Mejo magaling manghula ano? Dapat pala poll. Yes, Ayie is up next. :)
AndYahoo! Last 2 after this tapos next story na tayo. Eto na po ang promise ko :)
Adam
"Ano Raissa?? Tanghali na? Anong balak mo sa anak ko?"
"Ihh. Si Manang na lang!"
I pulled her out of the bed. Anong karapatan nyang umarte?! Pagkatapos nyang gawaan ng paraang mapaalis ang asawa ko?
"Tigilan mo ako sa kaartehan mo Raissa! Gusto mo to diba? Gusto mong magpaka-ina diba? Magluto ka tapos gisingin mo na at paliguan si Evan."
Raissa stomp her feet. Akala nya ata masarap ang magiging buhay nya kung sya ang papalit sa asawa ko?! Huh! Nagkakamali sya. Kahit pa anong pang-aakit ang gawin nya, hindi-hindi ako maakit sa kanya.
Wala akong nararamdaman kundi galit at inis. Galit na galit ako kay Raissa dahil sa panghihimasok nya sa buhay namin. At inis na inis ako kay Myelle kasi iniwan nya na lang kami ng ganun na lang!
"Adam, ayaw pa rin kumain ni Evan."
"Subuan mo kaya!"
She sighed.
"Mama!!! Daddy si Mama gusto ko."
"Wala ka na ngang Mama sinabi diba??! Ako na ang nandito, ako ang Mommy mo!"
"Mama!!!! Mama!!!!"
"Evan ano ba! Ako nga ang Mommy mo!"
"Ayaw ko sayo! Ayaw ko sayo! Mama! Mama! Mama! Mamaaaaaaaaaaaaa!
Nabigla ako ng sampalin ni Raissa si Evan. Kaya nasampal ko rin sya. Binuhat ko na si Evan at dinala sa kwarto nya kasi iyak ng iyak. Ilang araw na ring ayaw kumain. Mula nung umalis si Myelle, hintay sya ng hintay. May araw pa na pupunta kami sa Cafe, sisilipin nya ang kusina. Kapag narealize nya na wala talaga si Myelle, iiyak na sya ng iiyak. Hindi sya tumatahan, kinakatulugan na lamang nya ang pag-iyak at pagtawag sa Mama nya.
Gaya nito, hindi na naman sya kakain. Nakakainis na itong si Raissa, pag-alis ni Myelle, biglang naging ibang tao na walang pakialam. Noong andito si Myelle akala mo kung sinong birheng maria sa pagiging mabuting ina. Nung nawala si Myelle biglang naging demonyo. Ang higit sa kinakagalit ko anong sinabi at ginawa nila kay Myelle para iwanan nya kami? Hindi naman kami iiwan ni Myelle kung walang nagsabi.
I sighed.
Nakatulugan na naman ni Evan ang pag-iyak, hindi na naman sya nakapasok. Hindi ko naman pwedeng hindi iiwanan dahil kailangan kong magtrabaho.
"Manang, pabantayan na lang po muna si Evan, pilitin nyo pong pakainin pag gising. Tawagan nyo na lang po ako kung may kailangan kayo."
"Sige iho."
Pagdating ko sa office hati ang utak ko. Iniisip ko si Evan na ayaw pa ring kumain at si Myelle, saang ko namang lupalop ng mundo hahanapin ang isang yun.
"Kuya."
"Anong kailangan mo? "
"May sasabihin ako."
I looked at Alli.
"Narinig ko si Mommy at Raissa kagabi."
"Anong narinig mo?"
"Si Mommy ang kumausap kay Ate Myelle. Sabi ni Mommy, kinonsensya nya si Ate Myelle. Sinabi nya na mahal mo naman si Raissa noon at mahal ka rin ni Raissa. Na sya lang daw ang dahilan kung bakit kayo nag hiwalay. Na kaya mo nabuntis si Raissa kasi mahal mo sya. Kasi magaling ka ngang mambabae pero bakit si Raissa, hinayaan mong mabuntis."