22

1.1K 51 6
                                    

Hayun na nga pala. So konti pang dalamhati para kay Myelle. Update ng urat sa meeting. Sorry na po sa mga late update.

Myelle

"Akala ko hindi ka pupunta today?"

"Mababaliw ako sa bahay Iya. Magiisang buwan na kaming hindi lumalabas. Sabi mo naman, hindi na pumupunta si Mark."

"Oo, may halos dalawang linggo na syang hindi pumupunta."

"Kasama pa si Evan, Evan magwowork ka din today?"

"Behave Evan, Ninang."

"Wow! Sa tabi ka lang ni Ninang?"

Evan nodded.

"Wow! Pede kiss si Ninang?"

Evan nodded again.

"Good mood na good mood ah! Kapag ganito syang kabait, parang ikaw ang pinagmanahan nya."

I smiled at Iya. Puro kalokohan talaga!

"Oh anak, kay Ninang ka lang muna ha? Magwowork si Mama sa loob."

"Yes, Mama."

"Bait bait naman ng baby ko."

I kissed Evan and went to the kitchen to bake. Uso ata ang cupcakes ngayon at napakadami naming paorder na cupcakes lang lahat. Nung lunch time na, lumabas na muna ako kasi papakainin ko sana si Evan pero nakita kong kumakain na sila ni Iya.

"Mama!"

"Nasa mood talaga sya Mars! Kinain na namin baon nyo! Haha."

I smiled.

Mabait naman talagang bata si Evan. Basta anjan si Mama, okay sya.

After lunch, bumalik ako sa loob to start the frosting. After neto, baka umuwi na kami kasi sure ako na aantukin na si Evan.

Kalalabas ko lang ng kitchen when Mark saw me.

I signaled Iya to hide Evan.

"Mark!"

"Sumama ka sa akin!"

"Mark! Masakit ano ba! Mark! Nasasaktan ako!"

Hinila ako ni Mark at pilit akong pinasasakay sa kotse nya.

"Sakay!"

"No!"

"Myelle, para wala na tayong away, sumakay ka na!"

"Ayaw ko Mark! Layuan mo ako."

Hindi nakapigil si Mark at malakas nya akong nasampal. Nagtatakbo naman ako nung maitulak ko sya pero mabilis si Mark at naabutan nya ako agad.

"Myelle, mag-uusap lang tayo!"

"Ayoko! Wala na tayong pag-uusapan pa!!"

"Meron! At yun ay ikaw at ang anak natin!"

"Wala tayong anak!"

"Hindi ako naniniwala sa'yo!"

"Ikaw ang pumatay sa kanya pero hindi ka naniniwala?! Bitawan mo ako! Layuan mo ako!"

"Hindi ako papayag na hindi kayo mapupunta sa akin. Ikaw at ang anak natin! Akin kayo!"

"Hindi! Bitawan mo ako Mark!"

Mark loosen his grip on my already hurting arm when someone came and punched his face.

"You have no right to touch my wife!"

"Wife?"

I hugged Adam.

"Yes! She's my wife. Back-off!"

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon