27

949 46 15
                                    

Myelle

May magagawa ba ako kung kinakampihan ng biyenan kong babae ang tunay na ina ni Evan?

She insisted that Evan must know his real mother and demanded that we let them be together because as per my mother-in-law, mothers, real mothers knows best for their children. Kaya naman ako, tinanggap na lamang ang lahat.

Ano naman kasi ang magiging labas ko ngayong alam na ni Evan ang lahat. Alam na nyang hindi ako ang totoo nyang ina, alam na nyang may Mommy sya, alam na nyang hindi naman kami magkaano-ano.

I just smiled every time so Evan would not be bothered. Since that day Evan knew who his real mother is, parang nangyari na yung kinakatakot ko. Nawawala na sa akin si Evan.

Pwede na syang pumasok sa school na di nagkikiss kay Mama.

Pwede na sya magplay ng walang Mama.

Pwede na magbaon na hindi si Mama ang gumawa.

Pwede na magassignment na hindi tutulong si Mama.

Pwede na sya magsleep na hindi katabi si Mama.

Pwede na sya maligo ng hindi kasama si Mama.

Pwede na sya iwan ni Mama.

At ang pinakamasakit sa lahat, happy sya na may Mommy sya at okay lang na wala si Mama.

Mag-iisang buwan na mula nung bumalik si Raissa at unti-unti nang gumuguho ang mundo ko. Siguro, kasalanan ko naman talaga, kasi hindi naman sa akin si Evan. Yung anak ko, pinabayaan ko at hinyaang patayin ng Daddy nya kaya eto, gingantihan ako ng pagkakataon.

I woke up early kasi may family day sa school ni Evan. Maaga akong bumangon kasi gusto ko luto ko lahat yung baon namin. Iniluto ko lahat ng favorite ni Evan. Unfortunately maaga ring dumating si Raissa.

Si Adam ang nagasikaso sa kanya at agad syang dinala sa kwarto ni Evan. Huminga na lamang ako ng malalim. Ako yung nakiki-anak. Ako yung dapat na magparaya. Patuloy akong nagaayos ng pagkain nung bumaba si Evan na ayos na ayos na.

"Mama!"

"Wow, ang pogi pogi naman ng Evan ko. Pero bakit yan ang suot mo? Diba green?"

"Eto daw po sabi ni Mommy ko kasi palehas palehas kami nila Daddy."

Napaawang ang bibig ko.

"Huh?"

"May fami day kami sa school Mama. Ako si Daddy tsaka si Mommy."

Sa sinabi ni Evan, para akong sinaksak. So tama nga, ako yung hindi kasama. Nangingilid na ang luha ko kasi ang sakit, sobra.

"Iyak ka Mama?"

"Hindi anak."

"Gusto mo sama ikaw Mama?"

"Hindi Baby, hindi. Dito lang si Mama, wait kita umuwi."

"Sorry, Mama. Sabi ni Teacher Mommy, Daddy at Baby daw sa fami day."

"Oo, Mommy, Daddy at Baby. Hindi naman sasama si Mama. Pero! Nagcook si Mama para may baon ka!"

"Yehey!"

"May chicken, tsaka carbonara tsaka---"

"May tuna sandwich Mama?"

"Syempre."

"May grapes?"

"Opo."

"Yehey!"

"Oh punta ka na sa Mommy mo. Aayusin ko lang itong baon nyo."

Tumakbo si Evan papunta kay Raissa na naghihintay na sa may living room. Ako? Tumalikod sa kanila habang patuloy na inaayos ang baon nila kasabay ang masaganang pagdaloy ng luha ko.

CloisteredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon