Let's see kung gaano kabait ang pinakamabait na anak nila Matteo at Mara Seigfreid :)
Happy Reading!
Myelle
Inabot ako ng ilang oras para matapos ang cake at cupcakes na binake ko. Nakakahiya kay Tito Juancho kung di magiging maganda ang cake. Nung una cakes lang pero di ako kontento kaya ginawaan ko din ng cupcakes. Pero inabot naman ako ng umaaga kasi nga di biro ang magbake at magdecorate ng 3-tier cake at 48 pcs na cupcakes.
"Myelle! Magbreakfast ka muna anak."
"Okay lang po ako Mi!"
"Sabi ni Tito Juancho mo pupunta ka rin daw sa anniversary party nila?"
"Opo Mommy pero magdedeliver lang po ako ng cake na order nya."
"Hintayin mo na kaya kami ni Daddy mo anak?"
"Hindi na po Mommy, mabilis lang naman po ako doon. Dadalahin ko lang po yung cake. Tsaka Mommy, pwede po bang manghiram ng sasakyan? Coding po kasi ang kotse."
"Sure, yung pick up ni Daddy kakalinis lang. Yun na lang ang gamitin mo."
"Thank you, Mommy! I love you."
"I love you Myelle, mag-iingat ka."
Umuwi lang ako saglit para maligo at magpalit ng damit, magdedeliver pa nga kasi ako ng cake. At buti na lang naalala kong coding ako. Haiii! All for the sake of money!
"Aba Myelle! Natulog ka ba?"
"Hindi nga Iya. Tinapos ko pa kasi yang cake tapos dinagdagan ko pa ng cupcakes."
"Bakit kasi tinangap mo pa?"
"Ano ka ba, friend nga ni Daddy yung si Tito Juancho. Syempre ayoko na mapahiya sya tsaka okay lang naman. Sayang, benta pa din yun."
"Ako na lang magdeliver? Puyat na puyat ka oh!"
"Okay lang, ako na Iya. Maiwan ka na dito, tumanggap ka ng maraming orders ha?"
"Myelle! Di ka pa natutulog, aba!"
"Pagkadeliver ko, tutulog ako promise. Sa hapon na ako babalik dito."
"Haii Myelle, lahat ng sobra masama."
"Okay lang ako Iya, sige na. Mamaya mo na ako sermonan."
"Mag-ingat ka ha?"
"Yes! Bye Iya! Good sales today alright?"
I smiled and ride Daddy's pick up.
I was busy looking for Tito Juancho's address when someone cut in. At ang kapal ng mukha nya kasi sya pa ang bumusina! Aba! sya pa ang nagalit sa akin. Etong! Oh My God! Yung cake!!!!
I went down and check. Haiii! Buti maayos ang pagkakalagay ko ng cake but half of the cupcakes are all ruined. Nagtumbling! Sayang!!!
Syempre sumugod ako at pinagkakatok ang kotse!
"Hey Mister!!!"
"Hi Miss!"
He smells alcohol! Nakakainis!
"Don't you know how to drive properly?? Paano kung di ako nakatapak sa preno! My cupcakes are ruined!!"
"Look sorry! Nagmamadali kasi ako!"
"Oh My God! You're drunk and you're driving?? Tapos sorry lang? Nagtumbling yung mga cupcakes na idedeliver ko!!!"
"I have an event to go to. This is my card, Miss, just give me a call, okay?"
