Myelle
"Myelle, alam mo, mejo wala talaga akong tiwala sa mukha ng magiging asawa mo."
"Pati na rin dun sa Biyenang babae kamo."
"Sab! Kaia!" pagpipigil ni Ate kay Ate Kaia at Sab.
"Totoo naman Ate eh! Kapag lang yan ginago si Myelle! Magtago na sya sa palda ng nanay nya masama ugali! Ha!"
"Anong gusto mo? Yung kagaya mong madalas na buntis?"
"Aba, atleast Ate, di gago ang asawa ko at hindi rin masama ugali ng biyenan ko."
"Ate Kaia, give him a chance."
"Ang hilig mo rin naman kasi talaga sa mga gago eh."
"Wow Sab ah. Wow lang."
"Pero wag kang papaapi sa biyenan mo ha! Kapag minaltrato ka, iwanan mo na agad ang asawa mo!!"
"Ate Kaia!"
"Haii Myelle. Wag kang sobrang bait doon ha? Lalaban ka kapag inaapi ka! Kung di mo kaya, eto si Ada, ito ilaban mo!"
"Wow naman. Ako talaga?"
"Malayo kami ni Ate!"
"Pero tama si Kaia, Myelle, wag kang magpapa-api doon ha?!"
"Pati ba naman ikaw Ate?"
"Sobrang bait mo kasi, kinakabahan ako."
"Ang lakas nyo naman makadrama."
"Myelle, wag ka na lang pakasal please?"
"Ada."
Ada sighed.
"Myelle, please?"
"Ada, wedding day ko na, wala ka na magagawa."
"Mag-aral ka na kasi maging independent Ada aba! Di yung lagi kang nakasaksak sa likod ni Myelle."
"Dapat Sab ikaw na lang talaga nauna eh, kelan ka mag-aasawa? Mag-asawa ka na rin nga para ako na lang anak nila Mommy at Daddy."
Ate Kaia pulled Ada's hair.
"Aray naman Kaia!!"
"Tigilan mo yang pagkain! Ngumangawa ka pero kumakain ka? Ate tingnan mo si Ada! Malaki pa sa akin!"
"Hindi kaya! Tsaka pop corn lang 'to!"
"Pop corn na kasing laki ng isang sakong bigas! Ate kanina nya pa yan talaga kinakain promise." Dagdag ni Sab
"Ada! Pag nagka diabetes ka sa katakawan mo ha!" saway ni Ate
Di naman tumataba si Ada pero sya talaga pinakamalakas kumain sa amin. Ang problema, sya rin ang pinakatamad sa lahat. Haii, pano na nga kaya itong Bunso namin, wala na ako, wala na syang katabi sa kama.
Mommy entered the room.
"Mommy! Inaaway nila ako!"
Agad na sumbong ni Ada kay Mommy.
"Ui, ano ba kayong lima? Magsipag-ayos na nga kayo. Ikaw naman Kaia, manahimik ka nga sa isang tabi, kami yung naiilang sa'yo, ang laki na nyang tyan mo, gala ka pa ng gala. Sab, si Aya ayusan mo na kaya ano? Kaela, hindi ka pa kumakain, umiiyak na si Yael. Ikaw din bunsoylalo ko, hinahanap ka na ni Daddy, tigilan mo na rin yang kinakain mo. Go!"
I smiled. Naiwan kasi kami ni Mommy.
"Ang ganda ganda ng anak ko."
"Mommy, ngayon lang ito, hindi ako ang pinakamaganda mong anak. Si Ate Ysa pa din."
"Hindi ah. Maganda ka anak, magandang maganda hindi lang basta maganda, ikaw ang may pinakamagandang puso sa inyong lima."
"Sana kamukha mo ako Mommy, si Ate Kaia kamukha mo po."
"Ikaw naman ang kaugali ng Mommy mo Myelle. Tsaka ako ang kamukha mo, kaya maganda ka."
"Nana."
Mommy smiled at Nana. Kung talagang naging kamukha ko si Nana, sobrang ganda ko rin sana like Ayie and Ate Ysa.
"Yung mapapangasawa mo, sa tantya ko ay babaero gaya ng Daddy mo."
Mommy laughed a little.
"Itong Daddy mo, malaki ang iiiyak sa'yo, sure na sure ako."
"Nana. Hindi ko po ididisappoint si Daddy, promise po."
"Apo, hindi ikaw, sya ang magdidisappoint sa sarili nya."
"Mommy, kausapin nyo na po muna si Myelle, maiwan ko po muna kayo para tingnan yung iba."
Nana smilingly nods at Mommy.
"Ang ganda ng apo ko talaga."
"Nana, ikaw po ang maganda."
"Ay apo, kahit lumipas ang ilang siglo, talagang maganda ako."
I smiled at Nana.
She removed my pearl earrings.
"Sabi ko, twing ikakasal ang mga apo kong babae, I need to give them something. The pieces of Swarovski I wore when I married your Lolo were given to your Mommy, Tita Traea, and Tita Dana. Now, I am giving you this. Apo, Lolo bought me this pair of earrings when we got married the first time. Isa na ito sa pinakamahal na alahas na mayroon ako. I never really mind this dati because it looked so simple."
"When I asked the jeweler to check on this, I was shocked that this was even more expensive than my wedding ring and engagement ring combined. Ayaw ko kasi noon ng masyadong mahal na sing-sing, I don't know Lolo tricked me to have this. So I can wear fortune I am not conscious about."
"This is an apollo blue diamond earring. It may look simpler than it's worth. Just like you. You worth more than what you think you are. You are one of my most precious. Your Dad always tells me, that of all of you, para sa'yo lang daw sya magiging criminal because you are so kind and he loved you so much."
"Thank you, Nana. I love you so much."
"I love you more. I love you my little Ramyelle, masaya ako na ikaw ang nagmana ng isa pang pangalan ko. And oh, Lolo wants to give this to you. Hindi naman yun nagpapakabog sa mga regalo, alam mo naman yung matandang yun and he says he loves you so much."
"Nana? This is Switzerland!?"
"Yes, he've given your Ates the same package and please apo, visit us before heading back home. Okay?"
"Yes, Nana. I love you po and Lolo too. But where is he?"
"He's with Daddy, Uncle Luke and Uncle Akim. Ayoko na paakyatin at baka magumiyak na naman dito, matanda na yun di na dapat pinaiiyak masyado."
I smiled and kissed my Nana.
"I am so blessed I have you Nana, thank you and I love you so much."
The coordinator came with the videographer and all. We had pictures taken.
The whole wedding seemed normal except that my Daddy and Tito Juancho were extremely happy. The wedding was well. Marunong din palang umarte ang sira ulong ito. Because he seemed to be so nice and sweet in front of everybody. Mukha ngang pabor sya sa kasal kahit alam ko deep inside my soul, my life won't be any better with me being married to him. But at least, we look happy and in love as published.