4

836 44 4
                                    

Alam nyo ba na nagbabasa ako ng comments? And somehow ang comments nyo ay nakakapaginfluence sa mga sususnod na chapters. Wala lang, trivia lang. Haha.

Happy Reading! Sama sama tayong mastress para kay Myelle :)

Myelle

"Ui, Myelle! Ui. May customer ka po doon oh, naghihintay."

"Ay sorry."

"May problema ka ba?"

"Wala, ikaw na lang nga muna. Wala ako sa mood kumausap ng tao."

Paano kasi, lumalamang na sa isip ko na pakasalan yung anak ni Tito Juancho. I was thinking to ask my older sisters pero parang di na lang kasi mag-aalala pa sila. So maybe, I can buy a little more time to convince myself. Para kay Daddy, para kumampante sya.

"Oi Aleng Myelle, anong oras tayo magsasarado? Wala ka na pong tinda oh! Kahit loaf breads na pang bukas pa sana, ubos na po."

"Ah, haii. Osige, magsara ka na. Mag babake na muna ako ng para bukas."

"Hui! Okay ka lang ba?"

I sighed.

"Oo, sige na, lakad ka na. Magbabake pa ako ng tinapay at cakes para bukas."

"Ano pa kayang gagawin ng mga panadero mo bukas no? Kung ikaw na naman ang gagawa ng lahat???"

"Hayaan mo na ako, sige na. Umuna ka na. Agahan mo na lang bukas, baka late ako pumasok eh."

I spent the whole night baking. Buong buhay ko nagpakatanga ako kay Mark. I loved him too much that even he betrays me face to face, I do nothing and still love him. Alam nyo yung literal na pipikit na lang ako para di ko makita ang makakasakit sa akin, sobrang ganon ako dati.

I sighed.

Kaya ko bang magpakasal sa taong di ko mahal? Haii. Siguro diba? Ilan taon nga akong naging tanga, ngayon pa ba? Plus this would make my Daddy happy, so I will do it.

"Hoi! Ramyelle! Alas sais na ng umaga andito ka pa rin?! Ano?"

"Ah, hindi ko na namalayan ang oras."

"Tingnan mo itong mga panadero mo, ano pang gagawin nila?? Ayan at wala ka na ngang available na tray!"

I just smiled.

"Sorry, pwede pa rin kayo magbake, marami pa naman tayong orders."

"Alam mo bang nagaalala na si Mommy mo sa'yo?"

"Sorry na, heto na uuwi na ako."

"Kaya mo ba magdrive? Mag uber ka na lang."

"Kaya ko pa naman Iya, sige na."

Nagpaalam na lamang ako, kailangan ko na nga siguro umuwi para makausap si Mommy.

"Mommy?"

"Myelle! Anak, kagabi ka pa namin hinihintay. Di ka man lang nagtext."

"Sorry Mommy, andami po kasing orders."

"Haii nako anak ko."

"Mommy, matutulog po muna ako, but when I wake up, I promise, I will talk to you."

I head to my room to sleep. Apat na oras akong nakatulog. I take a bath then went down. Saktong lunch. Aya's already seating on the dining table with Mommy.

"Anak, halika na, let's have lunch."

"Hi baby!"

"Di na ko baby!"

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon