Sorry if mejo late update today. I am so pagod mga ses. Hirap kumita ng pera! My Gosh!
Enjoy Reading! 😊
Myelle
Infairness to Adam, mula ng masaksak ako, he never left myside. Nung umuwi kami sa kanila lalong nairita sa akin ang Mommy nya kasi hindi na ako nilubayan ni Adam. Para akong nagkaroon ng buntot. Kahit anong gawain ko o kahit saan ako magpunta, may nakasunod na Adam.
Eto nga at kahit na nga inuutusan sya ng Mommy nya, ayaw nyang sundin.
"Adamson! I am just asking you to pick me up in the afternoon. Masyado na bang mabigat para sa iyo yun?"
"Ma, hindi nga pwede. Oras din yun na susunduin ko ang asawa ko. Alam mo naman yun Mommy eh."
"Ano??? Uunahin mo pa itong asawa mo kesa sa akin na Mommy mo? Ako ang ina mo Adamson!"
Agad kong pinisil ang braso ni Adam. Ito talagang isang ito!
"Adam, sunduin mo na si Mommy mo."
"Hindi! Paano ka?"
"Sige na. Magcommute na lang ako."
Nanlaki ang singkit na mga mata ni Adam.
"No!"
"Adam naman. Ganito na lang, ihatid mo na lang ako kila Daddy. Kunin ko na lang ang kotse ko."
"Hindi pwede! Mag-isa ka lang?"
"Adam, nagdidrive naman na ako dati pa."
"Dati, nung hindi mo pa ako asawa!"
"Adam ha!"
"Pero."
Hinawakan ko na ang kamay ni Adam dahil talaga namang hindi na maganda ang tingin sa akin ng Mommy nya.
"Susunduin na po kayo ni Adam, Mommy"
My mother-in-law turned her back and stomp her feet.
"Ikaw naman, para naglalambing lang si Mommy mo."
"She can commute naman."
"Adam, ayaw mo ako pagcommute tapos si Mommy mo pagcommute mo?"
"Wala naman syang asawang mamamatay pag may nangyari masama sa kanya."
"Sira! Lika na nga at dadaan pa tayo sa bahay."
"Sigurado ka ba?"
"Adam..."
Adam sighed.
"Tara na. Baka malate ka sa office wala pa naman sila Daddy at Allison."
We are already on our way to my parents' house to pick up the car nung mapansin kong sobrang tahimik ni Adam.
"Ui, bakit ka nakapout."
"Sanay na kasi ako na inihahatid at sinusundo ka."
"Aii nako Adamson!"
"Masama ba yun?"
I laughed. Madalas talagang parang bata pero cute naman.
"Ganito na lang Adam, kapag na lang papasok ako sa office nyo, sabay tayo pero kapag sa cafe, ako na magdrive."
Adam sighed.
"Wala naman akong choice kasi ikaw naman ang masusunod. Ikaw ang boss ko."
"Paganyan-ganyan ka ha, pero mamaya nambababae ka na naman."
"Ui! Hindi ah! Nung nangako ako, sinunod ko yun, tinapos ko na lahat. Wala na talaga, malinis na ang konsensya ko!"
I laughed!