Isa pang iyak tapos tapos na. Haha. Depende sa toyo ng nagsusulat ang ending. Yung special chapter ni Mara at Matti up na. 😊
Myelle
More than a year after.
"Evan! 'wag talon ng talon."
Saway ko kay Evan na talbog ng talbog, ay I mean talon pala ng talon. Ang anak ko sobrang cute talaga.
"Hayaan mo na. Naeexcite lang yan kasi nangako si Daddy na pupunta tayo sa zoo bukas."
I rolled my eyes. Four years old na ngayon si Evan, 3 years na syang nasa amin. Masaya naman ako, masayang masaya kasi feeling fulfilled ako. Feeling ko, ibinigay talaga sa akin si Evan dahil maagang kinuha ni Lord ang baby ko.
Tumigil nga ng kakatalon si Evan tapos sumilip sa office ni Daddy Juancho.
"Evan! No!"
"Mama! May lady po dun. Talk sila Papito."
"Kaya dito muna tayo. Wait natin si Papito mo."
"Pewo Mama sweepy nako."
"Halika na muna, dito ka muna kay Mama, sleep ka na. Gisingin kita kapag lumabas na si Papito mo."
Antok na nga siguro itong si Evan kaya agad na napapikit nung kumandong sa akin. Pero magiiyak to mamaya kapag nakaramdam ng gutom.
"Tulog na?"
"Nakapikit pa lang. Ipagtimpla mo ng gatas."
"Hindi na baby yan eh."
"Tsk! Daddy! Isa! Pag umiyak ito mamaya ihehele mo ito."
Wala syempreng magagawa si Adam sa bigat ba naman ni Evan para ihele nya. Kaya agad syang sumunod. Tinabihan ako ni Adam pagkatapos nya magtimpla ng gatas at sumandal sa balikat ko habang sa hita ko nakaunan ang anak nya. Ginawa pa akong unang netong dalawang 'to.
"Aba Ate Myelle! Anong nangyari jan sa dalawang baby mo na yan?"
"Naku pagod na pagod, paano walang tigil kanina yang dalawa sa mall. Akala mo ngayon lang nakalabas."
"Pati tong baby damulag mo?"
I nodded. Habulan ng habulan yung mag-ama kanina. Ako? umupo lang ako at masaya silang pinanood. Nakakapagod magtatakbo.
"Sino nga pala yung bisita ni Daddy?"
"Hindi ko din alam pero kanina pa sila sa loob. Gusto mo ba sa kwarto na muna kayo? Dito na kaya kayo matulog?"
"Hindi na. Uuwi na din kami, gusto lang dumaan nitong si Evan kasi may promise daw si Papito nya."
"Haii nako si Daddy talaga."
I smiled. Kita ko na rin naman ang paglabas ng bisita sa opisina ni Daddy Juancho.
"Myelle?"
"Ay, hi Daddy, wait lang gigisingin ko lang ito."
"Nak, Evan. Baby, wake up ka muna, andito na si Papito oh. Adam hoi."
Adam woke up pero tulog pa rin si Evan.
"Napagod po kasi ito Daddy."
Daddy Juancho smiled.
"Raissa?"
"Hi Adam."
"Myelle, Adam, Raissa, let's talk. Allison, bantayan mo muna si Evan."
"Bilisan mo lang Daddy, magwawala to pag di nya nakita Mama nya."