit pa magvideo call sila ng mga babae nya, wala akong paki. Busy ako sa buhay ko, sobrang busy kaya hinahayaan ko lang sya.
After a week, sinabihan ako ni Daddy Juancho na magopisina na rin sa kanila. Kasama nga sa pinangako ko ay tutulungan ko sila sa business nila. Kaya I willingly said Yes para magopisina na doon. Napakabait ni Tito ay Daddy Juancho na pala, sobra, to the point na wala akong masabi. Unfotunately kay Mommy Leonora nagmana si Adam kaya di rin masyado maganda ugali netong asawa ko.
According to Daddy Juancho's plan I need some months to be with them, kasi nga ang anak nya, na sa kasamaang palad na asawa ko ay napakawalang silbi. Para syang flower vase sa gitna ng lobby, pwedeng meron pwedeng wala. Naturingan pang abogado, pulpol naman. Pagpasok na lang ng tama sa oras di pa magawa. Kaya naman vinolunteer ako ni Daddy na tumulong sa kanila. Daddy even boasted how good I am. Kaya heto ako, tutulong muna pansamantala para maayos ang kumpanya nila.
I sighed.
My Dad's a lawyer and I never saw him this laid back as Adam. Halos wala nga syang vacant time lalo na nung naging country head sya ng SGC Philippines. Nagkavacant time na lang sya nung dumating na yung mga apo nya. Pero itong si Adam, pagrereview na lang ng papel at pagaaccredit ng suppliers, hindi pa magawa. Sabagay busy mambabae ang walanghya.
Dahil sanay naman ako sa bahay na ako ang nagluluto, I cooked breakfast for everybody.
"Myelle, what a nice breakfast."
"Masasanay kami neto Ate!"
"As long as I can, I'll make time to cook for everybody."
"Magbabawas na ako ng katulong kung ganoon."
"Ora!"
My mother in-law rolled her eyes. Eto talagang si Madam alam kong ayaw na ayaw sa akin. Di ko naman sya inaano. Pero syempre ako na magpapasenysa. Bala na syang maistress sa akin.
After I eat, I prepared myself so I can go to the office too. I was surprised to see Daddy Juancho, Alli and Adam patiently waiting outside. Ay mali pala, si Daddy Juancho at Alli lang yung patient, si Adam buraot of the year ang itsura.
"Oh andito na din pala si Myelle, pwede na tayong umalis."
"Dad, hindi ba tayo masyadong siksik na sa sasakyan kung isasama pa natin itong si Myelle."
Adam commented. Sira-ulo talaga to! Sa halip na sya ang maghintay at magpilit na isama ako, sya pa itong gugustong iwan ako! Aii nako talaga! The best na asawa talaga!
"I'm fine! I can commute. Sige na po Daddy Juancho, Alli, mag book na lang po ako ng sasakyan."
"Oo! Kasi marami ka namang pera."
Napakabitter talaga neto sa paniningil ko sa utang nya.
"No, no Myelle, of course not. Here's the car key."
"Dad! That's my car!"
"Yes, so let your wife drive."
"But!"
"Remember what you did last time? You must have been suspended right? So kindly let her drive."
I smiled sweetly showing the keys.
"And I got you a new card Kuya!"
"Oh Thank You Alli---"
"But Ate Myelle's gonna be taking care of it."
"Sure Allison thank you for this and Adam, just tell me if you need anything. I'll let you have it."
Adam and I were together in his car with me driving for us. Itong si Adam nagmamarkulyo sa tabi ko.
"Ano bang problema mo."
"Kotse ko ito eh, dapat ako ang nagdidrive."
"Aba eh sa akin ibinigay ang susi. Osya, mamaya ikaw na magdrive at magcocommute na ako mag-isa pag-uwi."
"Magagalit si Daddy."
"Bahala ka na doon."
"Yung card ko, amina na."
"Nope. Allison told me to keep it for you. If you need something you need to tell me so I can buy it for you."
"Grabe ka naman!"
"Oh, eh hindi naman ako ang may kasalanan. Ibinigay lang naman sa akin hindi ba?"
Adam sighed.
"Maging mabait ka na kasi at magbehave ka."
"Tse."
"Tse ka rin. Bahala ka nga jan, wala ka namang pera."
So I left him with the car. Sya na ang magpark! Bahala sya kung itatakas nya o ipapark! Madami pa akong gagawin at gusto ko na agad matapos kasi ang gusto ko lang namang gawin sa buhay ko ay magluto!