21

1K 45 4
                                    

Parang masyado na payapa. Guluhin natin ng very very light. Paiyakin natin ng konti si Myelle.

Myelle

"It's a very beautiful Saturday morning no Myelle?"

I smiled at Iya. Paano nga bang hindi, puno ang cafe, nakapila pa ang magtatake out. Maganda ata talaga ang naidulot nung interview ni Iya sa isang morning show.

Idagdag pa na prinomote kami ni Ayie sa last guesting nya. Nahihiya lang talaga ako kay Ayie kasi mataas ang TF nya. Kapag afford ko na, kukunin ko syang endorser.

"Pero siguro mas marami tayong customer kung ikaw ang nagpainterview."

"Iya,.."

"Oo na! Alam kong ayaw mo, kasi ayaw mong mahanap ka ng taong ayaw mo makita!"

"Thanks, Iya, sa kitchen na ako."

Buong araw na puno ang cafe kaya halos wala kaming tigil sa kitchen. Mag 4pm na nung sinabi kong magpahinga na kami. Yun kasing nabake namin, good for 4 days na dapat. Buti na lang talaga at sinundo ni Ada si Evan, maghapon akong nasa kusina at nakalimutan ko nang maglunch.

I step out of the kitchen for a while to call Adam and ask him what time will he be out of the office. Sya na lang papasundo ko kay Evan kasi grabe na talaga yung pagod ko.

"Myelle,.."

"Hmmn?"

"Myelle, pumasok ka na muna ulit sa loob."

"Ha? Wala kasing signal, tatawagan ko si Adam."

"Myelle..."

"Myelle..."

"Mark?"

Kaya pala pinapapasok ako ni Iya sa loob.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Hinanap kita."

I sighed. Gusto ko syang sigawan at ipagtabuyan pero napakadami naming customers. Ayaw kong masira na naman nya ang isa ko pang pangarap. Ayaw kong pati itong bumubuo sa buhay ko ay mawala dahil lamang sa kanya!

"Mag-usap tayo Myelle."

"Sa labas."

"Myelle!" Pagpigil ni Iya

"I'll be back Iya. I'll be back."

I went a little far from the cafe. Ayaw ko talaga na makakita ang mga tao ng gulo. Dahil sigurado akong hindi magiging payapa ang usapang ito!

Two blocks from our cafe, I faced Mark and questioned him.

"Anong kailangan mo pa Mark?"

"More than 3 years kitang hinanap Myelle! Sumunod ako sa US kasi sabi nila andoon ka daw! Mukha akong tangang hanap ng hanap sa'yo, malalaman ko lang, nasa Germany ka pala! Tapos andito ka na ngayon? Nakabalik ka na at hindi man lang ako kinontak?"

"Ano naman sa'yo yun Mark? Bakit mo ako hahanapin? Bakit kita kokontakin? Diba't malinaw naman na tapos na ang lahat sa atin?"

"Tapos?? Hindi tayo natapos Myelle!"

"So ano pala yun? Nagsimula?? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo? Nakalimutan mo na bang iniwanan mo na ako?!"

"Hindi tayo matatapos Myelle, may anak tayo!"

"Anong anak?! Nakalimutan mo na bang pinatay mo ang anak natin?!"

"Wag mo na akong lokohin Myelle, buhay ang anak natin!"

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon